1.

899 19 2
                                    

"BINABATI KITA SA IYONG PAGLISAN"
By:Khrystaine Uneta.

Noong gabing iyon saksi ang kalangitan
Kung gaano kabigat ang aking nararamdaman
Kung gaano karaming patak ng luha ang kinailangan kong punasan
Habang tanging pader lamang ang aking naging sandalan
Magdamag akong nakatingin sa kalangitan
Habang paborito nating awitin ay pinakikinggan
Awitin na noo'y paulit ulit mong kinakanta sa aking harapan habang ako'y tinititigan
Ngunit ngayon,marahil mga titig at tinig mo'y sa iba na nakalaan
Sinubukan kong tumayo mula sa aking kinauupuan
At naglakad sa kalagitnaan ng gabing nababalot ng lamig at dilim
At doon ay unti unti kong muling naalala lung paano mo ako iniwan at pinabayaan sa kawalan
Kung paanong ang pagmamahalang dati ay walang hanggan,sa isang iglap ay naging walang patutunguhan
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin
O tama bang magbitaw pa ako ng mga salita at ika'y muli pang kausapin
Hindi ko alam,hindi ko na alam at wala na akong ibang alam kundi ang katotohanang hindi panaginip ang iyong pamamaalam
Nagpatuloy ako sa paglalakad
At kasabay nito ay ang patuloy na pag agos ng aking mga luha sa malungkot kong mukha
Muli kong naalala kung paano ko paulit ulit na sinabing "mahal kita" at paulit ulit mo ding sinabing "pasensya na"
Sa mga oras na iyon ay unti unti kong napagtanto
Na totoo palang minsan ay hindi na sapat ang pagmamahal para magpatuloy pa
At alam mo,para tayong libro na kahit gaano katagal at kagandang basahin,kailangan parin tapusin
Naglakbay ako sa kawalan
Walang direksyon na sinusundan at di alam ang patutunguhan
Ang alam ko lang ay nais ko na pakawalan ang lahat ng sakit na nararamdaman
Mga alaala natin ay tuluyan nang makalimutan
At ang pintuan patungo sa bagong simula ay piliin ko nang buksan
Siguro nga'y kung gaano kabilis ang pagdaloy ng kilig sa aking katawan
Noong unang beses na ang mga kamay ko ay iyong mahawakan
Ay ganoon din kabilis ang iyong paglisan
Kahit siguro balikan natin ang mga daan na magkasama nating nilakaran
Ay hindi na muli pang maibabalik pa ang matatamis na ngitian
Ganoon pa man ay nais kong malaman mo na wala akong pinagsisisihan
Noong dumating ka at kumatok sa aking puso ika'y aking pinagbuksan at ni minsan ay hindi ko nagawang ika'y pagsarahan at talikuran
Ngunit ngayon,tatalikuran na kita sa una at huling pagkakataon
At pangako,hindi na ako muling lilingon
Kung sakaling tayo'y muling magkita at ika'y muling magtangka huwag ka na sanang magtataka
Dahil baka kung gaano mo ako kabilis na lalapitan ay ganoon nalang din kita kabilis na iiwasan at lalagpasan
Binbati kita sa iyong paglisan. Mabuhay!

Spoken WordsWhere stories live. Discover now