Nginisihan niya ako at bumangon siya. Inaalis ko nga yung pagkakahawak niya sa kamay ko kaso ayaw naman niyang bitawan. Pumunta siya sa harap ko, basta parang straddle position, at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Megerd, hindi ba niya alam yung salitang space? Kulang na lang mag-share kami ng hininga! "U-uy, S-Steff! Umayos ka nga!"

"What?" Inosente tanong niya at mas lalo pang nilapit ang mukha. Napapikit na tuloy ako kasi nakakailang na talaga yung lapit niya. Narinig ko namang tumawa siya ng mahina kaya naamoy ko yung hininga niya na amoy...hmm, chocolate? Lumaklak ba 'to ng syrup? "Alam mo, Yanyan, nakakainis ka."

"B...bakit na naman?" Na-manage ko pa makasagot kahit na parang aatakihin na 'ko sa bilis ng tibok ng puso ko. "Ikaw yung nakakainis!"

"Oh. Bakit ako?"

"Kasi ang lapit mo."

"So?"

"S...so ka riyan!" Tiningnan ko ulit siya at parang nanginginig pa yata yung kamay pati katawan ko sa lapit niya. Naman kasi, eh! Sinubukan ko siyang itulak kaso nahagip niya agad ang braso ko. Galing mo Yanyan, ngayon parehas na niyang hawak yung braso mo. Hooray.

"I love you."

"E-eh?" Nanlalaking mata na reaction ko sa narinig. "Steff! Ano bang problema mo!"

Kumunot ang noo niya. Binitawan na rin niya ako sa wakas. Umupo siya, yung parang japanese style habang ako ay naka-indian sit. Saka ko lang na-realize na nakapantulog pa rin ako. "Ako? May problema?"

Napairap ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung sinasapian siya o ano "Oo. Kanina ayaw mo akong pansinin, tapos mang-aasar ka, then biglang sasabihin mo na nakakainis ako tapos ngayon mag-I-I love you ka? Yung totoo, nag-aadik ka ba?"

Tinaasan niya ako ng kilay at napailing. "Sa'yo lang naman ako naadik."

Napaiwas ako ng tingin at ramdam kong nag-init ang mukha ko. Nakakainis naman 'tong si Steff! "Baliw."

"Baliw na baliw sa'yo."

"Tumigil ka nga!"

"Bakit?" Tatawa-tawang tanong niya sa akin. Ginulo pa niya ang buhok ko na hindi ko pa nasusuklay kaya tiningnan ko siya ng masama. Pisinil naman niya ang pisngi ko. "Ang pikon mo ngayon."

"Nakakainis ka kasi." Angil ko bago tinapik yung kamay niya palayo.

"Mas nakakainis ka. Gusto nga kitang batukan, eh." Diretsong sabi niya. "Pasalamat ka mahal kita."

"Ewan ko sa'yo."

Hay nako. Mapapakamot na lang talaga ako ng ulo sa kanya, eh. Akala ko ba ako yung magulo kausap dito? Parang si Steff kasi talaga 'yon. Lahi yata sila ng mga abnormal. Except ako siyempre kasi feel ko ako talaga yung pinaka-matino rito.

"Huwag ka nang magpaligaw sa pangit na 'yon." Sabi niya out of nowhere na nakapagpataas ng bongga sa kilay ko.

"Pangit? Ang gwapo kaya ni...Ren...zo."

Napalunok ako. Mali yata ako ng pagsagot kasi parang dumilim yung aura niya. Eh, totoo naman kasi, 'di ba? Gwapo siya?

"Alam mo bang nagseselos ako?"

"Uh, hindi?" Alanganing sagot. Mas lalong dumilim ang mukha niya. Bakit ba siya nagseselos? Parehas naman silang nanliligaw. Anong problema?

"Hindi?" Umismid siya. Hinawi niya ang buhok at tinitigan ako ng masama. Double gulp. "Magbihis ka. Ililibre mo ako ng ice cream."

"Eh, pero—"

"Magbibihis ka o ako ang maghuhubad sa'yo?"

Napanguso na lang ako at sumunod sa kanya, kaysa naman hubaran niya ako, baka hindi na ako makalabas ng buo sa kwarto. Gusto ko lang sana kumontra kasi wala akong pera. Kaasar. Hihingi na nga lang ako kay mama.

--

"Oh, okay na?"

Tumango siya habang panay ang lamon do'n sa malaking ice cream na binili niya. Dito na rin kami tumambay sa 7/eleven para ubusin yung pinabili nito. Jusme, nasermunan pa 'ko ng nanay ko nang manghingi ako ng pera. Ang gastador ko raw. Eh, si Steff naman may gusto kaya. "Pahingi nga ako."

Tumitig siya sa akin ng mga limang seconds siguro bago nag-scoop doon sa ice cream. Itinapat niya 'yon sa bibig ko kaya sinubo ko na lang. Sorop!

"Masarap kasi may laway ko, 'no?" Tiningnan ko siya ng masama sa sinabi niya. Nakain kami tapos kabulastugan nalabas sa bibig.

Panay lang kami ng kain pero hindi kami nag-uusap. Sinusubuan niya lang ako habang patingin-tingin lang ako sa mga taong nabili rito. Hay. Sana pala pumasok na lang ako, edi sana may pera ako.

Mukhang okay na rin yung mood ni Steff kasi mukhang hindi na siya mananapak. Kaso mas seryoso siya ngayong araw. Naiinis pa rin siguro siya sa akin. Ang gulo naman kasi niya, ano bang kinakainis niya? Ang bait-bait ko na nga, eh.

"Patigilin mo na yung Renzo sa panliligaw sa'yo. Ako lang dapat." Utos niya sa akin. Utos talaga ang dating. Kung minsan para din siyang si Cindy.

"Bakit naman? Sa nanliligaw siya, eh." Dahilan ko. Tsaka ang gwapo nga kasi ni Renzo, almost perfect na. Ih!

"Edi bastedin mo! Ako lang pwede mong sagutin."

"Babae ka kaya." Sabi ko.

"Babae ka rin naman." Sagot niya pabalik. "Edi bagay tayo."

"Ano kaya 'yon." Napanguso na lang ako sa dahilan niya.

"Huwag kang ngumuso diyan kung ayaw mong halikan kita rito." Utos niya ulit kaya napatakip ako sa bibig ko. Tatawa-tawa naman siya at sumeryoso ulit. "Unlike that Renzo...ako, mahal kita. Eh, siya, mahal ka ba?"

"Ah, eh." Napayuko ako at nag-isip. Ang totoo, hindi ko alam. Kasi hindi naman talaga kami close ni Renzo. Classmate kami pero hindi kami laging nag-uusap except na lang kapag tungkol sa school ang pag-uusapan. Maraming nagkakagusto sa kanyang mga babae kaya naman feeling ko ang haba ng hair ko nang niligawan niya 'ko. Pero ni minsan, wala siyang nasabi kung gusto niya ako, o mahal niya 'ko. "Hindi ko alam."

"See?" Pagc-confirm niya. Magsasalita pa sana siya nang mapatingin siya sa cellphone ko na tumutunog. "Sino 'yang natawag?"

Tiningnan ko sa screen kung sino ang natawag at napangiti dahil sa kilig. "Si Renzo," Wala sa loob na sambit ko bago sagutin ang tawag. "Hello─hala!"

"Don't call Marian, may girlfriend na siya at ako 'yon. Bye." Ayon lang ang sinabi niya at kaagad na pinatay ang tawag bago ko pa siya mapigilan. Ngumiti siya sa'kin ng nakakaloko. "Mission accomplished."

"S-Steff, bakit mo ginawa 'yon?" Natanong ko na lang at napatitig sa cellphone ko at sa kanya. "Baka kung anong isipin niya."

"Yung iniisip ko, concern ka ba?" Tanong niya na ikinatahimik ko. "Sa feelings ko? Aware ka na naman siguro na nagseselos ako. Sinabi ko na, 'di ba?"

"O-oo nga. Pero—"

"Ang insensitive mo, Marian." Umiling siya. Sinubuan niya ako ng ice cream ng sunud-sunod na halos mabulunan ako.

"Brain freeze!" Sigaw ko habang nakahawak sa ulo ko. Sakit!

"Ganti ko na lang 'yan. Pasalamat ka 'yan lang ginawa ko." Sabi niya sa akin habang sumusubo na rin ng ice cream. "Sinasabi ko sa'yo, Marian, kahit anong gawin mo, sa'kin pa rin ang bagsak mo."

Yumuko na lang ako at napabuntong hininga. Ano bang gagawin ko rito kay Steff? Ni hindi man lang ako makakontra. Sa kanya ang bagsak ko? Bakit parang ganoon nga?

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt