AMSA 1

89 1 5
                                    

Chapter 1

Akirra Celinne's POV

"1.. 2.. 3.."

Pagkabilang ni Coach ng tatlo ay tumalon na ako sa swimming pool ng aming school. Nasa ikalawang araw na ako ng pagpa-practice para sa swimming competition na gaganapin sa mismong shool namin. Ako ang napili nila upang i-represent ang aming paaralan.  

Kaya naman todo ako sa pag-eensayo, kahit sa bahay ay nagpa-practice ako. May maliit kaming swimming pool sa likod-bahay. Ipinagawa talaga 'yon ng Papa ko para daw makapag-practice ako.

Lagi kong ginagalingan sa bawat practice ko. Ayoko kasing mapahiya at ayokong ipahiya ang school namin. Isa kasi ang Mellinbourne University sa kilalang school sa buong bansa. Mayaman man o mahirap, tinatanggap ng paaralang ito. 

Sikat ito dahil sa mga magagaling na manlalaro na nag-aaral dito. Halos ten years na rin na namamayagpag ang paaralang ito. Sampung-taon na, na nasa hall of fame ang Mellinbourne. Kaya naman pinag-iigi ko ang practice ko para hindi mabawi sa amin ang trophy.

Ako kasi ang napili ngayon taon. At katatapos lamang ng mga laban ng iba pang sports at lahat ay napanalunan ng shool namin. At ang swimming competition ang pinakahuling sport na paglalabanan ng iba't-ibang school. 

I'm in my fourth year in College, taking up BS Accounting. At kahit nagpa-practice ako, hindi ko naman nakakalimutan ang pag-aaral ko. Palagi akong ipinapasa ang bawat subject ko.

Binibigyan naman ako ng mga Professor ko ng consideration kapag hindi ako nakaka-attend ng klase nila dahil sa practice ko. Binibigyan nila ako ng hand-outs o one on one class, kapag may free time. Alam naman kais nila na para sa school namin ang ginagawa ko.

Minsan, kapag may exam lang ako nakaka-attend ng klase. And I'm making sure that I pass all of my exams, para makasama ako sa mga ga-graduate this year. 

"Very good, Acky!" puri sa akin ni Coach Milly. Kakaahon ko lang mula sa pool. "You beat your last record." sabi niya habang ipinakita sa akin ang timer.

"Thank you, Coach." sabi ko habang nagpupunas ng mukha at katawan. 

"Keep it up." tinapik-tapik pa niya ako sa balikat. "Malaki ang chance na sa atin pa rin mapupunta ang trophy." nakangiting sabi niya. "Oh, magpahinga ka muna. Bukas na lang ulit." sabi ni Coach Milly at umalis na. 

"Acky!" napatingin ako sa entrance ng marinig ko ang pangalan ko. 

"Bea!" sambit ko sa pangalan ng kaibigan ko. "Tapos na ba ang klase mo?" tanong ko. Naglakad kami patungo sa shower room.

Fourth year na rin si Bea, just like me. She's taking up BS Computer Science. Kaya madalas ay magkaiba ang schedule namin.

"Oo. Aga nga magpaawas ni Prof. eh. Kaya naisip kong daanan ka dito. Para ma-i-cheer kita. Kaso tapos na ang practice mo." kunwari ay nalungkot na sabi ni Bea.

"Ang OA mo ha." nakangiting sabi ko. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at binuksan ang shower. "May practice ako bukas. Wala ka naman pasok kapag sabado 'di ba?" tanong ko sa kanya habang nag-sha-shampoo.

"Oo. Ay, oo. Tama. Sige, sige. Bukas na lang kita i-cheer."

"Kumain ka na ba?" tanong ko habang nagsasabon naman ng katawan.

"Hindi pa nga eh. Sabay na tayo." sagot ni Bea.

"Oh sige. Ah, Bea, makikisuyo naman ng towel ko. Nasa loob ng locker ko. Number 18." pakisuyo ko dahil patapos na akong maligo. 

"Eto na oh." inabot ni Bea sa may ulunan ko ang towel ko. "Sa iyo ba yung isang pirasong rose na nakadikit sa pinto ng locker mo?" tanong niya. 

"Huh? Hindi, bakit? At saka wala naman akong nakitang rose kanina doon eh." sabi ko ng lumabas ako ng cubicle ng nakatapis lang. 

Admiring My Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon