Napahikab na ako at napatingin sa oras, alas-tres na. Bigla tuloy akong natigilan. 'Di ba sabi nila devil hour daw ang 3:00 a.m.? Wengya! Sino ba kasi nagpauso no'n! Tsaka three talaga ng umaga? Hindi pwedeng twelve? One? Two? Sige Cindy, mag-isip ka pa ng walang kwenta, konti na lang pipitik ka na!

Nakaramdam tuloy ako ng takot dahil sa mga tumatakbo sa imahinasyon ko. Parang mas tumalas ang pakiramdam ko. Bakit feeling ko may tao sa likod ko? Ayokong ipikit yung mata ko! Baka pagkurap ko may nakatingin na sa'kin!

Para na 'kong tanga rito na ayaw kumurap. Letse nagluluha na nga mata ko pero kailangan kong tiisin. Cindy, kaganda mong babae pero matatakutin ka! Why, oh, why!

Napa-snap ako ng daliri ko. Naman! Bakit ngayon pa? Bakit! Naiihi ako! Napalunok ako ng sunud-sunod. Iihi ka lang, Cindy, hindi ka lalamunin ng bowl. Please lang, lunukin mo muna 'yang takot mo!

Pagkatapos kong i-pep talk ang sarili ay nagbilang ako bago tuluyang tumayo at lumingon sa likod. Napasigaw ako. "Put─"

"Bawal magmura."

Nasapo ko ang dibdib at tiningnan ng masama ang taong tumakot sa'kin. "Bakit ka nananakot!"

Tiningnan niya 'ko na para bang may mali sa'kin. "Ano bang problema mo?"

"Tinakot mo 'ko!"

"Tinatakot mo lang sarili mo."

"Tinakot mo 'ko!" Ulit ko.

Sukat do'n ay dinutdot niya ang noo ko. "Huwag ka kasi mag-iisip ng kung anu-ano."

"Tinakot mo 'ko!"

"Paulit-ulit na, Cindy. Manahimik ka nga!" Nairita na siya sa ginagawa ko kaya umayos na 'ko.

"Bakit ba kasi gising ka pa, Ate Steff?" Inirapan ko siya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Taray!

"Masama magising? Ikaw nga diyan dilat na dilat pa."

"May thesis, eh. Ikaw?"

"Naalimpungatan lang." Kinusot niya pa ang mata. Napatingin ako sa cellphone na hawak niya. Parang hindi naman siya naalimpungatan.

Tinulak ko siya pagilid. "Tabi riyan!"

"Arte mo!"

Hindi ko na siya pinansin. Tumakbo na 'ko papuntang kwarto ko para doon na magbanyo. Medyo kumalma ako nang makita ko si Juliet na mukhang tulog na tulog na, nakatakip pa yung kumot hanggang sa ulo niya. Buti pa 'to.

Pagkatapos kong mag-cr ay pumunta ako sa kama at dumapa. Hindi pa ko nakuntento, gumapang ako sa loob ng kumot ni Juliet hanggang sa mahawakan ko na talaga siya. Inangat ko saglit yung braso para iakbay sa balikat ko bago sumiksik sa leeg niya. Hinawakan ko rin yung isang kamay niya.

"Juliet?" Hindi siya sumagot. Hinalikan ko siya ng mabilis sa leeg niya. "Juliet?"

Hay. Ang lalim na yata ng tulog niya. Kung sabagay, sobrang puyat siya, eh. Ako naman parang nawala yung antok dahil sa nakakatakot kong imagination.

Gumapang ulit ako hanggang sa mapunta ako sa ibabaw niya. Alam kong mukha akong tanga sa pinaggagagawa ko kaso kasi hindi ako mapakali, natatakot pa rin ako.

Sa susunod kasi huwag na mag-iisip ng kung anu-ano.

Napasimangot ako. Pinapagalitan ko na sarili ko. Mababaliw na ko, feel ko na ang kadiliman! Joke lang, self. Takot nga tapos kadiliman pa.

Naramdaman kong yumakap siya sa baywang ko at antok na napaungol. "Cindy?"

Napatingin ako sa kanya, medyo dim dahil may kumot pero pansin kong nakapikit pa rin siya. "Sorry. Nagising ba kita?"

"Hmm," Tumango siya. Aalis na dapat ako kaso niyakap niya pa 'ko lalo. "What time is it?"

"Three na." Mahinang sabi ko tapos sumiksik ulit sa leeg niya. Napapikit na lang ako nang hagurin niya ang likod ko na parang pinapatulog ako, may patapik-tapik pa. "Teka, babalik na 'ko."

"Matulog ka na lang din muna."

"Ayoko, saglit na lang tapos tutulog na rin ako." Inalis ko yung kumot sa'min at bumangon. Para nga akong ewan kasi nakaupo ako sa tiyan niya. Bata lang.

"Okay." Antok na sagot niya. Kinuha niya yung cellphone sa ilalim ng unan at inabot sa'kin.

"Anong gagawin ko riyan?"

"Use it. Punta ka sa record files." 'Yon lang at nakatulog na siya agad. Napatango na lang ako sa sarili ko bago siya halikan sa lips at lumabas na ng kwarto.

--

"I love you, Mine!"

Napangiti ako at napahinto sa pagt-type habang pinapakinggan ulit yung ni-record ni Juliet sa cellphone niya. Na-gets ko na ngayon kung bakit pinagamit niya sa'kin yung phone. Aba'y girl scout! Alam na alam kung paano ako mag-isip.

Kata ito, gising na gising ang diwa ko hindi dahil sa takot. Paano naman ako matatakot kung parang mamamatay na 'ko sa kilig? Ay, Lord, joke lang yung sa mamamatay, ah? Tatapusin ko muna yung thesis namin, magtatapos pa 'ko sa college, maghahanap ng trabaho, pakakasalan si Juliet at siyempre magsasama pa kami habang buhay.

"Naniniwala na ako sa forever, simula nang makilala kita!"

Natawa ako habang nakikinig. At nagawa pa talagang kumanta! Hay, Juliet, mga choice of songs mo. Pasalamat siya mahal ko siya or else sasabihin kong ang korni niya to the nth power. Jusko para na 'kong sinasapian dito sa laki ng ngiti ko! Mag-focus ka, Cindy, puro ka harot!

Napatingin ako sa oras, malapit na mag-five ng umaga. Ayos, mas matapang pa sa kape ang voice record ni Juliet. At dahil sa good mood ako, at ehem, inspired na rin, ayern, ang dami ko nang natapos na part sa thesis. Feeling ko ang genius ko ngayon, yay!

"Hmm, morning." Bati ni Juliet na nasa tabi ko na agad. Hindi ko man lang napansin. Yumakap siya at sumiksik sa leeg ko, ramdam ko yung mainit niyang hininga. "Pahinga ka na."

"Okay, sige." Sinara ko yung laptop at inayos yung mga gamit na nakakalat. Hindi naman ako nahirapan kahit parang koala si Juliet kung makakapit. "Thank you nga pala sa record."

Humagikhik siya. "You're welcome. I kinda expected that situation kaya I made a voice record for you, my scaredy Cindy."

"Hindi ako matatakutin, 'no! Tapang-tapang ko, eh." Tinulak ko yung mukha niya kaya napahiga siya sa sofa. Nakanguso namang tumingin siya sa'kin.

"Really?"

"Oo! Nakikita mo 'to?" Pinakita ko yung braso ko. "Takot ang mga multo riyan, hah!

"Takot sila sa buto?"

"Takot sila sa muscles ko!"

"Cute." Bumangon siya at tinulak ako pahiga rin kaya nasa ibabaw ko na siya. Humalik siya sa lips ko.

"Maganda ako."

"Yeah, I know." Ngumiti siya at humalik ng paulit-ulit. Actually hinalikan na niya ang buong mukha ko. Ano na namang trip nito?

"Pakasal na tayo?"

"Bukas na lang."

"Okay," pakanta niyang sagot, "Then let's get our honeymoon first?"

"Eh, kung ipako kaya kita sa krus?" Pinanlisikan ko siya ng mata pero tumawa kang siya. Kainis na 'to, puro kamanyakan nasa isip!

"Fine, let's sleep first."

"Buti pa nga."

Nagpalit kami ng puwesto, umayos siya ng higa sa sofa pagkatapos ay hinila ako papunta sa ibabaw niya. Nakayakap siya sa'kin habang ako, parang bata lang na nakayapos din sa kanya. Binigyan ko siya ng huling halik sa labi. "Inaantok na ako."

"Then sleep, Love." Bulong niya sa'kin habang hinahagod ulit ang likod ko. Unti-unti na akong napapapikit.

Ewan ko kung nananaginip na 'ko pero narinig ko pa yung sinabi niya bago ako tuluyang lamunin ng antok.

"I love you so much."

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon