KABANATA III Linked

4 0 0
                                    


Somebody's POV

Oh my goddess! I'm goddamn late for school! Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at umalis na ng dorm. Takbo ako nang takbo hanggang makarating sa paaralan. Sa wakas narito na rin ako! Huminga muna ako sandali tapos pumunta na agad sa venue. Good thing, wala pang gaanong tao sa venue.

"Mane!" sigaw ng isang babae sa kalayuan.

Pumunta ako sa direksiyon niya at nagsimulang magset-up.

Katauhan ni Jaeden

Wow, ang daming magagarang sasakyan! Iba talaga ang level ng arts club! Pumasok na ako ng gymnasium at napanganga ako sa nakikita ko. Ang ganda ng mga artworks! Namangha talaga ako sa mga nakikita ko. Parang nasa paraiso ako ng utak ng mga artists.

Nang halos malibot ko na ang exhibit may isang painting na siyang ikatigil ko sa aking puwesto parang ang painting na ito ay nagpadala ng isang pangyayari.

The realms of day and night, two different worlds coming from two opposite poles mingled during this time.

Tanging bulong nito sakin. Tinitig ko ang painting at may biglang nagsalita.

"U-uhm, e-excuse me?" tanong ng isang babae. Nang lumingon ako, siya pala yun. UWWWWWWAAAAAAAHHHHHHH ang ganda naman ng kanyang boses!

"Ah, okay lang ho ba kayo?" tanong niya naman. Jusko malapit tumutulo yung laway ko.

"Ay, okay lang ako," sagot ko habang napakamot sa ulo ko.

"May problema ho ba sa painting ko?" tanong niya. Teka, member pala siya ng arts club? WAAAAAAAAHHHHHHHHH! Tell me that I'm just dreaming.

"Wala naman, napahinto lang talaga ako," sagot ko naman.

"Ahhhh, ganun ba? Creepy ba siya?" alalang tanong niya.

"Hindi kaya no, sadyang unique niya at may pinahiwatig na mensahe sa mga observers," sabi ko sa kanya. Napatitig siya sa'kin.

"GANUN HO BA? Naku, salamat po," sabi niya at nagbow siya. Nang tumayo na siya nang maayos. Natakpan ang mukha niya sa side bangs niya. She turned her head sidewards for the bangs to be out of her face. Shet, ang ganda niya. Ang cat eyes niya ay nakakaintriga.

Tumingin naman ako sa painting at napansin ko ang pirma niya. MANE. Teka, yun ba ang pangalan niya?

"Mane ba ang pangalan mo?" Tanong ko habang minamasdan ang painting niya.

"Ah, nickname ko lang yan," sagot niya. Sa totoo lang ang cute ng nickname niya. Mane as in main girl of my life? Ay sira pala ako. Jusko, nagpantasiya pa si manong.

"Ganoon ba? Jaeden I. Kim, by the way," panimula ko at inilahad ang kanang kamay ko para magshake hands kami. Nasa offense side ako and it's a good thing.

"Hermane Denisle Reese Choi," sagot niya at nakipagshake hands siya sa'kin. Grabe, ang taas naman ng pangalan niya. Iba talaga kung maganda ang isang anak.

Nagpalitan kami ng "nice to meet you". Nagtataka lang ako kung naalala ba niya ako. Yung moment na... Teka, rated SPG pala yun, never mind na lang.

"Mane, may club meeting tayo!" Sigaw ng kaibigan niya.

Napansin kung may taong lalapit sakin. Tumingin ako sa direksiyon ng taong iyon at si Primmy lang pala yun.

"Ang ganda naman ng mga paintings no?" pambungad na tanong ni Primmy.

"Yeah," sagot ko naman habang liningon ang ulo ko. Wala na siya sa harapan ko. Ay, oo nga pala. May inattend siyang club meeting. Malapit na kasi magsarado ang exhibit.

ISOLATIONWhere stories live. Discover now