Isa pa, ayaw niyang bigyan ng isipin si Lawrence. Alam niya mismo na marami itong iniisip at problema. Kahit papaano naman kasi nagaalala rin siya dito.

"I-I th-think... I'm in love?!" What the hell did I just said?! Mabilis na pa sa alas kwatro na lumabas ang katagang ito sa bibig ni Noneen, dala na siguro ng katarantahan hindi niya alam kung saan nanggaling yung sinabi niya.

Hindi ko kaya. Hindi niya kayang sabihin kay Lawrence ang totoo. Ayaw na niyang masigawan. At isa pa siya rin naman ang may kasalanan, kaya siya dapat ang gumawa ng solusyon.

Kaso papaano? Bahala na lang si Gagamboy.

"Yun lang?!" Tumango si Noneen. Nagsinungaling siya miske alam niyang hindi siya magaling dito. Kaya nagcross fingers siya. 

 

 

 

Maniwala ka please.

"This must be your first time kaya ka ganyan? Haha, geez akala ko naman may nakaalam na ng kasal natin kaya ka ganyan." Ngumiti si Lawrence tsaka umupo sa sofa.

"Exactly!" Napasigaw si Noneen bigla. Shit, ang bibig niya talaga minsan hindi mapigilan. Napatingin sa kanya si Lawrence.

"Exactly! A-ano first..time kong mainlove! Hehe?" Kinabahan naman siya dun, hindi siya dapat madulas. Mahirap na. Tumawa si Lawrence ng mahina at umupo naman si Noneen sa tabi ni Lawrence at huminga ng malalim. Kaya nga to! Kaya ko to! Isip niya. Binuksan ni Lawrence ang TV.

"So, sino ang napakamalas na lalaki?" Pabirong tanong ni Lawrence. 

"Gagu, porke't ba nagustuhan ko malas na? Ang sama nito." Pinalo niya ng mahina ang braso ni Lawrence. Go with the flow the lang siya siguro. Kakausapin na lang niya bukas si Ralph. Siguro naman pwedeng pakiusapan ito.

"Oo basta ikaw kawawa nga sya eh. Flat chested ka kasi," Automatic naman ang hampas ni Noneen. 

"Akala ko naman tinigilan mo na yan. Ikaw manyak ka ha, huwag ka ngang manlait. Inggit ka lang!"

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon