KABANATA X Payback

1 0 0
                                    


Katauhan ng May-akda

Sa isang tea house, naroon si Primmy na nag-iisip kay Jaeden. Dahil sa matinding selos na kanyang naramdaman, ito'y nagpapabuwiset ng kanyang araw. Ngunit may biglang lumapit sa kanya.

"Excuse me, miss, pwede umupo muna ako dito?" tanong ng lalaking nakasuot ng asul na hoodie at may pagkabrownish at parang malapit na mag-ala pancit canton yung buhok.

"Anrami naman ng bakanteng upuan diyan ah, ba't dito ka pa uupo?" pilisopong tanong ni Primmy.

"Eh, nakikita ko kasi na buwiset ang araw mo at saka buwiset rin ang araw ko kaya win-win situation lang tayo," sabi ng lalake at binigyan si Primmy ng smirk.

"Hays, sige na nga," pilit na sabi ni Primmy at ininom yung milk tea na bili niya.

Biglang tumahimik ang dalawa at tinignan yung mga binili nila nang ilang minutos. Hanggang sa nagsalita na ang lalake.

"Ako nga pala si Arion Lit," pakilala ng lalake at binigay ang kamay niya kay Primmy upang makipag-shake hands.

"Name's Primmy Laso," sabi naman ni Primmy at nakipag-shake hands kay Arion. Pero di parin matanggal ang tingin ni Primmy kay Arion.

"Feeling nakita kita somewhere," dagdag na sabi ni Primmy. Tuminginnaman si Arion at Primmy at siya'y napa "AHA" sa kanyang kinauupuan.

"Ikaw yung beast mode girl sa Moonmin Cafe," sabi ni Arion kay Primmy pero hindi nagandahan si Primmy sa sinabi ni Arion.

"Beast mode? Haays," Sagot ni Primmy na may halong walang gana sa kanyang tono.

"O nga pala, ba't beast mode araw mo?" tanong ni Arion with bahid na curiousity.

"Love life and it's churvaness," sagot ni Primmy at napabuntong-hininga na lamang.

"Same here," sang-ayon na sabi ni Arion at tumingin sa labas ng tea house.

"Anong nangyari yung sa'yo?" tanong ni Primmy. Nakapinta na sa kanyang mukha ang curiousity.

"Well, there's this girl who admire me long ago pero nang ito'y hindi ko ito sinuklian dahil iba nagustuhan ko, nawala na yung admiration niya sa'kin ngunit di ko namalayan na mahal ko siya from the start, kaya ayun ako na yung humahabol na parang tanga," kalmadong sabi ni Arion habang tumingin parin sa labas ng tea house.

"Well, you deserve it lol," sarkastikong sabi Primmy.

"What a savage, eh yung sa'yo?" sabi naman ni Arion.

"Matagal ko na mahal ang lalaking iyon since childhood pero kahit anong gawin ko wala ang atensyon niya sa'kin kundi nandoon lang sa isang babae at siyempre hindi ako iyon," saad ni Primmy.

"Saklap," tanging sabi ni Arion.

Naweweirduhan na si Primmy kay Arion. Ngunit may lumitaw na idea sa utak ni Primmy.

"How about revenge? We'll pretend like we're in a relationship?" Suggest ni Primmy.

"Hmm, seems like a good idea," sabi ni Arion. Kinabukasan, tinawagan ng dalawa ang kanilang pinakamamahal ngunit di kayang masuklian ang pagmamahal na binigay nila sa kanila.

Katauhan ni Mane

No I don't wanna go too fast, cuz nothing really lasts. I think I need some time but I can't get you off my mind.

Gusto ko pang matulog andas far as I can remember, hindi ako nag-set ng alarm for this day. God, naannoy na talaga ako. Kinuha ko yung phone ko na nakacharge parin. Ay, tawag pala ang bumungad sakin. Haaysss. Nang tinignan ko yung tumawag, gahd ang bastard pala ang tumawag.

Nabuwiset araw ko. Wala akong magawa kundi sagutin ang tawag para hindi na tatawag nang pabalik-balik, gosh.

"Hello, Mane," bati ng bastard.

"Anong pakay mo ha?" pagalit kong sabi. Gusto ko talagang maiwasan ang taong 'to pero pa'no ha? God.

"Let's meet at Nuri Peace Park today at 10 AM," gahd, wala talaga akong makipagkita sa taong 'to, hindi nga tayo susunod sa sinabi niya. "Kung hindi ka pupunta, I'll barge in in your house," dagdag niya. Okay, I changed my mind, tch.

"Sinabi ko ba hindi ako pupunta? Tch," sagot ko at binabaan ang tawag.

Aish! Ano ba kasi ang pakay ng taong 'to. Napakamot na nga ako sa ulo ko dahil parang gusto ko nang mapatay yung bastard na iyon.

Inihanda ko na yung sarili ko. Pagkatapos, ako'y umalis na sa dorm. Pumunta ako sa lugar na kanyang sinabi. Ang peaceful naman dito pero alam kong masisira lang ito dahil sa bastard na iyon.

"Mane?" sabi ng napakapamilyar na boses. Pinunta ko ang tingin ko sa kung nagmula ang boses.

"Jaeden," sabi ko na may dalang pagkagulat. Bakit kaya narito siya.

"Ba't ka naparito?" tanong niya.

"Well, a bastard that exists in my past called me here," sabi ko with a nabubuwiset na look.

"Ano naman pangalan ng bastard yun ah?" galit niyang sabi. Teka, ba't nagalit siya? Ah, concern lang siguro.

"Arion," napabuntong-hininga kong sabi.

"Oh, ano naman pakay ng taong yan?" tanong niya naman.

"Ewan ko nga eh, pinapunta lang niya ako rito," sabi ko. "O nga pala, ba't ka nandito?" dagdag ko.

"Tinawagan ako ni Primmy, hindi ko din alam kung bakit," sagot niya naman.

Naghihintay lang muna kami nang ilang minuto. Kay ganda naman dito pero bigla lang nasira yung moment ko dahil sa boses niya...

"Mane!" rinig na rinig kong sabi ni Arion. "Wait, you again?" dagdag niya habang masama ang tingin niya kay Jaeden.

Napansin ko din na kasama niya si Primmy. Teka, magkakakilala sila? What a small world.

"What's your name, mate?" tanong naman ni Jaeden. Akala ko ba na maconclude na niya agad-agad na si Arion yung tumawag sa'kin?

"Arion," tanging sabi ni Arion na may halong pride.

"Oh, Arion, yung taong sinayang ang pagmamahal ni Mane?" sarkastikong tanong ni Jaeden. For sure, a war will breakout.

"What a small world," sabi ni Primmy na may halong halakhak.

"Why are you even alive?" Tanong ni Primmy and she even gave me a look that could haunt one's life. Napansin ko na gulat na gulat din si Arion sa naging reaksyon ni Primmy. That means bago pa sila nagkakilala.

"You just admit that you are the culprit," sabi ni Jaeden. So, his suspicion was right after all.

"Huh, what?" tanong ni Primmy. Nang biglang may napansin akong isang grupo na tumatakbo papunta sa aming direksiyon.

"What do you mean culprit?" tanong ni Arion.

Nang nakarating yung grupo ay agad nilang dinakip si Primmy na nagwawala. Teka, sino sila? Nang tanungin ko sana si Jae ay natanong na ni Arion yung tanong ko kay Jaeden.

"Sila ang mga staff ng asylum, sila na ang bahala kay Primmy," sabi Jaeden.

"Bakit naman nila dahil si Primmy sa asylum?" tanong ni Arion.

"Akala ko ikaw ang unang makakuha sa balita," sabi Jaeden. Binigyan siya ng clueless look ni Arion. Kaya sinabi na lang ni Jaeden ang lahat ng mga detalye tungkol sa aksidente ko.

Nang matapos na ang pagtalakay ni Jaeden tungkol sa nangyari ay napaluhod si Arion. Hindi siya nakapaniwala sa mga nangyayari at agad siyang umalis. Pagkatapos ay may isang tao na nasa 40's na nagsuot ng lab gown at eyeglasses na lumapit sa amin.

"I'm very sorry for what my daughter has done to you," sabi ng lalaki. So, siya ang ama ni Primmy. Nang gusto ko sana siyang kausapin ay agad na siyang tumalikod sa amin, gusto ko sanang malaman kung ano ang sakit ni Primmy ba't ganon siya.

"Eutrophonophilia at multi-personality disorder, what a combination," sabi ni Jaeden ngunit may halong lungkot rin sa kanyang tono. Nagiging blanko naman yung ekspresyon ko nang sinabi niya iyon.

"Uwi na tayo," sabi ni Jaeden at umalis na kami ng peace park na nakasakay ng bisikleta. Well, umangkas lang ako...

ISOLATIONWhere stories live. Discover now