"Patawarin mo ako, iho."

Tumango-tangong pumikit si Ivan.

"I have to find her." Tinungo niya ang pinto, kasunod ang mga tauhan.

"Mag-iingat ka iho, sana kasama mo na si Veronica sa pagbalik mo. Ipagdadasal ko ang kaligtasan ni ninyo."

Tumango siya. "Salamat, Aling Lilia." Sinarado niya ang pinto. "Tumungo tayo sa Santo Rosario." Anya sa driver.

NAKAKASILAW na liwanag ang sumalubong sa nanlalabong mga mata ni Veronica. Akmang hahatakin nya ang kamay para pahiran ang tila dumi sa mukha nang matigilan. Nakagapos ang kamay nya? Nagpa-panic siya ng maalala ang ina. Nilinga nya ang paligid. Walang katao-tao. Mukhang nasa imbakan sya ng lumang warehouse. Maalikabok at mainit.

Sinikap niyang mabuwal ang tali ngunit naka-ilang subok na sya at nananakit lang ang kamay ay ganoon pa rin. Hindi man lang lumuwag kahit kaunti.

Helpless na itinigil nya ang ginagawa. Narinig nya sa isip ang sinabi ng ina. Malinaw iyon na tila inu-ukit sa kanyang utak. Unti-unting nagsilaglagan ang mga luha sa mga mata niya. Impit siyang umiyak. Ivan... Georgina... noon niya napagtanto kung bakit ganoon kalakas ang pwersang nagsasabi na manatili sya sa mag-ama. Iyon pala ay ang mga ito ang tunay niyang pamilya.

Namuo ang galit sa puso nya laban sa mga taong may tangka sa buhay nya. Bakit siya pa? Anong kasalanan ang nagawa nya sa mga ito? It hurts seeing Ivan hurting because of her. Nagdudusa ang mga mahal nya sa buhay at dapat na magbayad ang sinumanng nagtangka na patayin sya. Na sirain ang pamilyang binuo nila. Pero paano nya maisasagawa iyon kung nakagapos sya? Paano kung iisa lang taong iyon noon at ngayon?

Tumaas lahat ng balahibo nya sa katawan. Hindi sya papayag. Dapat ay makawala sya at makaalis sa lugar na iyon. Kailangan nyang makaalis para makabalik sa pamilyang naghihintay sa kanya.

Napaigik sya nang maramdaman ang hapdi sa pulsuhan. Balong ng luha ang pisngi niya. Naroon ang kasabikan sa dibdib na mayakap ang mag-ama. Babawi sya. Babawiin nya ang ilang taon na pagkawala sa piling ng mga ito.

GOD! Please, I'm begging you. Give me this another chance na makapiling muli ang mag-ama ko. Nagmamakaawa ako sayo.

She frustratingly exhaled after making many attempts to get rid of the rope. Lalaban siya hanggang sa huling hininga niya kung ang nais ng taong nagpadukot sa kanya ay kamatayan niya. Pwes, handa siya. Handang-handa na siya.

Ganun pa man, naroon pa rin ang malaking takot sa puso niya. Paano kung... kung katapusan na nga niya talaga?

Ipinikit niya ang mga mata. Nag-uunahan ang mga luha niya. Bakit kailangan mangyari ang ganung bagay? Bakit may mga tao na walang kasing sama?; na mas nanaisin pumatay ng tao para sa pansariling motibo?

Life isn't really fair.

Parang mabibiyak ang ulo niya sa labis na frustration. Gusto niyang makaalala pero kahit anong piga ang gawin sa utak, ganun pa rin.

Pinili niyang 'wag nang pag aksayahan ng panahon ang tali. Ang mahalaga ay makaalis siya sa lugar pero paano? Gayong maaring hawak din ng mga ito ang kinilalang ina sa loob ng maraming taon? Utang niya ang pangalawang buhay sa ginang. Hindi niya ito maaaring pabayaan.

Inot-inot siyang humakbang, kahit mahirap ay titiisin niya basta makaalis lang sa lugar at mahanap ang ina.

DUMERETSO ng Santa Rosa terminal bus si Ivan. Kaagad na nagtanong ukol sa asawang hinahanap. Sa kabutihang palad ang kundoktor ng mismong na sinakyan ni Veronica ang unang nakaharap. Kaagad nitong itinuro ang lugar kung saan bumaba ang asawa.

Pinuntahan nila ang lugar na nalampasan na pala kanina. Nanghina siya ng matagpuan ang hinahanap na bahay. Sira ang pinto at nagkalat ang kagamitan. Ayon sa mga napagtanungan, nagkagulo sa lugar dalawang oras na ang nakaraan nang may dalawang armadong lalaki ang sumalakay sa bahay ng ginang. Tangan daw ng mga armado ang dalawang walang malay na babae.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon