Chapter 2: Meet Darren

Start from the beginning
                                    

"Sino ho ba kayo?" aba! tinignan ako from head to toe sabay taas ng kilay!? Baka gusto nitong ahitin ko kilay niya!

"Ako? oh by the way, I'm Kerdie ALMIREZ at nagmamadali ako kaya pwede ba sabihin mo na lang? Information Desk ito, ako ang dapat na nagtatanong hindi ikaw" mwahaha! laughtrip! First time kong sumagot ng ganito maliban kila kuya :D

Namutla yung babae nung inemphasize ko yung 'Almirez' kanina :D

"So-sorry po maam..room 3-D Emerald Building Third Floor po maam" ayan kanina nakataas kilay niya tapos ngayon parang maamong aso na? Pssh.


"Pasenya na po kayo maam dito sa kasama ko" sabi nung kasama niya.


"It's okay. Thanks for the info" sabi ko at tumuloy na sa Emerald Building.


"Bakit mo ginanun si maam? nakakaloka ka" narinig kong sabi nung babae.

"Eh kasi naman never pa kayang may bumisita dun kay Sir Darren maliban kay Mr.Almirez" talaga? parang ako din pala yung si Darren walang ibang bumibisita? siguro magkakasundo agad kami nun..

Nasa elevator na ako at pasara na ito ng kamay na biglang humarang. "Wooh! buti nakaabot pa" sabi nung lalaki.


"Hi miss tagarito ka ba?" sabi ni lolo be nice daw sa iba, mukha namang nice to eh "No, may pupuntahan lang ako dito" 


"Ah saan ba? baka pwede na kitang matulungan" sabi nito na nakangiti. Grabe ang gwapo pala nito pero sanay na akong makakita ng gwapo. Labag man sa kalooban kong sabihin eh puro gwapo ang mga kapatid at pinsan ko -______-

"Thanks, sa room 3-D lang naman ako third floor" nagsmile ako. Siyempre dapat maging nice buti nga inalokan pa ako ng tulong eh.

"Oh sakto third floor din ako malapit lang yun sa unit ko, 3-G yung unit ko" sabi niya.


*Ting!


Bumukas na ang elevator pinauna niya akong lumabas.


"Ayan lang yung 3-D oh...sige una na ako dun lang yung unit ko pangatlo after ng 3-D" ayun umalis na siya. Nakalimutan ko magpasalamat.


Andito na ako sa harap ng 3-D unit. Nagdoorbell na ako. 

Nakatatlong doorbell na pero wala paring nagbubukas. Di kaya wala yun dito?


Dinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig kung may tao sa loob kaso nagulat ako ng bumukas ang pinto.



"Who are you? and what are you doing?" Wahhh! lupa eat me now! akala ko pinto pa rin yung dinidikitan ng tenga ko eh bakit dibdib na ng lalaki ang dinidikitan ng tenga ko!?


"Ah-eh sorr---"


"I think you got the wrong unit" bastusin to ah! isasara niya sana ang pinto kaso naharang ko.yung kamay ko.

"Di pa ako tapos magsalita tapos sasarhan mo na ako?"

"Tch. Ano bang kailangan mo?" wow ah..siya pa may gana mainis?

Life With The BoysWhere stories live. Discover now