Kabanata 2

2.3K 48 0
                                    

Tamad akong bumangon habang nag uunat. Papasok na naman akong walang gana. Araw-araw nalang bang magiging ganito ang takbo ng buhay ko?Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniform dahil ayokong malate ulit at baka ipatawag ako sa guidance. Suki pa naman ako roon.

Mabilis akong bumaba pagkatapos magbihis at dali-daling naglakad papunta sa sasakyan. I'm moving quickly dahil ayokong makita si mommy sa araw na ito. I'm still hurt and I don't want to face her. The trip went quickly, nasa labas na ako ng university. I sighed before going out. I should leave my problems inside this car para hindi masira ang buong araw ko.

"Baby!" Malakas na sigaw ang sumalubong sa akin pagkababa ko ng sasakyan. I rolled my eyes and didn't bother to look at him.

Halos lakad-takbo na ang ginawa ko upang mabilis akong makarating sa classroom kasi ayokong kasabay ang lalaking ito. He was too loud for a man, I hate it but I couldn't do anything because he's my best friend.

"Bilis mo namang tumakbo. Kaya hindi kita naaabutan, e." Nakangising sabi niya habang hinahawakan ang braso ko.

Inis akong lumingon sa kaniya. Nakangisi siya habang nakakunot ang noo ko.

"Oh! Bad trip ka agad niyan? Pumapanget ka kapag nagsusungit" Tumatawa niyang sabi.

Inirapan ko siya. Wala talaga akong takas sa lalaking ito.

"Ewan ko sayo, Kurt! Bitawan mo na ako kasi late na ako." Naiinis kong sabi.

Kurt Sanchez, one of my bestfriend. Ang lalaking pinaglihi sa glue kung makadikit sa akin.

"Hindi pa tayo late, baby. Magkaklase tayo baka nakakalimutan mo." Pang-aasar niya.

See? Wala talaga akong takas sa isang ito e. Simula kinder hanggang college magkasama kami plano niya atang sumama sa akin hanggang kamatayan. Binilisan ko nalang ang lakad ko ngunit hinigit niya ako papalapit sa kaniya. Bigla akong nanigas nang yakapin niya ako ng sobrang higpit. Bweset!

"I miss you, baby." Malambing niyang bulong.

I'm stiff as rock right now ngunit hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. He's very sweet at isa iyan sa gusto kong ugali niya. Yayakapin ko na sana siya nang mapansin ko ang mga matang nakatingin sa aming dalawa. Mga chismosa.

"Bitaw nga! Nakakadiri ka." Natatawa kong sabi habang pilit na inaalis ang mga braso niyang nakapulupot sa akin.

He looked confused kaya inismiran ko nalang siya. Wala talagang pakialam ang lalaking ito sa paligid niya. All he can see is me aniya, ang arte!

"Hindi mo lang ba ako na miss?" Pag dradrama niya.

Pinitik ko ang noo niya at umiling. Na miss ko talaga siya pero ayoko lang sabihin para inisin siya pero minsa nauumay na din ako sa pagmumukha niya kaya minsa totoo din na hindi ko siya namimiss.

"Hindi." Tumaas ang noo niya habang nakamasid sa akin. Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

Umiling siya at ginulo ang buhok ko. Napangiti ako habang pasimpleng sinisipa ang kanang paa niya. Umakto siyang nasaktan kaya nasapak ko siya at nauna akong maglakad. Ang OA.

"Sus! Dinedeny pa. Bakit ka pala absent?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang classroom.

Huminto ako para tignan siya. Umawang ang labi ko habang ang utak ko ay lumilipad kakaisip sa maaari kong sabihin sa kaniya. I sighed, shut my mouth and didn't bother to answer him.

"Basta." Kalmado kong sagot ngunit ang totoo ay halos sumabog na ang puso ko dahil sa kaba.

Tinaasan niya ako ng kilay.

Stealing My Future Dad (Stealing Series #1) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon