CHAPTER 5: FEAR

Magsimula sa umpisa
                                    

"Where are we going, mom?" Rinig kong tanong ni drake.

"Sa supermarket lang, anak." Sagot naman nang mommy niya.

Nang sulyapan ko sila sa likod gamit ang rear mirror ay nakita kong nasa labas na nang bintana ang tingin nang magkapatid pati ang daddy nila. Samantalang, sinalubong naman nang mommy nila ang mga mata kong sumusulyap sa kanila. Napilitan na lamang akong ngitian ito bago ako nag-focus sa pagmamaneho.

Maya maya lang rin ay napansin kong abala si ate valerie sa kaniyang phone. "You can talk to him, ate." Alam ko namang miss niya na rin si kuya tulad ko.

"He's busy." Tipid siyang ngumiti. "Hindi na rin siya nagreply nang sabihin kong safe tayo." May lungkot sa tinig nang boses na sabi niya.

Hindi na ako kumibo. I'm afraid that i might say a word that can't make her feel better. Inabot ko na lamang ang kamay niya atsaka ito pinisil.

Ngumiti ako. "We'll call him later. Marami rin akong tanong sa kaniya." Sabi ko

Ngumiti lang siya at tumango. Kita ko pa ang pagningning nang mga mata niya. Sana'y sagutin ni kuya ang tawag namin. Minsan kasi ang naka-off ang phone niya kaya hindi ko ito ma-contact.

Nang makarating kami sa supermarket ay kaagad na naming binili ang nasa listahan na ginawa namin ni ate kanina. Nilista na namin lahat nang mga kailangan naming bilhin doon.

Nagpalinga linga ako sa paligid. Baka kasi may nagmamanman na sa'min, masundan pa kami. Walang pwedeng makaalam sa bahay namin.

"Hi?" Napatingin ako kay tita shaira nang tabihan ako nito. Bale kaming dalawa ang nahuhuli. Si ate lang naman kasi at sila andrea at drake ang namimili. Marami na sila kaya hindi na ako tumulong. "Hindi pa pala ako humihingi nang tawad sa ginawa ni andrei. Pasensiya ka na kung binalak niyang i-hack ang data mo." Sincere niyang sabi.

Tiningnan ko ito. Alam pala nito ang ginawa nang lalaking iyon. "Ayos na po iyon. Pasensiya na rin po sa mga nasabi ko. May trust issue po kasi ako, eh." Sabi ko rin rito.

Tumango naman ito. "Naiintindihan ko. At Sana'y ito na rin ang simula nang maayos nating samahan." Nakangiting aniya. Hindi na ako kumibo. Depende kung magpapaka-bait ang andrei na iyon. Madali naman akong makasundo, eh. Wag lang akong niloloko.

Sinulyapan ko si andrei na seryosong kausap ang ama. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo sila sa'min. Talaga yatang sinadya nilang lumayo para makapag-usap nang hindi namin maririnig.

"Mabait naman iyang si andrei, monette." Napatingin ako kay tita shaira nang magsalita ito ulit. Puno nang pagmamahal ang nakikita ko sa mg mata niya habang nakatingin kela andrei at tito andrew. "Noong bata siya ay napaka-masayahin niya. He bring joy and hapiness to my heart when his dad not with us. Iyong kaming dalawa lang. Noong dumating ang dalawa niyang kapatid ay nagsimula na siyang mag-matured at palaging seryoso. Gusto niya kasing patunayan saamin na kaya niyang protektahan ang pamilya namin na dapat ay kami nang daddy niya ang gumagawa." She smiled at me. "Siguro nagtataka ka kung bakit ko ito sinasabi sa iyo ngayon," Inabot niya ang kamay ko atsaka ito hinawakan nang mahigpit. "Gusto ko kasing baguhin ang pananaw mo sa kaniya. At sana'y kilalanin mo muna siya nang mabuti bago mo siya husgahan. He is my light and he can be your light, too."

Natulala ako. Wala akong masabi. Sobra ko na ba siyang hinusgahan at ang pamilya niya? This lady....She has a soft and a loving heart like my mom. At sa nakikita ko ngayon ay nababakas sa mga mata niya kung gaano niya kamahal ang kaniyang pamilya.

Napangiti  na lamang ako. Siguro nga tama siya, dapat ko nga munang kilalanin si andrei bago ko ito husgahan. I think i can trust this family. They bring no harm. And i'm starting to like them.

Habang nagbabayad sila sa counter nang mga pinamili namin ay pumwesto na lamang ako sa likod nila, sa tabi ni andrei. "You're lucky to have a mom like her." Bulong ko sa kaniya habang nakatuon ang mga mata sa mommy niya na nakikipagtawanan na sa mga anak at kay ate valerie. Sinulyapan ko naman si tito andrew na hindi na umalis sa tabi nang asawa matapos nilang mag-usap ni andrei. "And a complete family."

Ramdam ko ang titig nito sa'kin. At nang tingnan ko siya ay nakita ko ang pangungunot nang noo niya. Nagtataka sa mga sinasabi ko. Napangiti ako. "Wag mo akong tingnan nang ganyan. Pinupuri ko lang ang pamilya mo hindi ikaw."

Napaismid ito sa sinabi ko. "Watever." Sabi niya lang atsaka umirap sa hangin.

Mahina kong natawa. "That's so gay..." asar ko sa kaniya.

Sinamaan niya naman ako nang tingin. "Shut up!" He hissed.

Ngumuso lang ako para pigilan ang tawa ko. Ops! Someone don't want to call gay. "Pikon." Bulong ko nalang atsaka bahagyang lumayo sa kaniya.

Baka mamaya bigla niya nalang akong suntukin sa sobrang asar. Mukhang masaya ngang kasama ang lalaking 'to.

Nilapitan ko na lang si ate valerie atsaka inabot rito ang black card. Agad niya naman itong tinanggap at inabot sa cashier. Nagtatakang inabot naman ito nang babae. "That is my personal card for safety." I seriously said. Tiningnan naman ako nong cashier, nagdadalawang isip kung tatanggapin ba ang card na binigay ko o hindi. "Ma'am, baka po hindi ito matanggap." Anito.

Pinaningkitan ko lang ito nang mata. "Ilang beses na akong bumalik rito sa store niyo na iyang pesteng card ang gamit ko. Tapos, sasabihin mo sa'kin na baka hindi iyan matatanggap?!" Iritang sabi ko rito.

"Monette," Napatingin ako kay tito andrew at sa card na inaabot niya. "Itong credit card ko na lang ang gamitin mo." Sabi nito.

Umiling ako. "Hindi pwede tito. Kapag kasi iyan ang ginamit natin ay baka ma-trace lang tayo. Mas safe kung ang card ko." Sabi ko. Huminga na lamang ako nang malalim atsaka matatalim ang mga matang humarap sa cashier. "Can you just do your work! May laman iyan don't worry." Napairap ako.

"Eh ma'am kasi--" hindi na nito natuloy ang sasabihin nang dumating ang manager nila.

"Susan, ano ba iyan? Ke-bago bago mo, mukhang may gulo ka na atang ginawa."

Namutla naman ang cashier. "Sorry po sir. Iba po kasi ang card ni ma'am, eh." Paliwanag nito.

Napatingin naman sa'kin ang manager niya at napangiti. Sinimangutan ko lang ito, isa itong taong 'to sa dahilan kung bakit ayaw kong balik nang balik rito, eh. "Oh, si miss monette pala ito, eh." Anito. "Ayusin mo nga ang trato sa magandang babaeng iyan susan kung ayaw mong matanggalan nang trabaho." Baling nito sa cashier. Napayuko nalang ang babae sa kahihiyan.

Napailing nalang ako atsaka tahimik na inabot rito ang card ko. Nanginginig naman ang kamay na kinuha niya ito sa'kin. "Sorry po ma'am." Aniya.

"Ayos lang miss. Pasensya ka na rin sa kasama ko." Si ate valerie na ang nagsalita.

Nahihiyang tumango naman ang cashier atsaka na ginawa ang kaniyang trabaho. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa mga kasama mo, monette?" Ngisi nang mayabang na manager. Ben ang pangalan nito, matagal na ito rito kaya at sa tuwing nakikita niya akong namimili rito ay hindi na niya ako tinitigilan hanggat hindi ako nakakauwi.

"No need. Hindi ka naman importante." Malamig kong tugon.

"Aww that's hurt." Arte nito at kunware pang nasasaktan.

Napairap nalang ako at hindi ito pinansin. Hinintay ko nalang na matapos ang cashier bago ko kinuha ang card at naglakad paalis. Kasunod ko sila ate valerie. Hindi ko na sila masabayan dahil sa makulit na ben na 'to. Hinahabol ba naman ako.

"Leave me the f*cking alone, ben." Malamig kong sabi rito atsaka ako tumakbo nang mabilis papunta sa kotse ko.

Leche talaga ang lalaking iyon. Pasalamat siya, ayaw kong may makakilala sa'kin kapag sinuntok ko siya. Bukod sa ang yabanf niya ay parati niya nalng pinapainit ang ulo ko.

Ang sarap niyang sakalin. Bwisit siya!

Cut muna tayo dito guys haha medyo humahaba eh :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rising Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon