***

10 1 2
                                    

Nasubukan mo na bang umamin ng iyong nararamdaman sa taong gusto mo?

Akala ko andali lang gawin. Pero tama nga sila, mas madaling sabihin kesa gawin.

Ako si Charles. At may ibubulgar ako. Una sa lahat may gusto ako, si Alex.

Sinubukan kong iparamdam sa kanya tong nararamdaman ko pero bakit ba ang manhid manhid nya. Lagi nya nalang akong pinagtutulakan sa best friend nya, si Faye.

May mga bulung-bulungan na gusto raw ako ni Faye at natotorpe lang daw akong umamin sakanya kaya lapit ako ng lapit sa kanilang magbestfriend.

Oo natotorpe ako, pero hindi para sa kanya.

Simula pa noon, si Alex lang ang nasa paningin ko. Noon simpleng crush ko lang sya at ngayon masasabi kong mahal ko na sya.

Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko dahil alam kong sa bandang huli ay masasaktan lang ako at magsisisi.

Ngunit sa tuwing pinipigilan ko ay lalo akong nahuhulog sa kanya.

Pawis na pawis ako nang nagbreak kami mula sa basketball practice. Umupo ako at nagulat ako ng inabutan nya ako ng towel at tubig.

Kinuha ko iyon. Magpapasalamat na sana ako nang pagtingin ko ay umalis na sya at umupo ulit sa inuupuan nya sa may bleachers katabi si Faye.

'Ano yon?'  kinikilig na sambit ko sa isipan ko

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ko sya nagustuhan. May pagka cold side man sya minsan sa iba nya, napaka mabait at maalagain naman sya lalo na kay Faye dahil narin siguro best friends sila na tila magkapatid na ang turingan nila.

Nakikita kong minsan kapag naguusap sila ni Faye ay nagtatawanan lang sila.

Sa tuwing nakikita ko syang nakangiti o tumatawa ay napapangiti rin ako. Nahulog na nga talaga ako.

Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko at aamin na talaga ako.

Kinausap ko si Alex at sinabihan na gusto ko sana syang makausap na kaming dalawa lang. Pumayag naman sya.

Uwian na at nauna nang umuwi si Faye dahil nandyan na ang sundo nya. Kaming dalawa nalang ang naiwan sa classroom at napaka tahimik. Ang awkward.

Nagdalawang isip pa ako kung aamin pa ba ako o hindi dahil nauubusan na talaga ako ng lakas ng loob.

Pero umamin parin ako. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Ngunit tahimik lang sya.

Nung binigyan nya ako ng tubig at towel, nung binigyan nya ako ng lunch, nung tinulungan nya ako maglinis ng classroom kasi iniwan ako ng mga kasamahan kong cleaners, at iba pa.

Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisngi na nagpayuko saakin dahil alam kong pulang-pula na mukha ko

Ngunit gaya nga ng inaasahan ko, umuwi akong durog ang puso at nalaman ang katotohanang hindi ko inaasahan.

"Salamat Charles... Pero ginawa ko lang naman yung dahil utos yong ni Faye."

"...Dahil mahal ka nya."

"Inutusan nya akong maghatid ng tubig at towel dahil nahihiya sya na ibigay yon sayo. Marami daw rin kasing nakatingin sayo na mga babae at baka paginitan pa sya"

"Pinabigay nya sakin yung lunch para sayo dahil napansin nyang ilang araw kanang hindi naglulunch at matamlay"

"Pinatulong nya rin akong maglinis dahil cleaners sya non at may emergency sa bahay nila kaya napaaga sya ng uwi."

"Lahat yon ay utos lang ni Faye at sinunod ko ang utos ni Faye dahil...

mahal ko sya."

"Nasasaktan ako kapag nakikita ko syang nalulungkot at nagaalala sayo. Kung sana ako nalang yung minahal nya.

"Pero hindi eh."

"Kaya naman sana sya nalang ang mahalin mo at hindi ako,












pare."

ConfessionsWhere stories live. Discover now