"Ah, eh, opo," Napakamot ako sa ulo at tumawa ng alanganin.

"Bagay kayo, iha. Mukhang parehas kayong mabait. Huwag ninyo nang pakawalan ang isa't isa."

"Ay siyempre naman po, napikot na ako no'n kahit lagi ko siyang inaaway."

Natawa naman siya at tinapik ako sa balikat. Hindi ko na lang pinuna yung pagtapik niya. "Ay, normal lang 'yan sa isang relasyon. Ganyan din naman kami ng asawa ko. Ang mahalaga walang bibitaw. Kung may problema, pag usapan ng maayos. Wala rin namang kahahantungan ang pakikipagmatigasan. Tiwala, suporta, at pagmamahal lang ang kailangan."

Na-touch naman ako kay Ate, nakakagaan siya ng loob. Nginitian ko siya. "Salamat po sa advice, Ate."

Bumalik ang tingin ko kay Juliet. Naman! 'Yang babaeng 'yan, pakakawalan ko pa ba? Never, as in never! Minsan lang ako magpapapikot, aba. Asa namang papayag akong bumitaw siya. Ang swerte na nga niya't dyosa ang dyowa niya.

"Oh s'ya, ako'y uuwi na muna. Dalaw ulit kayo rito, ah." Tumayo siya at pinagpag ang suot niya. Bahagya pa siyang napapikit dahil sa sikaw ng araw.

"Opo, Ate. Ano nga po palang pangalan ninyo?"

"Glenda. Ate Glenda."

Tumango ako at nag-wave sa kanya habang palayo na siya.

--

Hapon na kami natapos at nakauwi na ang mga kaklase ko. Nandito pa rin kami sa loob ng sasakyan ni Juliet. Nasa tapat na kami ng bahay namin pero hindi pa kami bumababa. Si Yanyan naman ay kanina pa nakababa at malamang nakahilata na 'yon at dumiretso ng tulog dahil siya ang pinakanapagod.

"Mine, nakauwi na nga pala sina Dad at Mom." Sabi niya sa akin. Nakahawak siya sa kamay ko at pinaglalaruan ito habang ako naman ay hinahagod ang buhok niya.

Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi niya. "A-ah. Kailan mo ako ipapakilala?"

"Tomorrow."

Nanlaki ang mata ko. "Ano!"

"What?" Inosenteng tanong niya. "You introduced me to your mother in a rush so I don't find anything wrong with it. Besides..." Napahinto siya at ngumiti sa akin.

"Ano?" Tanong ko na hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

"Uh, sinabi ko na sa kanila that I have a girlfriend."

"Weh? Hindi nga?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Tumango siya. "I really did."

"Anong sabi nila?"

Nilapit niya ang kamay ko sa bibig niya at kinagat kagat yung daliri ko. Inalis ko yung pagkakahawak niya at nilamukos ang mukha niya. Hinuli niya yung kamay ko at kinagat na naman, lalo ko lang nilamukos ang mukha niya. "Ano ngang sabi nila?"

"They didn't say anything."

"Tapos?"

"That's it. They just told me that they want to meet you tomorrow morning for breakfast."

Natahimik kami parehas. Okay. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Matutuwa ba ako kasi walang reaction yung parents niya sa akin o matatakot para sa bukas. Susme, ano kayang mangyayari bukas? Matatanggap kaya nila ako? Hindi? Jeskelerd!

Napalingon ako kay Juliet nang hawakan niya ulit ang mga kamay ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. "Don't worry, okay?"

"Paanong hindi? Paano kapag hindi nila tayo matanggap?"

"Edi itatanan kita."

"Seryoso? 'Pag sinabi mong joke, bubutasin ko ulo mo."

"I-I'm serious."

"Sus. Ba't ka nautal?"

"Because what you said was so morbid, Mine."

Natawa ako kasi mukhang natakot nga siya. "Joke lang!"

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan sya sa lips. Nakita kong nanlaki pa ang mga mata niya sa gulat dahil sa ginawa ko. Pumalakpak ako sa harap niya para matauhan siya. "Huy! Namatanda ka riyan?"

"I...I thought no kiss punishment?" Naguguluhang tanong niya.

"Charot lang 'yon, Juliet! Bakit, ayaw mo?" Tinaas-baba ko ang kilay ko ng nakakaloko.

Ngumiti siya ng pilya. "Of course I want to, Cindy."

Lumapit ulit ako at hinalikan siya sa leeg. Bongga, ang bango ni Juliet. "Oh, talaga..."

"M-mine, what...what are you doing?" Pabulong na tanong niya habang patuloy ako sa ginagawa.

Napangiti ako at ginapang ang kamay ko sa baywang niya. Napasinghap siya ng maabot ng lips ko ang tainga niya at kinagat ito. Galawang Cindy! Good luck sa'kin!

"Ayaw mo ba ng ginagawa ko, hm, love?" Tanong ko sa mababang boses. Shems, kaya ko palang mang-akit. Ang ganda ko talaga!

"O-of course, I like it. No, I-I mean... I love it."

Napangiti ako lalo. Hinalikan ko siya pababa sa panga niya, papunta sa pisngi. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinagdikit ang noo namin. "Juliet."

"Yes?"

Na-relax ako nang maramdaman ko ang hininga niya. Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. "Huwag kang bibitaw kahit inaaway kita, ah."

Natawa siya. Hinawakan niya ako sa baywang at mas hinapit palapit. "I love you."

"Alam ko."

Ngumuso na naman ang babae. "Mine naman, eh."

Natawa ako ng mahina bago idinampi ang labi ko sa kanya. Napapikit ako at mabagal na iginalaw ang mga labi namin. Mabagal hanggang sa bumilis. Mas hinapit niya pa ako at ikinawit ko naman ang mga braso sa batok niya. Mukhang sabik na sabik si Juliet. Eng gende ke telege.

Napaungol siya ng pinalalim ko ang halik. I dared to explore her mouth and she's very responding. Ako na excited, minsan lang 'to. Isinandal niya ako at naramdaman ko ang kamay niya sa loob ng damit ko. Patuloy lang kami sa ginagawa habang walang tigil ang kamay niya sa paghawak sa tiyan ko. Wala akong abs, kaasar!

Humihingal na kami nang matapos. Ang sarap talaga halikan ni Juliet, nakakaadik. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko at binigyan ito ng maliliit na halik. Hindi pa rin niya inaalis ang kamay sa loob ng damit ko. "'Oy, 'yung kamay mo."

"Ang sarap mo hawakan, eh," bulong niya.

"Manyak ka lang talaga."

"Mahal ka naman."

"Alam ko."

"Mine."

"Hm?"

"I love you."

"I love you, too."

"Cindy."

"Bakit na naman?"

"Don't worry for tomorrow, I'm with you." Pag-a-assure niya sa akin.

Hinagod ko ang buhok niya pababa sa likuran. Ang kalmado niya, nakakahawa. Sana nga maging ayos lahat katulad ng sa kanila ni Mama.

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora