"Tinitingin-tingin mo?" Pagtataray niya with matching taas ng kilay. Umiling-iling naman ako. Umismid siya.

Pinanood ko siyang umalis sa harap ko. Hindi ako kumibo ng mga ilang segundo. Nakikiramdam lang.

Nang matiyak ko na nasa kwarto na siya ay saka lang ako huminga ng maluwag. Napasandal na ako sa sofa at napa-sign of the cross kahit hindi naman ako Catholic. "Mahabaging langit, nakakatakot siya!" Siyempre bulong lang iyan. Baka mamaya mahagip ako ng lumilipad na something kapag narinig niya ako.

Kakagaling niya nga lang sa lagnat pero parang dumoble naman iyong kasungitan niya. Tsaka kapag nagsasabi siya ng kasadistahan, mas nakakatakot na. Eh, paano ba naman! Sobrang seryoso ni—

"Ay, lamig!" Saad ko nang may dumikit na bagay sa pisngi ko.

Napatitig ako sa ice cream na biglang sumulpot sa mukha ko. Oh, ice cream! Sinundan naman ng mata ko yung kamay na may hawak no'n at automatic na napangiti ang lola ninyo. Oh, Steff!

Landi!

"Nakatunganga ka riyan?" Nakangiti pero may bahid ng pang-aasar na tanong niya sa akin. "I know, I know, nai-in love ka na naman lalo."

"Ang yabang po." Irap ko kahit hindi naman talaga ako marunong, tinawanan pa nga ako, eh. "Akin na nga iyan!" Imbes na tingnan pa siya ay inagaw ko na lang yung isang plastic ng ice cream. Naging heart na yata yung mata ko dahil sa ibat-ibang flavors na nasilayan ko. "Wow..."

"Date na tayo." Inabot niya yung kamay ko at hinila ako patayo.

"Ha? Saan?"

"Sa kwarto." Sukat doon ay nagtaas-baba siya ng kilay. Ahm, bakit parang may masamang balak siya sa way ng ngiti niya?

"Pwede ba iyon?" Nagtatakang tanong ko. "Sa kwarto tayo magde-date—aray!" Sapo ang noong tiningnan ko siya ng masama. "Ba't ka namimitik sa noo!"

"Slow mo, eh." Napa-ouch ako nang pitikin niya ulit iyong noo ko. Ang sakit! "Nakakainis ka. Buti na lang mahal kita."

"Nakakainis ka rin! Namimitik ka ng noo!" Banas na banas na sagot ko. "Bahala ka riyan!"

Itatakbo ko na sana yung ice cream kaso wala, hinablot niya yung braso ko at walang sali-salitang kinaladkad ako papuntang kwarto.

"Rape! Rape!" Nang-aasar na sigaw ko. Wala lang, feel ko lang.

"Kung pwede nga lang."

"Ano!" Pinandilatan ko siya ng mata pero halakhak lang ang nakuha ko sa babaeng 'to. Naramdaman ko rin na in-intertwine niya iyong mga daliri namin. Kunwari hindi ako kinikilig. "Bitawan mo 'ko!"

"Nah." Mapang-asar na sagot nito hanggang sa makarating na kami sa room niya. "Gagahasain pa kita."

"Rape!"

--

"Nagiging invisible talaga ako kapag nakakakain ka ng ice cream," yamot na reklamo ni Steff. Hindi ko siya pinansin, masarap kumain, eh. "Yanyan ko, pansinin mo 'ko!"

Hmm...sarap...

At gaya ng sinabi niya, nag-date keme nga kami rito sa kwarto niya. Aba, nagtitipid yata itong babaeng 'to. Imbes na sa sinehan kami ay nag-download na lang siya ng movie at iyon ang pinanood namin sa laptop niya. Gusto ko nga sana ng romance kaso nagtalo pa kami dahil sci-fi ang dinownload niya. Buti na lang nagandahan ako. Tsaka masarap yung ice cream.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon