Minsan mo nang sinabi ang salitang "Hindi"
Isang salitang waring umukit pailalim
Na punong-puno ng patalim
Ay tumarak sa puso't isipan ko
Na TAYO ay hindi TAYO
Na IKAW ay hindi AKIN
Na AKO ay hindi IYO
Na ang HINDI ay mananatiling HINDIMinsan ang Hindi ay di lamang salita
Bagkus ito'y huwarang tao
TAO NA NATUTO!
natutong ipaglaban ang HINDI
At nagawang itama ang HINDIang humindi sa pagbabalik
pagbabalik na maaring muling ikasakit
Ikasakit ng puso, isip at kaluluwa
Na HINDI, hindi na ito maariNa kailanman ay di na tulad ng dati
Ang ngayon ay hindi ang dati
Na ang ngayon ay hindi ang kahapon
Kung kaya't mamili ka HINDI o HIHINDI?
![](https://img.wattpad.com/cover/105112263-288-k524798.jpg)