CHAPTER 43- WAKE UP

Start from the beginning
                                    

“summer... tama na. Makakasama sa baby.” Naramdaman ko ang mainit na yakap ni heaven. Yakap na unti unting tumutunaw sa akin. Yakap na unti unting humahaplos sa puso ko na parang yelo na sa tigas dahil sa maling pagmamahal.

“a-asan nga pala si autumn?” nilingon ko siya at pinunas ang luha ko.

Hinaplos niya ang mukha ko at parang bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. ang bawat haplos niya sa akin parang ganun parin dati. Walang pinagbago, pinapabilis parin ang tibok ng puso ko, may butterflies parin sa tiyan ko. i’m happy with this feeling at sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung dapat pa ba akong masaya.

“nagpapahinga na daw siya sabi ni dahlia. Dalawang araw na siyang nagbabantay kay winter simula nung sinugod siya dito.” Nagulat ako sa sinabi ni heaven. Ganun ba niya kamahal si winter at handa siyang magpakamatay para dito.

“gusto mo ba pumasok sa loob? Halika manghiram tayo ng hospital gown at hospital mask para safe kayo ni baby.” Hinila niya ako papunta sa nurse station at binigyan ng gown at mask at pumasok na sa kwarto ni winter.

Pagkakita ko palang sa kanya, umagos na kaagad ang luha ko. pigilan ko man, hindi ko magawa dahil naaawa ako sa kalagayan niya, iba’t ibang tubo ang nakakabit sa katawan niya para lang mabuhay siya.

“winter...”  i started talking to him with my mind.

“im sorry.... sa ngayon yan lang ang masasabi ko sayo. Im sorry dahil naging makasarili ako. Im sorry dahil naging makasarili ako. Please.... mabuhay ka. Lumaban ka kahit hindi para sa akin, sa amin kundi para sa bestfriend ko. makikpagbati na ako kay autumn. Yan ang gusto mo diba, makkipagbati ako para sa kanya.”

 

 I held his hands at may nakapa ako sa ilalim ng kamay niya. a necklace. Kinuha ko yun at inangat.

“nasa kanila parin pala yan.” Nilingon ko si heaven at kinuha niya ang kwintas sa akin. Napansin ko na may pendant itong infinite sign.

“ano ba yan?” yan ba yung kwintas na pinag-uusapan nila dati? Yung sign daw ng relationship ng magkapatid?

“ito ang infinity necklace na bigay ni winter bago kami tumulak ni autumn sa america. Haaayyysss.. ang pagmamahalan nila, parang katulad ng kwintas na ito, walang katapusan. Distansya man ang kalaban o kahit na buong mundo, gagawa at gagawa sila ng paraan para lang magsama.” Napangiti ako sa sinabi ni heaven. I looked into his eyes and i can only see sadness in it. Hanggang ngayon ba nasasaktan parin siya sa magkapatid? Isipin ko pa lang, nasasaktan na ako.

“mahal mo pa ba?” parang may kung anong tumusok sa puso ko nung tinanong ko yun. Ni hindi ko nga alam kung bakt yun ang lumabas sa bibig ko eh.

Hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. Our eyes met. Wala akong mabasang expression dito. Para bang naghihintay lang ang puso ko kung ano ang isasagot niya.

IM INLOVE WITH MY BROTHERWhere stories live. Discover now