"Aray ko, Yanyan my love. Makahawak ka sa kamay ko wagas, ah." Nag-pout siya sa'kin sabay nakaw ng kiss sa pisngi ko. "Pasalamat ka love kita."

Kating-kati naman akong ngumiti kaso pinigilan ko. Naman, eh! Huwag ka nga, Yanyan! OA mo! Huwag kang kiligin! No!

"Aysus! Pwede ka namang kiligin," Umakbay siya sa'kin kaya naging mas malapit ang katawan niya sa'kin, mas malapit na rin yung feslak niya sa'kin. "Girlfriend mo naman ako."

"Hala, 'di kaya ako kinikilig." Sabi ko habang napaiwas ng tingin. Nag-focus na lang ako sa dinadaanan namin. Mahirap na, baka madapa ako. Lampa pa naman ako.

"Oh?" Bumaba ang kamay niya sa baywang ko at hinapit ako. Makangiti 'tong taong 'to parang walang problema kanina. "Sure ka hindi ka kinilig?"

"Hindi nga!" Sinubukan kong alisin yung kamay niya kaso napatalon ako nang pisilin niya yung tagiliran ko. "Steff! Nakakakiliti!"

Imbes na tumigil ay lalo pa niya akong kiniliti. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga dumadaan. Nakakainis naman 'to!

"Steff!"

"Oh, ang galing mo pala sumayaw!" Sabi niya habang tawa ng tawa.

Batukan ko kaya 'to! Nakakakiliti yung ginagawa niya na masakit, eh. Dahil hindi ko na keri ay mabilis ko siyang tinakbukhan. Nagsimula naman siyang maghabol sa'kin. Mukha kaming tanga dito, gabi na pero naghahabulan kami. Buti na lang maliwanag sa daan.

"Huwag mo 'kong takbuhan! Yanyan!"

Napatili ako nang muntik na niya akong maabutan, buti nalang nakailag ako. Ang bilis kasi tumakbo!

"Lagot ka sa'kin kapag naabutan kita!"

Tinawanan ko lang siya at binelatan. Napailing na lang siya sa'kin.

Hinihingal kami na parang nag-marathon nang makarating kami sa 7/eleven. Si Steff mukhang fresh pa rin, ako mukha nang basang sisiw. Ang dugyot ko, maygas. Sana pala hindi na lang ako tumingin do'n sa may salamin.

Hindi bale, cute ka pa rin naman, Yanyan.

"Tama na pakikipag-usap sa sarili. Halika na." Sabi niya at hinila agad ako sa may freezer kung saan nakatira ang mga ice cream. Nagc-crave na tuloy ako. Yumyum. "Anong flavor gusto mo?"

"Pwede lahat ng flavor?" Ngumiti ako na parang bata.

"Kakainin mo lahat?"

"Oo."

Natawa siya sa'kin bago guluhin yung buhok ko. "Yan, bago mo pa maubos lahat ng flavor wala ka nang ngipin."

"Hindi kaya." Umiling ako at nag-pout. "Matibay teeth ko."

Tumaas ang isang kilay niya. Hala, bakit ang ganda niya? "Talaga?"

Tumango lang ako.

Tumingin siya sa paligid. Napatingin din tuloy ako. Walang tao tsaka medyo tago kami. Napaatras ako nag bigla siyang nag-smirk. Patay.

"S-Steff?"

"Hmm?"

Napaatras ulit ako nang lumapit siya sa'kin, kinokorner ako. Hinawakan niya ang baywang kaya napahawak ako sa balikat niya. Sumilip ulit ako sa paligid, wala pa ring tao.

"He-he," Kabadong tumawa ako kaso nilapit niya lang lalo ang mukha niya sa'kin. Nanlalambot ako sa sobrang lapit niya. "Anong gagawin mo?"

Hindi siya sumagot. Napalunok ako. Parang alam ko na mangyayari. Pero seryoso...d-dito talaga?

"S-Steff—"

"I love you."

Natahimik ako bigla. Nahugot ko na yata ang hininga ko. Hindi na nga yata ako nahinga. Yung lamang-loob ko nagra-rambol na sa tiyan ko, parang namimilipit na ewan. Namimilipit sa kilig.

Hindi na ako nakapagsalita nang tumawa siya at humawak sa pisngi ko, lalong hindi ako makapagsalita nang halikan niya ang noo ko. Lord! Masaya ako pero ayoko maging tuod habang buhay! Mahirap palang kiligin sa babae!

"Namumula ka, Yanyan." Ngumiti siya ng malaki at humagikhik. "Sus, kinikilig talaga girlfriend ko, oh."

"H-h-h..." Napalunok ako. "H-h-hindi, ah."

"T-t-t-talaga?" Panggagaya niya sa'kin sabay tawa kaya kinurot ko siya sa braso. "Ouch!" Daing niya sabay tawa ulit.

Nag-pout ako at tiningnan siya ng masama. "Nakakainis... ka..." Napalunok ako nang bigla niya 'kong hinalikan sa lips. "Na."

Ngumisi siya. "Hindi lang mga products dito ang pwedeng nakawin," Makahulugang sabi niya. Napakagat ako sa lower lip ko nang kagatin niya ng mahina yung earlobe ko. Para akong kinuryente sa ginawa niya. Steff naman! "Alam mo kung anong pwede pang kunin dito sa loob ng 7/eleven?"

"A..." Napalunok ako kasi parang natutuyo yung lalamunan ko sa titig niya. "Ano?"

"Ito."

Kinabig niya yung batok ko at wala na akong nagawa kung hindi pumikit at sagutin ang halik niya.

Nakakabaliw ka, Steff.

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now