Sa dami ng oras na meron tayo
Bakit di ako nagtapat?
Bakit di ko maibukad ang aking bibig
At sabihin na ika'y aking iniibigAng pagkakataon na minsan kung binigo
At sabihin mong ako'y mapaglaro
Ang pagkakataon na maipaliwanag ang sarili ay di magawa
Sapagkat makita ka pa lamang ay naglulundag na ang puso sa tuwaHindi pala ito panghabang buhay
Tunay ngang lahat ng bagay ay may hangganan
Hangganan na ikaw mismo ang nagbigay
Ng sabihin mo ang mga salitang " suko na ako"
At ang pag-ibig ay biglang naglahoBakit ako huminto?
Kung kelan malapit ko ng makuha ang ginto?Dahil ang pagkakataon na iyon
Ay hindi pangkaraniwan at ang pusong napagod at nahirapan ay
Mas piniling manirihan ka sa puso ko ng walang pag-aalinlangan