"Uy,"

Napalingon ako sa katabi ko na sumutsot at kumalabit sa akin. Tinitigan ko itong maliit pero cute na babaeng nakangiti sa akin. Anong problema nito?

"Hi." Ngiting pagkakabati niya. Aww, may dimples siya.

Sa halip na bumati pabalik ay tinaasan ko lang siya ng kilay. Parang ngayon ko lang siya nakita, eh. Bagong pasok ba 'to? Siguro. Ilang weeks na rin nag-start ang pasukan, eh. Baka na-late? Wait nga, bakit ko ba pinapahirapan ang sarili kong mag-isip?

"Taray mo naman." Nakangiti pa ring sabi niya. Ano bang problema nito? Nakakainit ng ulo yung pag-ngiti-ngiti niya.

"Hindi kita kilala." Sabi ko at mabilis na lumingon kay prof na napatingin sa'kin habang nagtuturo. Automatic tuloy na napataas ang isang kilay ko kaya napaiwas siya ng tingin at nagpatuloy na lang. Oo na, mataray na.

"Nikki." Sabi ulit ni babaeng may dimples. Hindi nakatingin pero alam kong siya 'yon.

"Hm?"

"Nikki pangalan ko."

"Ah, okay." Walang kwentang sagot ko. Bakit kasi daldal ng daldal, eh, halatang naman ayoko siyang kausapin.

"Ikaw, anong pangalan mo?"

"Bakit?

"Gusto kong malaman."

Napailing na lang ako at hindi siya sinagot. Daldal,. Hindi naman kami close. Okay, mukha siyang mabait ang kaso, hindi naman ako mahilig makipag-usap sa hindi ko kakilala, kahit na classmate ko pa siya.

Natahimik na rin siya nang hindi ako sumagot. Siguro nakaramdam na 'tong babaeng 'to na wala ako sa mood para i-entertain siya. Pero hindi, makalipas lang ang halos ilang minuto ay nangalabit ulit siya. "May ballpen ka?"

At anong gagawin niya sa ballpen? Napakunot ng bongga ang noo ko. "Bakit?"

"Pahiram." Ngiting-ngiting sabi niya. Okay, nagpapa-cute ba 'to? Hindi effective, eh.

Pero sige, para manahimik na siya, fine. Tumango ako at kinuha sa bag ko yung extra ballpen at ibinigay ito sa kanya. Ngiting-ngiti naman siya. "Thank y─"

"Oo na." Pagdi-dismiss ko. Baliw na babae.

Sa buong oras ng discussion ay gamit-gamit niya ang black ballpen ko na mukhang balak pa nga yata niyang ubusin ang tinta. Kanina pa siya nagd-doodle ng kung anu-ano sa cattleya niya. Pasimple kasi akong tumitingin. Hindi dahil sa interesado ako sa doodle niya, kung hindi dahil doon sa tinta ng ballpen ko na inuubos niya. Napailing na lang ako. Mura lang naman 'yang ballpen na 'yan, sa kaniya na lang kung gusto niya basta huwag na niya akong kakausapin kahit classmate kami.

Napahalumbaha tuloy ako sa upuan ako at napabuntong hininga. Masama 'to, nakakaiyak mang aminin pero...sobrang nami-miss ko na si Juliet!

Dapat siguro pumayag na ako no'ng balak niyang mag-suggest na mag-change ng room. Hay. Ang boring pala lalo kapag ganitong wala siya. Eh, kasi naman, kapag magkasama kami, naaaliw na ako kapag pasimple ko siyang tinitingnan at ino-observe ang mga facial expression niya. Gustung-gusto ko nga kapag nakakunot ang noo niya, eh, iyon kasi ang bihira niyang gawin.

Pagka-dismiss ng klase ay kaagad kong inayos ang gamit ko at lumabas. Naunaha ko pa nga 'yong prof, eh, pero waley akong pakielam. Bagal niya, eh. Napangiti ako nang sa paglabas ko ay naabutan ko agad si Juliet na matiyagang naghihintay sa akin. Pagkakita niya sa akin ay parang bata siyang yumakap at humalik sa pisngi ko. Ugh, kilig!

"I missed you, Mine." Malambing na sabi niya. Ako naman ay tumango lang pero deep inside, alam na this. Kailangan ko pa bang ulitin? Hindi na siguro, 'no? Hindi.

As usual, sinubukan na naman niyang kunin ang bag ko na hindi ko pa rin pinapabitbit sa kanya. Ilang beses ko kayang kailangang sabihin sa kanya na hindi ako baldado? Kulit, eh. Nang hindi pa rin ako nagpapigil, ayon, humawak na lang siya sa kamay ko at inabot sa akin ang isang dynamite na candy. Paborito ko. Kahit 'yan lang ibigay niya sa'kin, ayos na, eh. Hoo, umuulan ng kakornihan! Tse!

In-intertwine namin ang aming mga daliri at paalis na sana nang may tumawag sa amin, sutsot lang siya actually. "Psst, 'oy!"

Napalingon kami at napairap ako nang siya na naman ang nakita ko. Lumapit siya sa akin at sinauli sa akin yung ballpen na hiniram niya. Edi kinuha ko. Buti naman at hindi niya naubos ang tinta, sayang, eh.

"Thank you, ah."

"Okay." Sabi ko lang. Aalis na sana dapat kami kaso muli itong naapurnada dahil humawak siya sa braso ko. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman kaagad siyang bumitaw. Instead na umalis, nakipagtitigan siya sa girlfriend ko. Bigla tuloy akong nainis at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Juliet. Don't tell me, na-love at first sight siya sa girlfriend ko? Pigilan ninyo 'ko, pigilan ninyo 'ko, uupakan ko 'to!

"Magkapatid kayo?" Nakakainis na tanong niya. Mukhang nairita rin si Juliet sa tanong ni Nikka, Nikku? Ah, basta, Nikki nga pala. Sasagot na dapat itong kahawak-kamay ko nang naunahan siya nitong asungot na 'to. "Ate, pwede ko siyang ligawan? Ganda kasi niya, eh." Walang pakundangang tanong niya sabay turo sa'kin.

What the. Pinagloloko ba 'ko ng babaeng 'to?

Napabuga ako ng hangin. "Galingan mag-joke sa susunod, ha? Hindi kasi nakatawa." Pagkatapos no'n ay iniwan namin siya ni Juliet na nakatunganga lang.

"Mine, what was that? Kilala mo ba 'yon?" Seryosong tanong niya sa akin habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Hindi namin makakasama yung abnormal kong pinsan dahil hindi siya pinapasok ni Ate Steff samantalang sina Dianne at Trisha ay may klase pa raw. Nagpadyak si Juliet na parang batang inagawan ng laruan. "How dare she para pagkamalan tayong magkapatid?"

"Hayaan mo na, abnormal 'yon." Nasabi ko na lang. Dumiretso kami sa counter at um-order na. Gutom ako kaya with rice ang akin, gano'n din sa tampururot kong girlfriend.

"Sino ba 'yon?" Naiinis na tanong niya.

Tinanguhan ko muna yung babaeng nasa counter bago kami dumiretso sa usual na table namin at naupo. Nilagay ko sa tapat niya yung kakainin niya. "Si Nikki. Ngayon ko nga lang nakita 'yon, eh."

"Then why she's making move at you this instant?" Naiinis pa ring tanong niya. In fairness, ngayon ko lang siya nakitang mainis ng ganyan.

Napakamot ako sa may leeg ko. Hinagod ko ang buhok niyang nakalugay na malambot pa rin as ever at hinalikan siya sa pisngi, nakahinga naman ako ng maluwag kasi kumalma na siya. Mas naiinis pa kasi siya sa'kin, eh. Hello, ako yung pinagt-trip-an at hindi siya. "Ewan ko ro'n. Tinarayan ko na nga 'yon, eh, ni hindi ko pinapansin. 'Yaan mo siya. Next time, sasapakin ko na 'yon, okay na?"

At ang bruha, ayan, ngumiti na rin sa wakas. "I'm sorry, I was just...jealous, and being territorial," Namula siya at yumuko pero halata namang naka-pout siya. "Gusto ko sa'kin ka lang and I don't want anyone having interest on you."

"Ay, 'yon lang, mahirap 'yan kasi maganda ako," Natatawang sabi ko. Ang lakas ko lang talaga magbuhat ng sariling upuan. Buti na lang totoo.

"Ayon na nga, eh." Humarap siya sa akin at ngumisi. "Masyado kang maganda that I badly want to kiss you torridly right now, in front of everyone," Nanigas ako sa puwesto ko nang mapadako ang kamay niya sa hita ko, marahan itong hinahaplos. Parang bigla tuloy akong pinagpawisan. Water! "So that they will know that you are mine and mine alone." Bulong niya sa tainga ko.

Napalunok tuloy ako ng wala sa oras at na-straight ko yung baso ng tubig. Naasar naman ako at pakiramdam ko ay namula pa ako dahil tumawa siya ng may halong harot. Loko talaga 'to, halata namang alam niya epekto no'n sa'kin. "Landi mo, Juliet. Kumain ka na nga lang!"

Humagikhik siya at mas inilapit ang sarili sa akin habang ako ay nagsisimula nang kumain. "Ikaw na lang."

"Ang ano?" Pinagsasabi nito?

"Ang kakainin ko."

Halos mabulunan ako sa kamanyakang sinabi niya sa akin at tinitigan siya ng masama. Ininom ko yung tubig niya habang naka-peace sign siya sa'kin. Humalik siya sa pisngi ko kahit nagtataray na 'ko. "I love you!"

Pasaway na babae.

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon