AMSA 2

51 1 2
                                    

Chapter 2

Akirra Celinne's POV

"Nak? Gising na. May practice ka pa 'di ba?" bahagya akong inalog ni Mama. "Nasa baba na si Bea. Hinihintay ka." tinapik ni Mama ang balikat ko bago lumabas ng kwarto ko. 

Umunat lang ako ng bahagya bago bumangon. Pupungas-pungas na nagtungo ako sa banyo ko. Nag-tooth brush at naghilamos.

Napatitig ako sa salamin, pero imbis na basang mukha ko ang makita ko. Nakita ko ang gwapong mukha ni Mark. 

Mark Clinton Adbenson ang buo niyang pangalan. Pero 'Mark' ang tawag sa kanya ng karamihan. Itinanong ko ang pangalan niya kay Melba. Hindi na niya kasi nasabi kahapon dahil mukhang nagmamadali siya.

Noong ihabol ko sa kanya ang notebook niya na diary pala. Noon ko mas natitigan ang mukha niya. Nakita ko kung gaano katangos ang ilong niya. Mga pilik-matang may kahabaan. Mga pisnging may katambukan. Kulay asul na mga mata. At 'di gaanong kapulahan ang kanyang mga labi.

Nang matitigan ko siya ng matagal, hindi ko alam pero bumilis na lang bigla ang tibok ng puso ko. Hindi ko maitindihan kung bakit ganoon ang naramdaman ko.

Sa saglit na pag-uusap naming iyon, parang nakita ko ang sarili ko na kasama siya. At masaya kaming dalawa.

"Akirra!" tila nagbalik ang diwa ko sa kasalukuyan ng biglang bumukas ang pinto ng banyo ko at iluwa ang kaibigan kong si Bea. "Hindi ka pa naliligo?" nakapamewang na tanong niya sa akin.

Nginitian ko lang siya. "Eto na. Maliligo na. Labas ka na muna. Hintayin mo na lang ako sa sala." sabi ko at pakunwaring itinulak siya palabas ng banyo ko. 

"Bilisan mo ha." sabi pa niya at kinatok ang pinto ng banyo ko.

"Oo na." sagot ko. Iwinaksi ko na lang sa isip ko si Mark. Tumapat sa dutsa at nagsimulang maligo.

**********

"Tara na, Bea." sabi ko kay Bea habang pababa ako ng hagdan. Kakatapos ko lang maligo at ayusin ang gamit ko.

"Saglit lang!" sigaw niya. Tila nanggaling sa kusina ang boses niya. Kaya tinungo ko ang kusina namin. At doon, nakit ko ang magaling kong kaibigan. Prenteng nakaupo habang lumalamon.

"Oh? Bakit kumain ka pa? Male-late na ako."

"Teka lang naman. Nakain pa 'yong tao eh." namumuulang sagot niya at patuloy lang siya sa pagkain. 

"Eh! Tara na." hinawakan ko siya sa braso at pilit itinatayo.

"Akirra! Nakain pa 'yang kaibigan mo. Patapusin mo muna." sabi ni Mama habang nahuhugas ng pinagkainan nila ni Papa. "Naka-alis na pati ang Papa mo, hindi ka na nahintay at may meeting pa daw siya. Mag-commute na lang daw kayo. Coding ka ngayon 'di ba?"

"Ang bagal mo kasi." reklamo naman ni Bea. "Bilis mo lumangoy, bagal naman kumilos. Nagutom kaya ako sa paghihintay sa'yo." 

"Kumain ka na rin, Acky." sabi ni Mama at ipinaghanda ako ng pinggan. 

"Male-late na po ako, Ma." nakabusangot na sabi ko. Alas-diyes ng umaga ang usapan namin ni Coach. Quarter to ten na. Naiwan pa ako ni Papa, at kelangan pa namin mag-bus para makarating sa school. 

"Tinawagan ko si Milly. Sinabi kong male-late ka. Okay lang naman daw sa kanya." imporma ni Mama. Si Coach Milly ay kapatid ng kaibigang matalik ni Mama.

Kaya lang naman niya ako hinayaan na ipagpatuloy ang paglangoy ay dahil kaibigan niya na rin si Coach at tiwala siyang hindi ako nito pababayaan. Ilang taon lang din ang tanda sa akin ni Coach kaya nakapalagayan ko na rin siya ng loob.

Admiring My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon