27. Follow Me

161K 5.8K 2.9K
                                    

27. Follow me

Monday na. First day of prelim at simula na ng hell week. Inaantok pa ako nung pumasok sa school dahil maaga akong nagising para mag-review. Ginugol ko rin naman ang buong araw ko kahapon para mag-aral pero gumising pa rin ako ng maaga kanina para magbasa-basa. Mahirap na. May exams pa naman kami sa dalawang major subjects ngayon; Management at Taxation.

Pahikab-hikab pa akong humakbang sa escalator nang may magsalita mula sa itaas. Napahinto tuloy ako sa paghihikab at nag-angat ng tingin.

"Inaantok ka pa ah..."

Kusang nag-init ang buong mukha ko nang makita si Zion na nakahilig sa railings na looking oh so fresh in the morning at idagdag na rin yung ngiti niyang tila nagpaliwanag sa buong paligid. Wait, seriously? Ganun talaga ang pagkaka-describe ko? Bigla tuloy akong nahiya. Hikab pa more, Misty! Ang chararat mo pa namang humikab.

"Nakapag-review ka nang maayos?" he asked as I stepped off the escalator. Sinalubong niya ako at nakisabay sa paglalakad patungo sa room namin. So, hinintay niya ako?

"Yep. I studied yesterday tapos gumising din ako kaninang madaling araw para mag-review. Ikaw?"

"Nakapag-review din ako," he retorted cooly.

My brows creased, doubted about what he said. "Paano ka nakapag-review e hindi ka naman nagsusulat ng lecture?"

"Ever heard about photocopy? Tamad lang ako kumopya ng lecture pero hindi ako tamad mag-aral... sa ngayon," and then he smiled while moving his brow up and down. "Motivated ako e."

Wala namang kakilig-kilig sa sinabi niya pero nagwala na naman ang mga paro-paro sa sikmura ko. Oh, well. We're on the same boat then. Motivated din ako.

Matapos ang nangyari noong Valentine's day na kasama si Zion ay ginanahan talaga akong mag-aral kahapon. Posible pala iyon 'no? Lalo na't katabi ko pa sa pag-rereview ang Panda na binigay niya sa akin. Ganito ba ang feeling ng inspired? Kasi kung oo, ang saya sa pakiramdam. Parang nagiging madaling gawin ang mga mahirap na bagay kahit pa numbers ang pag-usapan kagaya nalang ng nireview ko kahapon sa Taxation.

Speaking of Panda, hindi pa pala ako nakakapagpasalamat kay Zion. Naisip ko kasing mas magandang magpasalamat sa kanya sa personal.

Malapit na kami nun sa pinto ng classroom nang tawagin ko siya. "Uh, Zion..." He stopped and turned to face me. There goes that tingling feeling inside my stomach again. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. "Uhm. Thank you nga pala du'n sa Panda stuffed toy. Sobrang nagustuhan ko."

Ngumuso siya, parang nagpipigil ng ngiti pero eventually ay ngumiti rin at tumango sa akin. "Wala yun. Three gives yun. Bayaran mo nalang ako kapag nakaluwag-luwag ka na."

Napawi ang ngiti sa labi ko kasabay ng paglaglag ng panga ko. "WHAT?"

"Just kidding," he laughed upon seeing my reaction. He then stepped behind me and whispered in my ear, "Glad you like it." I froze to my feet. I didn't even notice that he placed his hands over my shoulders and then pushed me inside the room. "Tara na nga sa loob."

Gusto kong magtitili't magtatalon sa sobrang saya. Pero syempre 'di ko yun magagawa kaya heto't halos mapunit ang mga labi ko sa kakangiti. I know this isn't right but I can't help it.

I'm falling for Zion again.

Bumabalik lahat ng feelings ko para sa kanya three years ago. No, let me rephrase it. The feelings don't just come back. They've still been there all the while. Hindi naman yun naalis sa akin. Umalis nalang ako't nagpakalayo at bumalik makalipas ang tatlong taon ay siya pa rin talaga. Geez. It is indeed first love never dies.

[Book 2] Warning: Bawal Pa-fall (Opo, Ongoing pa rin po Ito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon