1.
Isang ordinaryong maulan na araw para sa isang cute na babaeng katulad ko. Kagaya ng dati, nakasalampak ang headphones ko sa aking mga tenga habang naglalakad sa pasilyo na patungo sa silid namin. Inilagay ko rin ang mga kamay ko sa berdeng jacket ko na tila nag-ala Ji Eun Tak lang ang peg ko.
Pero sa hina ng volume ng musikang pinapakinggan ko. Narinig ko ang boses niya...
"Haaays, salamat talaga Jane! Kong di dahil sa'yo siguro mapipilitan na akong suotin ang gym uniform natin at pagtatawanan na ako ng mga kaklase natin!" Masiglang sabi nito.
Mahinhin naman na tumawa si Jane "Asus, maliit na bagay! Sa susunod kasi bumili ka na ng payong at tiyaka hindi ka naman pagtatawanan ng mga kaklase natin kong sakali man magsuot ka ng gym uniform natin. Aba! Mas lalong maiinlove ang girls ng seksyon natin sa'yo!" At tumawa namn ito.
"At isa ka ba dun?" Hirit naman ni Tres.
Nagpatuloy naman ang biruan nina Tres at Jane habang binibilisan ko na ang paglalakad ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit bigla na lang akong mapapatigil o mapapahina ng paglalakad kapag ang isang Treston Gavin Montreal ang nasa paligid ko.
Inislide ko naman ang pintuan ng classroom namin. Para kasing Japanese type ang structure ng mga building ng Southern High School. May pagkaco-ed type narin ito between Filipino and Japanese Stockholders.
"Amore!" Napahanap naman agad ang mga mata ko sa kumakaway at bungisngis na si Kylie. Kakaway sana ako pabalik ng bigla naglakihan ang mga ngiti ng ibang mga kaklase namin na nakatingin sa gawi ko. Nanlaki agad ang mga mata ko sa mga iba't-ibang pares ng nga matang na para talagang nakatingin sa akin!
Napansin na nila ako?
"Good morning everyone!" Isang napakasiglang bati ng boses na kilalang-kilala ko na siyang nagpapalakpak at nagpahiyaw ng buong silid. Akala ko pa naman...
Nagtungo na agad ako sa upuan kong saan malapit sa bintana.
"Hays, napakaenergetic talaga ng mga tao kapag nandito si Tres!" At bumaling naman agad si Kylie sa akin.
"O, kamusta ang summer? Siguro, nag out of town kayo no? Saan? Sa Korea? Japan? Ah, Europe!" Napalaki naman ang boses ni Kylie kaya mabilisan kong hinubad ang headphones ko at agad tinakpan ang bunganga ng babaeng ito.
"# ###!$#^&" Hindi na maintindihan ang sinasabi niya kaya naman tinanggal ko na ang kamay kong nakatakip8p sa bibig niya at napa "Shh" naman ako.
"Oh sya, sya, sya!" Habang napatango-tango naman.
"Aish, bakit pa kasi nagpapalow-profile" bulong ni Kylie sa hangin ngunit narinig ko naman.
"Alam mo naman ang sagot dyan" mahina ko namang sabi. .
"Ahhh oo nga, ayaw mo kasing kinakaibigan lang dahil sa yaman nyo. Pero hindi naman kasi 'yun ang point ko, Amore. Why don't you try to make friends? Hindi naman siguro ganun ang mga kaklase natin, nu. Tignan mo nga 'yan si Treston! Alam ng mga kaklase natin na nagpapart-time job 'yan kada gabi para magastusan ang kapatid nya sa kabila ng lahat ng 'yan marami parin siyang kaibigan." Mahaba nitong pagpapaliwanag.
Umiiling-iling naman ako bilang sagot.
"Aish, matagal na kitang kaibigan pero di ko parin gets ang logic mo. Sge, punta muna ako kina Jaime ah? Makipagkamustahan na rin" tumango naman ako kaya umalis na siya at sumali na sa alon ng mga tawanan at pakikipagkamustahan ng mga kaklase namin.
Meron pa kasing isang rason na hindi mo alam Kylie. At 'yun ay natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi nga ganun ang itrato nila sa akin, ngunit baka sa simula lang baka ganun sila? At sa di kalaunan iba na ang pakay nila sa akin katulad ng sabi niya sa akin.
Binaon ko naman ang sarili kong mukha sa desk at pinaparinggan ang kanya-kanyang tawanan.
"Umuwi kami ng Cebu, kaya ayun na nga! Pumunta kami ng Cebu Zoo, grabe ang laki ng mga ahas dun! Dun ko lang narealize na nasa cebu pala ang mga kamag-anak ng girlfriend ng ex ko!" Sabi ni Kira ang kikay na kaklase ko. Sabay-sabay naman nag halakhakan ang mga kagrupo niyang katulad rin nya. 'Yung grupo nilang matataas ang mga self-esteem.
"Kaya ayun na nga pre e! Buong summer ko e nasa bahay lang ako?!? Sino ba ang hindi mababagot dun! Ni-pagpunta sa court para mag basketbol hindi ako pinayagan ni Mama, kesyo marami daw kaming lalabhin, tsk!" Dinig ko namang reklamo ni Roy, isa sa mga siga kuno.
"May future ka na pala, dre!" Biro naman ni Louis.
Nabaling lang din ang pandinig ko sa mga lalaking nagkwekwentuhan sa harapan ko ng marinig ko naman ang boses niya.
"Gaya parin ng dati, nagpapart-time parin. Maganda kasing opportunity ang summer kapag nagpapart-time ka. Walang kang kahati sa oras, kaya marami-rami rin akong kita. Nagpapasalamat nga ako e, kasi may pang tuition na si Tina para sa taon na'to" Humble namang sabi ng walang iba kundi si Tres.
Palakpakan naman ang iginawad ng mga kaibigang nakapalibot sa kanya.
"Aba, aba! Bilib na bilib talaga ako sa'yo tol! Sa edad mong 'yan ikaw na ang nagbubuhay sa kapatic mo, kaya nga naging bespren kita e!" Pagmamayabang na sabi naman ni Eric sabay akbay sa kaibigan niya.
"Huh? Naging bespren ba kita?" Pagbibiro naman ni Tres sa kanya kaya nauwi sa halakhakan at tawanan ang lahat.
Nakakainggit. Lahat ng ito. Magkakaibigan ang lahat, kahit pa maraming pagkakaiba sa kanila.
"Lahat ng taong nakapaligid sa'yo na gustong makipagkaibigan. Pare-pareho lang sila. Yaman lang ninyo ang habol nila sa'yo..."
Napaupo naman ako ng maayos ng wala sa oras at napatakip sa mga tenga ko. Narinig ko na naman siya.
"Ikaw, Amore? Kamusta ang summer mo?"
Tila natigil ang lahat dahil sa tanong na iyon. No. Hindi sa tanong kundi sa boses na nagtanong. Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko. Iba't-ibang mga pares ng mga mata ang nakatingin sakin parang kanina lang, ngunit ang kaibahan, sa akin na talaga nakatitig ang mga ito.
That was the very first time.
...
So, What do you think about Tres?
And, with Amore?
Short chapter lang muna but as it will continue mas hahaba pa ang mga chapters. Hope you support me!
Comment your thoughts ang reactions! Pretty please?
Comment. Vote. And be Inlove.
YOU ARE READING
When Series #1: When It Started With You
Teen Fiction"Pare-pareho lang sila!" "Yaman lang ninyo ang habol ng mga 'yan!" "Ako lang Amore, ako lang ang pwede mong kaibigan. Ako lang ang totoo" Ito ang mga linyang nagpapatigil kay Amore Revillas na makipagkaibigan sa mga kaklase nya. Nagsilbi na ito bang...
