"Ang bango mo, Mine," bulong niya.

"Alam ko." Mahinang sagot ko kasi mas fini-feel ko yung lips ni Juliet sa leeg ko. Landi! "Perks of being maganda 'yan."

"It's true, indeed." Sagot niya lang. Inangat niya ang halik hanggang sa magdikit ang lips namin. Ako namang si babaeng naakit, hinalikan naman siya pabalik.

Nagsimulang gumalaw ang mga labi namin. Hinapit ko siya palapit, yung tipong hiyang-hiya na yung space sa aming dalawa. Nilaliman niya ang paghalik at napaungol nang kagatin ko siya. Pasensya na, nanggigil lang. Sarap kaya humalik ng girlfriend ko. Landi talaga!

Patuloy lang kami sa paghahalikan hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang pumasok sa loob ng damit ko para haplusin ako sa tiyan. Parang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang init ng kamay niya. Nakakadeliryo lang.

"Tita Cindy!"

Mabilis pa kay Flash na naitulak ko si Juliet nang makarinig ako ng sigaw ng bata.

"Ouch!" Daing niya habang hawak ang likuran. Nahulog kasi siya mula sa ibabaw ko. Eh, hindi naman gaanong kalaki ang couch namin.

"Sorry, sorry!" Agad ko siyang tinulungang bumangon at pinaupo sa tabi ko. Ako na rin humagod ng likod niya. Sa nag-panic ako eh!

"Tita Cindy!"

Napalingon na lang ako sa kaliwa ko at nakita ang salarin ng pagkahulog ni Juliet. Isang batang lalaking may kalat na chocolate sa bibig at ngiting-ngiti pa sa akin ang hinayupak. Napailing ako at napatapik sa sarili kong noo. Delubyo na 'to.

"Uh, who is he?" Nagtatakang tanong ni Juliet habang titig na titig sa batang kaharap na namin ngayon. Hindi pa ako sumasagot nang biglang lumitaw ang slow kong pinsan.

"Hello, mahal kong pinsan! Hello, Juliet, lalo kang gumaganda!"

Tiningnan ko ng masama si Yanyan na kadarating lang at may dalang isang box ng Ferrero at kung anu-ano pang chocolate. May dala rin siyang malaking bag. Napatikom agad siya ng bibig. Tinuro ko yung batang lumapit na sa kanya at nakahawak sa laylayan ng kanyang damit habang nakangiti pa rin sa akin, kitang-kita yung tsokolateng sumabit sa ngipin niya, ew. "Anong ginagawa ng bubwit na 'yan dito?"

"Uh, he-he-he-he." Tumawa siya ng alanganin. "Let me explain?"

Tumakbo na yung bata papuntang kusina, malamang magkakalkal 'yon ng pwedeng kainin niya. Tumayo ako at nameywang, tinaasan ko siya ng kilay. "Siguraduhin mong maganda 'yang sasabihin mo kung ayaw mong ibaon kita ng buhay diyan mismo sa kinatatayuan mo."

Napalunok siya at sunud-sunod na tumango. Hinawakan naman ako sa kamay ni Juliet, halatang gusto akong awatin kaso wala na siyang nagawa dahil pati siya ay pinagtaasan ko rin ng kilay.

"E-eh, kasi, ganito...ma-magbabakasyon kasi s-si ano, si kuya pati yung ano niya, yung asawa niya." Paliwanag niya habang hindi makatingin sa akin ng maayos.

"So?"

"Ayon nga. Edi ba ano, si Mama nagt-trabaho ta-tapos si Papa nasa ibang bansa naman, walang mag-aalaga sa kanya. Tsaka si ate, may mga anak din na maliliit. Ano kasi, sabi ni ano ni mama, dito raw muna siya hanggang new year─"

"Ano!" Napatalon siya nang napataas ang boses ko. Nagpalakad-lakad ako dahil sa sobrang pagkairita. Naman, alam namang hindi ako mahilig sa bata! "Ano ba naman 'yang si Tita, Yanyan!"

"Sorry na! Sinabi na ni Mama,eh. Alam mo namang maikli pasensya nung nanay ko, baka i-flush niya sa toilet 'yang si Peter sa sobrang kulit." Dahilan niya na ikinakunot ng noo ko.

"Eh, anong tingin mo sa akin? Kapag ako naubusan ng pasensya ililibing ko ng buhay 'yong bubwit na 'yon!" Nanlalaki na ang mata ko sa pagkairita.

"Huwag naman, papatayin ako ni Mama!" Nahihintakutang sagot niya.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now