"Goodness, girls!" Iritableng salita ko kaya sabay sabay silang napatingin sa akin. Yung iba ay nagtataka pero yung iba naman ay laglag ang panga.
"Ano problema mo?" Si Davina ang sumagot sabay balik ng mata sa Ipad. I want to steal that from her and throw on the wall hanggang hindi na mapakinabangan ito.
"Wake up! You're fantacizing Simon without him knowing your existence." Gigil na salita ko. Natahimik ako bigla ng mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko. Padabog na binaba ni Davina ang Ipad tsaka ako hinarap. I feel sorry okay? Nabigla lang naman ako. Tsaka, nakakainis kaya yung mga ginagawa nila.
"You know what, Sasha? I think bitter ka lang.." ngumisi si Davina. Bahagyang nalaglag ang panga ko at hindi agad nakapagsalita. How dare she! " diba, patay na patay ka kay Simon? You did what we did. Wag ka ngang ipokrita! Hindi naman siguro tanga si Simon para hindi manlang matandaan ang mga classmate niya. At ikaw? You were close to him but still not enough." Marahas na salita niya. Hindi ko alam kung bakit wala akong masabi. Tila ba naputol ang dila ko sa sobrang sakit ng sinabi ni Davina na tumama rekta sa puso ko.
"Tama na, Davina." Pag-awat ni Camille. Ala pa din akong masabi. Tila ba nawalan ng laman ang utak ko sa mga sinabi ni Davina. I smiled bitterly with the thoughts na tama siya! I'm not enough for Simon kaya kahit mamatay ako sa harap niya ay hindi niya ako makuhang pansinin.
"Why stopping me? Bakit? Tama naman ako diba?" Gigil pa din si Davina. "Maganda ka nga, Sasha.. but still not enough." Marahas na lumakad si Davina na dumaan pa sa harap ko. I can't utter a word. I'm pretty speechless and hurt too.
"Pasensya na, Sasha.." salita ni Camille ng makadaan sa harap ko. Hindi ako kumibo. Tumatak kasi sa utak ko yung salita ni Davina. I'm not enough.. lagi akong failure sa mga bagay na gusto ko. Palagi akong pangalawa or replacement. Hindi ako enough para maging una. Hindi ako sapat para ako lang.. para ako naman..
Gusto ko sanang humingi ng sorry kay Camille pero huli na dahil nawala na sila sa paningin ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas at gana pumasok ngaung araw. Hindi pa man nagsisimula eh gusto ko nang matapos ang araw ko.
Umupo ako sa bench na inupuan nila Davina. Humaplos sa pisngi ko ang hangin na dumaan sa field. Somehow, being alone makes me feel how miserable I am. Lahat ng bagay sa paligid ko ay magulo.
"Vanilla or chocolate?" Napasinghap ako ng biglang lumitaw si Luther sa harap ko. Napatigil pa nga ako habang nakatingin sa kanyang malaki ang ngiti habang papalapit sa akin. My heart is beating terribly now.
I don't know how to label the thing between me and Luther. Pero I'm not stupid na hindi mapansin ang mga actions niya sa akin. The saddest part of us is he doesn't want the strings. Mahulog man ako kay Luther ay hindi ko alam ang kakahantungan namin. He doesn't believe in love.. he just want the benefit of love.. he doesn't want the strings-- so now tell me how will I label us?
"Why are you here?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Ang ngisi sa labi niya ay nanatili. Mukhang okay na siya, ah. Nung huli namin kasing magkita was the night he went to our house ay parang ang bigat bigat ng dinadala niya.
"Kasi nandito ka," tumabi siya sa akin sabay tawa. Somehow, hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Bigla nalang nawala ang frustration ko kay Simon.
Bata pa lang ako habol na ako ng habol kay Simon. Until I was gone and until I returned wala pa din akong napala sa kanya. Si Simon ang malaking frustration na nangyari sa akin. Na kahit abot ko na siya ay hindi ko pa din makuha kuha. Maybe, Davina was right. I'm not enough.
"Umagang umaga, Luther.." umirap ako. Umusad pa nga ako ng bahagya dahil dikit na dikit siya sa akin.
"What?" nagtatakang tanong niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
No Strings (Strings Series 1)
Fiksi Umum(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
13. Flavors
Mulai dari awal
