"Awe, ang cute!" Tuwang-tuwang singhap ni Yanyan. "Puro red! Daming in love." Tumingin siya sa akin. "Bakit nga ba naka-black ka?"

"Pakialam mo?" Mataray na tanong ko. "Ikaw nga naka-rainbow na damit, hindi naman ako nagtanong."

Humagikhik siya. "Cute ko, 'no?"

"Nakakadiri." Magsuot ba naman ng rainbow. Pinapangalandakan niya na yatang baliko na siya. Ate Steff kasi, eh. Pero happy ako for them.

Ako kaya, kailan?

"Bad ka talagang pinsan."

"Thank you."

Nilibot ko ang tingin sa buong lugar at napangiwi. Nakaka-stress! Puro kalandian nakikita ko! Juice colored, end of the world na ba? Bakit ang dami kong nakikitang stalls ng bulaklak—yung iba plastic pa, yung iba nalalanta na. May ibang stalls naman ng puro matatamis ang tinda. Diabetes ba ang relationship goal ngayon ng mga tao? Nakakaloka!

Isa-isa ko namang pinagmasdan ang mga lab berds na ginawang amusement park ang lugar. Mga hampaslupa. Wala sigurong pang-date.

Bakit kaya feeling ko mas hard ako ngayon? O baka bitter lang ako? Nanlaki ang mata ko sa na-realize. Ew!

Nagtaka ako nang biglang mapahinto ang mga taong nasa daan. Pati nga si Yanyan, natuod na. Nakanganga pa. Inangat ko yung chin niya para sumara ang bibig niya. Napatingin siya sa akin. "Papasukan ka na ng kung anu-anong insekto."

Inirapan niya ako pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Napatingin ako sa tinitingnan ng ibang tao and parang nanikip yata ang dibdib ko nang makita si Juliet kasama si Romeo. Wow. So ano 'to?

Shit naman.

Ayaw niya makipag-break sa akin tapos ngayon makikita ko silang magkasama? Wow naman! Tinamaan nga naman ng magaling! Kaagad ko nang inalis ang tingin ko sa kanila at naglakad na palayo. Nakabuntot naman sa akin si Yanyan.

"Bakit magkasama sila ni...sino ba 'yon? Kilala ko yung lalaking kasama ni Juliet, eh."

"Chita-eh pangalan no'n." Walang ganang sagot ko. Naiiyak na naman ako. Tapos itong pinsan ko ni hindi marunong makiramdam!

"Hindi! Gwapo tapos gano'n pangalan?" Kontra niya. Mas binilisan ko na yung paglalakad. Kung pwede ko lang ipasagasa itong buwisit na babaeng ito, ginawa ko na. "Ay, wait. Bakit nga ba sila magkasama? Hindi ba girlfriend ka? Wala kayong date ni Juliet—aray!" Napahawak siya sa noo niya na hinampas ko lang naman. "Ang sakit!"

"Slow!" Tumakbo ako ng mabilis palayo sa kanya. Tinawag pa niya ako pero hindi na ako nag-abalang sumagot. Bahala siya! Pinsan ko siya pero sobrang manhid! Kainis! Kailangan ba sabihin ko pang break na kami? Na ang sakit ng nakita ko? Na nagseselos ako?

Nas-stress ang ganda ko. Nakakabuwisit. Letse talaga.

Pasimple kong pinahid ang luha ko. Napatingin ako sa lugar kung saan ako napadpad. Nandito na naman ako sa may malaking puno na parang binabahayan ng kapre. In fairness, nakakatakot pa rin. Hay...pero hurt ako ngayon kaya later na yung takot.

"Tabi-tabi po..." Napakamot ako ng ulo sa sinabi ko. Umupo na ako at nag-sigh ng malalim. Tinuyo ko yung pisngi ko at tumikhim. "Huwag ka nang umiyak, Cindy. Tandaan, siya yung may kawalan kasi pinakawalan ka niya. Eh, diyosa ka na. Diyosa ka, Cindy."

Kumalma naman ako kahit papaano sa sinabi ko. Pero parang kulang. Para pa ring tinutusuk-tusok ng karayom yung puso ko.

"Cinderella."

Napatitig ako sa taong nasa harapan ko. Naku namaaan, trip ba akong badtripin ng Earth ngayon? Why, oh, why?

"Nikki, lumayas-layas ka nga sa harapan ko."

Nginitian niya ako. Pero juice colored naman! Oo nga't umalis siya sa harapan ko, pero naku naman, oo! Lumipat talaga siya at umupo sa tabi ko!

"Lumayas ka nga!" Tinulak ko siya pero ayaw patinag. "Nikki!"

"Break na raw kayo ni Juliet sabi ni kuya Romeo."

Napahinto ako. Napabuntong-hininga na lang ako. Parang bigla akong nawalan ng energy.

"Sabi ko sa'yo, eh. Magb-break din kayo." Dagdag pa ng babaeng hindi 'to na na-master na yata ang pagiging insensitive. "Anong cellphone number mo?"

"Wala."

"Pakipot ka pa."

Ubos ang pasensyang napahilamos ako ng mukha gamit ang kamay. "Pwede ba, iba na lang yung pag-trip-an mo? Hindi mo ba napapansing wala ako sa mood?"

Makakapatay yata ako ngayon.

"Hindi naman kita pinagti-trip-an." Hinawakan niya yung kamay ko pero tinapik ko iyon palayo. "Cinderella."

"Cindy ang pangalan ko." Mataray na sabi ko, "Umalis ka na."

"No."

"Alis."

"Nah. Number mo muna."

"Sira cellphone ko."

"Ibibili kita."

Galit na tiningnan ko siya bago tumayo. "Kung ayaw mong umalis, edi ako ang aalis! Letse!" Pumadyak ako at napatili na sa sobrang frustration. "Nakakabuwisit!"

"Cinderella!" Tawag niya sa akin nang maglakad na ako palayo.

"Ano!" Naiiritang tanong ko pero hindi ko siya nililingon.

"Liligawan kita!" Napahinto ako sa sinigaw niya. Napatingin ako kay Nikki, seryoso lang yung expression niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Sa ayaw at sa gusto mo, manliligaw ako. Kaya dapat sagutin mo ako."

Tinamaan ng lintik.

"Baliw!" Iyon lang at umalis na ako. Asa siya!

Ang hirap talaga maging maganda sa kabila ng pagiging brokenhearted.

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum