Mas hinigpitan ko pa yung pagkakahawak sa kumot dahil sa sobrang lamig ng pakiramdam ko. Malamig na nga, nasasaktan pa. Nilalagnat pa. Wow naman talaga, isang bagsakan lahat ng hirap ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Unti-unti na akong nakakaramdam ng antok. Nahihilo rin ako.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero naramdaman ko na lang na may something warm na dumidikit sa balat ko. Wala nang kumot na nakatalukbong sa akin.

Nabungaran ko agad si Juliet sa tabi ko, walang imik na pinupunasan ang leeg ko gamit ang bimpo. Tumingin siya sa akin at ngumiti, pero hindi naman umabot sa mata. Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Sinubukan kong bumangon kaso parang lumilindol yata. Anak naman talaga, oo, daig ko pang nalasing!

Kaagad naman akong inalalayan ni Juliet. Tinapik ko yung kamay niya palayo pero hindi naman siya nagpaawat. Binitawan niya lang ako nang maiayos na ako ng puwesto.

"Kamustang pakiramdam mo?"

Inirapan ko siya kahit ang sama ng pakiramdam ko. "Bakit nandito ka pa?"

Lumungkot ang mukha nito. "I should take care of my girlfriend."

"Sinong girlfriend mo?" Taas kilay kong tanong.

Napalunok ako nang mapansin yung expression niya. Mukhang nasaktan siya. Nagbaba siya ng tingin. "Y-you. Cindy, please...let's talk about it."

Nag-iwas ako ng tingin. Nasasaktan din naman ako. Akala niya ba gano'n lang kadali sa akin na pakisamahan siya ng maayos? Hay, nakaka-stress. I sighed. Ni hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Akala niya ba ang dali lang ng ginagawa ko? Na tinataboy ko siya? Hindi. Mahirap din sa part ko.

Hindi naman 'to tungkol sa pride. Hindi naman iyon ang nagasaan niya lang, yung damdamin ko rin.

"Ano yung nakita ko?" Finally, natanong ko na rin. "Huwag mo na ulit akong pasadahan ng it's not what you think mo. Hindi iyan uubra."

Matagal bago siya nakasagot. Nakailang hinga siya ng malalim. Maya-maya lang ay nakita kong yumuyugyog na ang balikat niya. Nakarinig na rin ako ng impit na pag-iyak. "I'm...I'm s-sorry."

"H-huwag ka ngang umiyak." Nanginginig sa utos ko. Medyo nagpipigil ako ng hininga, feeling ko kasi anytime ay iiyak na naman ko.

"I was ov-overwhelmed," panimula niya, "I got confused and I...I forgot."

"You...what?"

Nakita ko kung paano niya kinuyom yung kamay niya na parang ang hirap-hirap ng sasabihin niya. Pumikit na lang ako kasi naramdaman ko na naman yung hilo. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko pero mas mabigat yung sakit in terms of emotions. Ni wala ako sa mood magmaganda. "Nakalimutan mo ako? Gano'n yung gusto mong sabihin. Juliet?"

Hindi siya sumagot. Nagbilang pa ako ng mga five seconds pero waley pa rin. Nakagat ko na yung lower lip ko kasi hindi ko na napigilan yung luha ko. Tiningnan ko siya, umiiyak pa rin siya. Parehas na kami.

"I'm sorry..." Humikbi siya. "I didn't meant what I did. I j-just..." Suminghot siya at tumingin sa akin. "Pero maniwala ka, mahal kita."

Napangiti ako ng mapakla. Mahal daw? "Anong nararamdaman mo kay Romeo?"

Hindi siya nakasagot.

"Gusto mo siya noon, di ba?"

Walang sagot.

Napailing ako. Naalala ko pa noong unang beses ko siyang nakita. Sabi niya, yung babaeng kasama ni Romeo ang gusto niya. Pero nang maging kami, inamin din naman niya, nakuwento niya na yung lalaki talaga ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Siguro, o baka...ewan. Hindi ko na alam kung anong dapat maisip.

Masaya dapat ako, di ba? Kasi mahal niya pa rin ako. Mahal pero tingin ko naguguluhan pa rin siya. Siguro kasi walang naging proper closure yung feelings niya para doon sa hayop na 'yon.

Paano naman ako magsasaya kung sa tuwing maaalala ko yung sinabi ni Romeo na gusto siya ng parents ni Juliet ay bumababa ang self confidence ko? Nakakasakit iyon.

Love.

Masaya. Pero masakit. Magulo. Nakakainis. Nakakabuang.

"Cindy, please," Hinawakan niya yung kamay ko. "I love you..." Suminghot siya. "Hindi na ako uulit."

"Gusto mo pa ba siya?"

"Cindy..."

"Gusto mo pa ba siya?"

Matagal bago siya sumagot. "I d-don't know. Cindy..."

Mahinang napahagulhol ako. Putsa naman, oh. Gano'n yung sagot niya pero bakit ang sakit? Hindi siya sigurado? Ano iyon, joke? Letse.

Niyakap niya ako. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa bukod sa nanghihina ko. Bwisit naman. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa! Nakakainis!

"Cindy..."

Hindi ako kuntento sa ganoong sagot. Ayoko ng gano'n. Madamot ako. Ayokong may kahati. Ayoko ring mag-stay sa situation na ako ang maiipit. Gusto kong maayos ang lahat. Oo, madalas sadista ako at maldita. Pero hindi naman makitid ang utak ko para hindi maintindihan ang lagay ng mga bagay-bagay.

Pinalayo ko siya ng kaunti. "Umuwi ka na."

"But—"

"Juliet," Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "Uwi na."

"May sakit ka."

"Kaya kong sarili ko."

"But you need—"

"Mag-break muna tayo."

Para namang hindi siya makapaniwala sa narinig. Sunud-sunod na tumulo ang luha niya, malamang ay gano'n din sa akin.

Ang hirap sabihin no'n pero kailangan. Hindi lang naman 'to para sa sarili ko, eh. Para din ito sa kanya.

"W...what? Wait, Cindy—"

"Break muna tayo. Naiintindihan mo?" Umiiling siya. Umiling din ako. "Juliet."

"N-no."

"Ayokong hindi ka sigurado." Paliwanag ko, "Ayoko na tayo nga pero hindi ka sigurado sa sarili mo."

"But I love you—"

"Ni hindi mo nga masagot ng maayos ang tanong ko kung gusto mo siya o hindi!" Napasigaw na ako sa sobrang frustration. "Juliet, huwag ka nang makulit, okay?"

Parang mas dumoble ang pagod ko. Pati yung sakit.

"We d-don't have to end it this w-way." Nangangatal na sabi niya at muli akong niyakap ng mahigpit. "Cindy naman, oh, huwag namang ganito, please..."

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya. "Fix yourself first. Gusto kong siguraduhin mo iyang feelings mo. Ayoko ng may kahati, Juliet. Ayoko."

Hindi siya sumagot. Panay hikbi naming dalawa ang naririnig ko.

"Kapag na-realize mo na ako lang talaga ang gusto mo, ang mahal mo, saka mo ako balikan."

Maghihintay naman ako, eh. Sana lang tama itong decision ko.

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon