Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ko na ito na ang room na hinahanap ko para sa first class ko. Sumilip muna ako at nakita ko ngang nagsisimula nang magturo 'yung professor. Kung magiging totoo ako ay aaminin ko na nagdasal ako na walang prof dahil first day naman. Baka kako tinamad pumasok.

Dahan- dahan kong binuksan ang pintuan ng room at lahat sila'y napatigil sa pakikinig at pagsusulat at nag- angat ng tingin saakin. Naglakad ako papalapit kung saan nakatayo si professor. Shit ito na! "You are?" Naguguluhang tanong ng professor.

"I'm a student of your class."

Tumingin ang professor sa relo niya. Yes prof alam ko naman. Alam ko naman na halos kalahating oras akong late sa klase mo. Hindi na kailangan ipagduduldulan pa sa mukha ko at ipahiya ako sa klase.

"Did you get lost?" Napa-angat ako ng tingin sakanya. "A transferee then?" Malumanay ang boses niya.

But no no no.

Umiling ako ng mabilis. "No, I'm not a transferee." Madiin kong pagtanggi. "I just got a year break."

Umupo 'yung professor at kinuha 'yung record ata niya. Syempre dahil handang- handa ako ay pineke ko ang data ko sa university na 'to at iyon ang pinasa ko. Noong nakuha niya ang hinahanap niya ay tumingin siya saakin pagtapos.

"Andrea Michelle Ruiz?" Tumango ako. "Alright I see. Are you aware that you're almost half an hour late for my class today?" Tumango muli ako. Ito na sasabunin na ako. "You may sit down and I hope this never happens again." Nagulat ako ngunit napatango na lang muli ako.

Umupo ako sa unang- unang upuan napansin ko na bakante. Uupo na sana ako nang bigla harangin ng lalaki 'yung kamay niya sa upuan. "Hindi pa kita nakikita ha. Akala ko transferee ka."

Umiling na lang ako at akmang uupo muli. "Sorry ha, reserved ang seat na 'to para sa girlfriend ko. Absent lang talaga siya."

Pucha naman! Pati ba sa upuan ay pahirapan dito?! Hanep! Naghanap- hanap ulit ako ng upuan at nakakita naman ako agad ng bakanteng upuan. Ibinababa ko agad ang bag ko matapos ko itong makita. Mahirap na baka maharang nanaman. Gustong- gusto ko nang umupo. Ang sakit na ng mga paa ko kakalakad. Pagka- upon a pagka- upo ko ay may tumikhim sa tabi ko.


"Who gave you the right to sit there?"

Luminga- linga ako at nagsimula na si prof mag-discuss, napansin ko rin na busy na sa pakikinig at pagsusulat ang mga estudyante. Tinignan ko at sinimulang i-check ang upuan ko sa bawat corner nito.

"What do you think you're doing right now?"

"Tinitignan ko lang kung may pangalan ng may- ari. Mukhang wala naman." Tipid na sagot ko nang hindi tumitingin sa kausap ko.

"And you think you're funny?"

Dito ay nag- angat na ako ng tingin. "Hindi naman ako nagpapa-," Napatigil ako sa pagsasalita ng makita kung sino ang nasa harapan ko. Kilala ko siya. Hindi kami magkakilala. Pero alam ko kilala ko siya. Siya 'yung babaeng kinausap ni Veronica kanina sa harap ng canteen!

"Cat got your tongue?" Napapikit pa ako bahagya upang linawin kung siya nga talaga ang nakikita ko.

Pagdilat ko'y nakatingin pa rin siya saakin. Pucha! Siya nga talaga! Bigla'y nakaramdam muli ako ng lamig. Ang lamig lamig lamig.

"Masakit na ang paa ko. Paupo muna kung may nagmamay- ari man nito." Bigla'y umurong ata ang dila ko dahil sa talim ng pagkakatitig niya saakin.

"You're not a transferee huh? I don't think I've seen- no, in fact I know I haven't seen you in the campus grounds before." Malamig niyang tugon.

K A T A R I N A (•GXG•)Where stories live. Discover now