She even called him Keither! Kean never allowed me to call him by that pero nung sya yung tumawag, Kean even smile at her!

She also miscalled my surname! It's B-E-E-C-H and not BITCH! She's too stupid! Hindi nya ba alam ang pinagkaiba ng Beech sa Bitch?!

Arrggh!

"A-ahh." Daing ko ng biglang sumakit ang binti ko ng magpapadyak ako habang naglalakad. Maybe sumasakit ito dahil sa ginawang pagtulak ng bagong fuck buddy ni Kean!

Nakaka-inis!

Hindi ko rin maiwasang magulat kanina dahil ang bilis nya. Akmang sasampalin ko palang sya, in a blink of an eye, nakaharap na sya sa akin at nahablot nya ako agad. Worst, napilipit nya ang kamay ko sa likod ko.

Masakit, oo. Ikaw ba namang pilipitin ang braso at ibalibag sa sofa! Sinong hindi masasaktan diba? I'm a goddess of beauty pero tao parin ako at nasasaktan!

I hate it dahil masyado syang masunurin nung sinabi kong bitawan nya ako ay bigla nya nga akong binitawan. I wasn't even prepared sa ginawa nyang pagtulak kaya I ended up hitting the sofa. Tsk. That's major major nakakahiya!

I fished my phone on my channel bag and dialed someone's number.

Hindi nagtagal ay sumagot ito. "Hello?" Ani ng baritong boses sa kabilang linya.

"I want you to look for some information's about that Aecy girl na girlfriend daw ni Kean. Also, get Kean's schedule. I need it ASAP." Hindi ko na sya hinintay pang magsalita at pinatay ko na ang linya.

Get ready, Aecy-girl. Mawawala ka rin sa landas ni Kean and he'll be mine again. Soon...

---

Kean's POV

Halos hindi ko na mahawakan ang paperbags na naglalaman ng mga pinamili namin ni Aecy.

Three sneakers, two beanies, two pairs of slippers, one high heels and stiletto, almost ten dresses, five t-shirts, three pants, a dozen undergarments and some things for myself. Yan ang laman ng mga pinamili namin.

Yeah, ipinagshopping ko talaga sya. Ito lang kase ang libreng araw ko sa linggong to. Kapag hindi ko pa sya ibinili ng damit ay wala na syang susuotin which is labor naman sa akin pero iniisip ko rin yung pagkakataon na gusto ko syang ilabas. Kailangan nya ng susuotin.

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng mall. Bitbit ko sa isang kamay ko ang mga paperbags habang nasa bewang ni Aecy ang braso ko. Siya naman ay tahimik na itinutulak ang cart na may laman ng nyaceries pangstock sa bahay habang panakanakang umiinom ng coke float.

Hindi naman sya nag-ayang umuwi after ng encounter namin with Madi. She's carefree. Parang wala lang sa kanya yung nangyari. Pagkalabas nga nya ng fitting room ay nakangiti sya sa akin wearing a black riped jeans and a simple white crop top.

Nagtuloy-tuloy lang sya sa pagpapalit palit at pagsusukat ng damit hanggang sa nag-aya na syang maghanap ng iba pang kailangan nya bago kami magbayad.

Bago kami tuluyang umuwi, niyaya ko muna sya sa supermarket dahil wala nang laman ang fridge maski yung cabinet ko.

Lagay lang ako ng lagay ng sa tinggin ko ay kailangan ko habang sya, hihinto pa sya para tignan ng mabuti yung bibilhin nya.

Ang ending, aagawin ko yung nasa kamay nya at tatakbo palayo sa cart atsaka ito ibabalibag na parang nagshu-shoot bola sa ring.

Tawa lang sya ng tawa pero nung bandang huli, sinasaway nya na ako dahil baka daw madurog yung mga pinamili namin.

Hindi rin kami nagtagal sa supermarket dahil sanay akong lagay lang ng lagay kaya wala syang nagawa kung di gawin din yung ginagawa ko.

Bago kami tuluyang lumabas ng mall ay dumaan muna kami sa isang fast food chain para kumain. We just ordered a simple meal dahil nakalimutan na namin na kumain ng tanghalian. Mahirap naman kung mabibigla ang tyan namin kung hard meal ang kukuhanin ko.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin