Chap. 23

6.5K 182 9
                                    

Kagagaling lang ni Onyx sa trabaho. Nakita n’yang naglalaro ang dalawang bata sa may balkonahe. Agad naman s’yang pumasok sa loob ng bahay at tinungo ang balkonahe.

 

 

“Hi!” Tawag ni Onyx sa dalawa.

 

 

“Hello, Sir.” Sabay sagot ng dalawa.

 

“Nandyan ba ang mommy n’yo?” Agad na tanong ng ni Onyx.

 

“Wala po. May pinuntahan.” Agad na sagot ng batang lalaki.

 

 

“Gusto n’yo bang pumunta dito sa bahay? May dala akong pizza, hamburgers and French Fries. Gusto ko kasing may kasamang kumain.” Anyaya ni Onyx.

 

 

“Okay.” Sabi ng batang babae.

 

Pumasok sa loob ang dalawang bata upang magpaalam. Muling bumaba si Onyx upang sunduin ang dalawang bata sa kabilang bahay.

Maya-maya lang ay kasama n’ya na ang dalawang bata.

 

 

Pagpasok palang ng dalawang bata ay nagpahanda agad si Onyx.

 

 

Natuwa naman si Onyx na kinakausap ang dalawa dahil mahilig silang magkwento. Biglang napansin ng dalawang bata ang portrait na nasa dingding.

Lumapit ng maigi ang dalawang bata.

 

 

“Hindi ba’t si mommy ito?” - Sabi ng batang lalaki.

 

 

“Kamukha nga. Flends ( Friends ) sigulo sila ni mommy.” Sagot naman ng batang babae.

 

 

Lumapit naman si Onyx sa dalawa.

 

 

“Kids, maganda ba?” Tanong nito sa dalawa.

 

 

“Opo. Kasi Mommy namin s’ya eh.” Agad na sinabi ng batang lalaki.

 

Napatingin agad si Onyx.

 

 

“Pakiulit ng sinabi mo?” Muling natanong ni Onyx.

 

 

“Mommy po namin s’ya.” Muling sagot ng batang lalaki.

 

 

Napangiti si Onyx. Naisip n’yang baka kamukha lang ni Aurora ang nasa picture at napagkamalan lang ng mga bata.

 

 

“By the way, anong pangalan n’yo?” Tanong ni Onyx.

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon