IKALIMAMPU'T SIYAM NA KABANATA:

1.7K 37 4
                                    

ROSE' POV:

Medyo namimiss ko na ang Maynila, ang mga ingay ng sasakyan, ingay at gulo ng paligid, pero hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko na bumalik dito sa Samar, masaya ako dahil kapiling ko na ulit ang pamilya ko, namiss ko ang aking mga magulang at ang aking mga kapatid, pati na din ang paligid at ang sariwang hangin at ang katahimikan ng paligid.

"Ate, ate Rose, kain na daw tayo sabi ng inay" sabi sa akin ni Jack, gitnang kapatid ko.

"Sige, sige susunod na ako" sabi ko at nilasap ko naman ang paligid. Di ko mawari pero parang mayroon akong hinahanap hanap na tao sa buhay ko...

"Alam ko Ate Miss mo na siya, pero ito ang desisyon na iyong napili, ikaw ay masaya ba talaga?" tanong sa akin ni Jack.

"h..ha?" andito pa pala siya.

"Nakikita ka namin Ate na tumatawa kasama kami ngayon, pero kalungkutan ang dala ng iyong mga mata." maikili niyang sabi at umalis na para tulungan sila inay na maghanda ng pagkain.

Masaya nga ba talaga ako sa desisyon na aking napili?, miss ko na si Simon, miss ko na ang kaniyang mga tinig at ang itsura na laging nangugusap na mas mahalin ko pa siya. Ilang sandali pa ay tumulo na muli ang aking mga luha, naalala ko nanaman ang mga sakit na ibinigay niya sa akin, hindi ko mabatid kung bakit niya nagawa sa akin ang mga bagay na yun pero isa lang ang aking alam, kapag humingi siya ng tawad muli sa akin ay akin siyang papatawarin. Ganun naman diba kapag mahal mo ang isang tao?, handa kang magpatawad kahit gaano pa kabigat ang nagawa niya sa iyo?.

Puro tawa at saya lang ang natatamasa ko magmula nung umuwi ako ulit dito sa Samar, nararamdaman ko naman na gusto nila na iparamdam sa akin ang kanilang pagmamahal, alam kasi nila ang nangyari sa akin sa Maynila, alam nila kung anong nangyari sa amin ni Simon, dahil lagi kong ipinapabalita sa kanila ang mga bagay na nangayayri sa akin sa Maynila.

"Hayyy, siya tara na at tayo'y mangisda" sabi ng itay na ikinatuwa naman naming magkakaptid, ito yung mga bagay na hindi ko nagagawa sa Maynila, ang mga simpleng bagay na hindi mo madalas makita at maranasan sa Siyodad.

SIMON'S POV:

"Sir, Sir, we're here" Sabi sa akin ng flight stewardess, mahaba pala ang naging tulog ko, sobrang napagod lang pala ako sa mga nakaraang araw kaya siguro ako nakatuk9g ng ganito.

Patayo na sana ako ng bigla nalang akong natumba, at nawalan ng malay. Hindi ko alam basta ngayon ang gusto ko lang ay matulog at magpahinga.

"Dok, gising na po si Sir Simon" sabi ng isang nurse. Pinakiramdaman ko ang paligid at napagtanto ko na andito pala kami sa mga isa naming hospital sa Samar.

"Iho, haba ng tulog mo ha!" At naaninang ko naman si Tito Dony, dito siya nakatoka eh.

"Huh?" Tanong ko lang kasi feeling ko nakamit ko naman ang standard ng tulog na 8 hours hehehe.

"3 days kang tulog, may sakit ka na pala di mo pa napansin at na over fatigue ka dahil na din siguro sa stress mo" sabi ni Tito.

"ANO?!!" tatlong araw akong nakatulog? Paano na si Rose?!!

"Tito, I think I need to go.." at patayo na sana ako ng bigla noya akong hatakin pabalik sa kama.

"You need to rest, hindi ka pa masiyadong magaling, doon ka muna sa bahay, natext ko na din parents mo at sabi nila ay dito ka muna sa akin" sabi ni tito sa akin.

"But, I have something to do here Tito, importante" pagpapaliwanag ko kay Tito Dony

"No no buts, stay with me for another 3 days, and after that papakawalan na kita" sabi niya at nag walk out na.

Wala na akong magagawa, alam ko kung bakit ganyan si Tito ngayon dahil yan sa ipinagutos ni Daddy at Mommy.

--
"Enjoy Sir" sabi nung Maid na lumapit sa akin at binigyan ako ng mala buffet na meryenda.

"Thank you" sabi ko nalang.

Andito ako ngayon sa bahay ni Tito, mala resort ang bahay niya dahil sa pool at tabi lang kasi ito ng dagat, sarao magpahinga dito.

Habang nakaupo ako ay bigla ko namang naalala si Rose, miss ko na siya sobrang miss ko na ang ingay niya, tawa niya, boses niya at mismong siya na. Bigla akong nalungkot dahil sa mga kagagawan ko. Alam ko na ngang maki na kausapin si Faith ay kinausap ko pa.

"Let me guess, why you're here" sabi ni Tito na siya namang ikinagulat ko.

Di ako umimik dahil nahihiya ako sa kaniya, sa mga ginawa ko, for sure nalaman niya na kung bakit ako narito, wala sa pamilya namin ang hindi detective, sa angkan namin tinalo pa si Detective Conan sa pagiimbestiga sa buhay ng bawat isa

"You know, if you really love her, you will make a sacrifice, and I'm so proud of you dahil andito ka, but before you go to her, let's have a victory party" aya sa akon ni Tito Dony.

"Huh, victory party?" Pagtataka kung tanong sa kaniya.

"Ecelebrate na natin ang victory mo dahil alam ko na babalik din siya sa'yo, alam mo sa angkan natin lahat tayo matinik sa babae" sabi ni Tito at halatang nagyayabang.

"Oo nga po eh l, kaya nga po tatlo asawa niyo, HAHAHAHA" tawa ko at tawa niya din

"Batang to, Hahaha" sabi niya. At agad naman kami lumabas ng mansyon niya at nagexplore sa mga ari-arian niya.

Sobrang mayaman na din siya, he owns an Island, and bukod sa pagdodoctor, may mga businesses din siya like Clubs,Resorts,Hotels,coffee shops, at Restaurants. Masasabi mo na ang pamilya namin ang isa sa mga pinakamayaman dito sa Pilipinas dahil hindi lang kami nakatuon sa Hospitals but also in other businesses.

"What time ka aalis bukas?, kunin mo na yung isa kong sasakyan don sa mansyon" sabi ni Tito sa akin.

"After lunch?, oo naman tito hindi ako pwedeng magstay sa mansyon mo nang wala akong  nahoholdap HAHAHA!"

Tito Dony kasi ang oinakclose kung Tito, mas close ko pa siya kesa sa sarili kong parents.

Medyo madilim na at nauna naman na su Tito Dony sa Hospital may appointments pa kasi siya, sabi pa nga niya ay kinamcel niya yung iba just to have a bonding on me which is naman na ikinatuwa ko. Buti pa siya may time sa akin, pero parents ko konting konti lang.

Naglalakad lang ako sa tabi ng dagat, pinakiiiramdaman ko ang paligid, tahimik, maaliwalas, masarap ang simoy ng hangin. Iniisip ko pa din si Rose. Miss ko na ang mga ngiti niya sobra.

Naglalakad lang ako hanggang sa matumbok ko ang rurok ng islang ito.

"ROSE ROSE! Halika na't magdidilim na!" Sigaw ng ale. Bigla namang nabuhay ang mga dugo ko sa narinig ko. Si Rose!

Agad kong inikot ang paligid at sinundan ang boses kong saan ko narinig ang pangalan ni Rose.

"Rose.." bulong ko at patuloy pa din ako sa pagtakbo.

"ROSE!!!!" Sigaw ko at tuluyan ng ngang bumuhos ang mga luha ko.

ROSE' POV:

"ROSE!!!!" tawag ng isang lalaki. At ng madinig ko yun ay hindi ako pwedeng magkamali.

"Simon" biglang bulong ko.

"Ano ate?" Sabi naman ni Emil, nakakabatang kapatid ko.

"Wa-wala" sabi ko lang at bigla namang bumalik ang mga ala-ala namin ni Simon.

Hindi ako pwedeng magkamali sa boses na aking narinig, si Simon yun.

A/n: Thank you for reading this chapter. Please vote and share. Also please read
1. END
2. Raped Victim
3. Nang dahil sa Ballpen

ANG IGNORANTE KONG GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon