Chap. 4

7.1K 209 5
                                    

 

Aurora’s POV

 

 

Dinala ako nina Onyx sa hospital. Inaamin ko talagang masakit ang balakang ko. Iniisip ko tuloy ang mga kapatid ko. Paano na ‘to? Ilang araw pa naman na wala sina tatay at nanay. Sino magpapakain sa mga kapatid ko? Gusto ko nang umuwi.

 

 

“Aling Sabel, kailangan kong umuwi. Walang titingin sa mga kapatid ko. Tsaka, walang magluluto sa kanila.” Sabi ko sa matanda.

 

 

“H’wag kang mag-alala papadalhan namin ng pagkain ang mga kapatid mo. Tsaka sasamahan sila ng isang katulong doon sa bahay ninyo. Para may kasama sila. Ang mabuti pa, magpahinga ka nalang muna.” - si Aling Sabel.

 

Bumukas ang pinto ng akin silid. Pumasok si Onyx at Denielle. Nakita kong nag-aalala si Denielle sa akin.

 

 

“Ate Araw, sorry. Nang dahil sa akin nadisgrasya ka pa.” Naluluhang sinabi ni Denielle.

 

 

“Okay lang ako. Hindi ako mamatay. Masamang damo yata ‘to.” Ewan ko ba’t ganun ang nasabi ko.

 

 

“Kahit na. Mabuti na lang walang malaking pinsala ang nangyari sa ‘yo. Ikaw kasi Denielle, ba’t hindi ka nalang bumili sa palengke.” Ayan pareho tuloy kaming nasabunan ni Onyx. Mmmmmmm di kaya concern s’ya sa akin..KILIG TO DEATH!

 

 

“Bukas ka pa pwedeng lumabas dito. Tsaka, h’wag mong alalahanin ang hospital bills...Sagot ko na.” Ang sabi n’ya sa akin habang nakatingala sa kisame ng hospital. Anong meron sa kisame? Butiki.

 

 

 

“Matanong ko lang, ba’t ka sa kisame nakatingin? Anong meron? Butiki.” Agad kong tanong.

 

 

Bigla s’yang napatingin sa akin. POR DA PERS TYM natakot ako sa mga titig n’ya. Patay mali nalang ang ginawa ko. Nakakatakot kasi ang mga mata n’ya PARANG NAKAKAMATAY! Feel ko parang may lalabas na kidlat at apoy na tatama sa akin.

 

 

“Kuya, sinong magbabantay kay Ate Araw dito?” Nabaling ang tingin ni Onyx kay Denielle.

 

 

“Ikaw nalang, Onyx. Di ba’t exempted ka sa examination mo bukas? Madami pa kasi akong gagawin sa bahay.” Sabi ni Aling Sabel.

 

 

“B-bakit naman ho ako?” Mukhang ayaw ni Onyx.

 

 

“Kuya, please. Nakakahiya kay Ate.” Nilingon ako ni Denielle at ngumiti. Anong ibig sabihin ng mga ngiting ‘yon? Well, anyway kung ano man ’yon— PABOR NA PABOR SA AKIN. Magdidiwang ang buong ANGHEL SA langit! Humanda ka Onyx...REREYPIN NA KITA! GRRRRRRRRR...

 

 

Nang makaalis na silang lahat..kami nalang ni Onyx ang natitira sa aking silid. Dios ko pow! Ayaw ko..Ayaw kong isuko ang aking PURI....pero kung kay Onyx de Guzman –Pwedeng pwede! ^___________^

 

 

Hindi ako makatulog. Hindi ako sanay na ibang tao ang kasama ko. Nilingon ko si Onyx na nakahiga sa sofa. Parang gusto kong sabihin “TABI TAYO, GUSTO MO?” ^__^

 

 

“Ara, matulog ka na. Kanina ka pa nakatunganga d’yan. Tsk!” Biglang sabi n’ya.

 

 

“Ah, eh....hindi pa kasi ako inaantok.” --ako.

 

 

“Gusto mong maglakad sa labas? Magpahangin lang.” OMG! Ito na ang good sign. Jus ko! Jus ko! Nangangati na ang mga paa ko!

 

Inalalayan n’ya akong bumangon. Hangang sa pinaupo sa wheel chair. Dahan dahan n’ya itinulak ang wheel chair. Mabuti na lang nasa first floor lang ang room ko. Agad kaming nakarating sa isang maliit ng garden ng hospital.

 

Feel ko para kaming nagdi-date. Umupo s’ya sa isang bench. Pero napansin ko kanina pa s’ya hindi nagsasalita. Bakit kaya? Demure. Bad Breath kaya ako? Inamoy ko ang sariling hininga ko...

 

HAAAAAAAAAAH..... Hindi naman ako bad breath.

 

 

Hinintay ko nang medyo matagal saka ako nagsalita.

 

 

“O-Onyx pwede na tayong pumasok sa loob. Malamig na eh. Tsaka nilalamok ka na yata. Hindi ka sanay sa lamok. Ako okay lang kasi makapal na ang balat ko.”

 

 

Ngumiti si Onyx sa akin. Oh my God! Ito na ang moment na hinding hindi ko malilimutan. Ang GWAPO GWAPO N’YA. Gusto kong maiyak sa tuwa. Hindi ko inaakala na makakasama ko sa sandaling ito ang aking CHILDHOOD CRUSH.

 

Pabalik na kami sa aking silid. Nasa hallway na kami nang biglang “ BROWN OUT!” Takot ako sa dilim...Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Onyx.

 

 

“Ara, h’wag kang matakot nandito naman ako...” Sabi n’ya.

 

 

“Takot ako...takot sa dilim...hindi ako makahinga...” Nakadama ako ng pagpapanic. Biglang inilabas ni Onyx ang cell phone n’ya. Medyo kumalma ako. Nakakita kasi ako ng liwanag. Pero mas higit sa takot ang naramdaman ko kasi MAGKALAPIT ANG MGA MUKHA NAMIN NI ONYX. NALALANGHAP KO ANG KANYANG HININGA — NAKAMOUTH FRESHENER YATA.

 

 

 

 

 

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon