IKA APATNAPU'T WALONG KABANATA:

1.9K 47 1
                                    

SIMON'S POV: 


 Hindi ako makapaniwala na kami na ni Rose, at sa tingin ko ay siya na, siya na ang babaeng makakasama ko sa panghabang-buhay, ang corny man pero handa akong magpakatino at iwan lahat ng nakaraan para lamang kay ROSE. Mahal ko si Rose, mahal na mahal ko siya.

"Rose!, Huwag ka na maglinis, ipaubaya mo na yan sa mga ibang katulong" sabi ko kay Rose, ngunit umiling siya.

"Katulong ako dito, kaya magta-trabaho ako, may oras naman para magpahinga kami at ilalaan ko yung oras na iyon para sa atin" sabi niya sabay ngiti.

I can't help not to smile, masiyado siyang mabait, ignorante nga lang, pero dahil sa pagiging Ignorante niya ay minahal ko siya ng buong puso.

"O-ok, excited na ako makasama ka" bulong ko sa kanya. Sabay yakap sa kanyang likod habang naghuugas ng pinggan.

"Hoy Simon, tumigil tigil ka nga diyan, nagtatrabaho ako, mamaya mo na ako kulitin sa mga bagay bagay na ganyan, mamaya may masabi pa ang ibang kasambahay niyo eh" sabi niya at inalis niya ang kamay ko.

"Ah ganun ah!" sabi ko sakanya at isinawsaw ko ang mga kamay ko sa mga bula at sabay punas sakanyang Mukha.

"ANO BA SIMON!, UMALIS KA NA NGA DITO!" malakas na sigw niya, hindi ata natuwa sa ginawa ko.

"Oh, oh sige" malungkot kong sabi at palabas na sana ako ng Kusina ng tawagin niya ang pangalan ko.

Hindi ko alam kung bakit ang puso ko ay tumitibok ng napakabilis habang tinatawag niya ang pangalan ko.

"SIMON" mahinhin niyang ssabi sa akin. Iksakto ng paglingon ko ay, ipinunas niya ang mga bula sa mukha ko.

"Ah, ganyanan ha!" sabi ko at agad akong kumuha ng mga bula at ipinunas din ito sa mukha ni ROSE.

"KYAAAAH!" sigaw niya habang ako naman ay tumatawa dahil naeenjoy kong makipaglaro ng bula sa kanya. Para kaming bata sa ginagawa namin ngayon. Nakakatuwa lang dahil sa unang araw namin bilang mag-kasintahan ay hindi kami nagbangayan at nag-sigawan sa iisang bagay.

"Oh, siya maghuhugas na ako, napagod ako sayo eh" sabi ni ROSE habang nagpupunas ng kanyang mukha.

"Eh" sabi ko dahil ang Hot niyang tignan. Medyo wet look siya at nakasando at ang pangibabaw niya ay yung kulay red na apron. Nakakatulo ng laway ang wet look niya ngayon.

"Simon!" sabi ni Rose sabay tapik ay hindi tapik kundi SAMPAL! dahil sa sobrang lakas ng pagkakatama ng kamay niya sa aking mukha.

"Ano ba?, akit ka nananampal?" tanong ko sa kanya.

"Sampal ba yun?, hinawakan ko lang kaya ang mukha mo" sabi niya sa akin.

"ANO?, bakit may force?" tanong ko.

"Ewan, nakatitig ka kasi sa akin, nakakairita lang" sabi niya habang inaayos niya ang buhok niya, hindi ko mapigilang tumitig sa kanya.

"Hayy, naku dun ka na nga" sabi niya sabay talikod at itinuloy na ang paghuhugas. Hindi nalag ako umimik at lumabas na ako ng Kusina ng.

.

.

.

.

.

.

.

"YEIIIIIIII" pagtili ni Madonna sa Harapan ko.

"aray! Madonna naman ba't ka ba nasigaw?!" tanong ko kay Madonna, makatili kasi kala mo nakakita ng artista. Tinalo pa si Rose.

"Kasii, kasii" sabi niyag hindi niya maituloy-tuloy.

ANG IGNORANTE KONG GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon