"Ang hard mo kahit sa'kin! Hanimal 'yang kamay mo!" Parang batang sabi niya at nagpapaawang tumingin kay Trisha. "Baby, oh, si Cinderella, tinorture yung cheeks ko..."

Lumapit naman si Trisha sa pasaway at baliw niyang girlfriend. Kiniss niya ito sa pisngi ng matunog. "Ayan, masakit pa?"

"Opo. Isa pa."

Napailing na lang ako sa dalawa. Naglalandian na naman. "Mga babaita, tutulungan ninyo pa ako."

"Ay, oo nga pala!" Namula si Trisha at awkward na tuma. "So...saan tayo magsisimula?"

"Sa pagkain!" Singit ni Yanyan na nandito pa pala. Tumingin kami sa kanya at mukhang nasindak naman siya. Wala sa hulog ang sagot ng loka-loka. "Sorry?"

"Seryoso na nga kasi." Desperadong sabi ko. Pakiramdam ko kasi nauubos na yung oras ko para maghanda.

"Okey," pakantang sagot ni Dianne. "Sa totoo lang, hindi materialistic na tao si Juliet, check na 'yan. Simple lang naman yung babaeng 'yon, eh. Basta galing sa taong mahalaga sa kanya, it-treasure niya 'yon ng sobra."

Napangiti ako sa sinabi niya. Totoo 'yon. Ganoon kaganda ang pagkatao ng babaeng 'yon. Siya na yata ang pinakamabait at pinaka-appreciative na taong nakilala ko. Ewan ko ba at kung anong nagustuhan no'n sa'kin. Ang ganda ko kasi, eh. Charot!

"Sa tingin mo mapapasaya ko siya sa gagawin ko?"

"Oo naman! Baka nga kahit tumambling ka lang sa harap no'n matuwa na 'yon sa'yo." Nakakalokong sagot niya.

"Siraulo. Ginawa mo pa akong stuntwoman."

Nagtawanan naman sila sa sinabi ko. Takot ko lang gawin 'yon. Baka magkalasug-lasog katawan ko, mahirap na.

Sa tinagal ng mga araw na magpaka-stress ako, sa wakas, may pumasok na sa kokote ko. Simple lang yung idea ko pero sana...mapasaya ko siya.

"'Uy, nag-text si Juliet. Nasaan daw tayo." Sabi ni Trisha habang nakatingin sa phone niya.

"Huwag ninyong re-reply-an, ako nang bahala." Sabi ko habang iniisip yung mga gagawin ko. "May plan na ako, guys, maaasahan ko ba kayo?"

Sabay-sabay silang sumaludo at ngumiti. "Ma'am, yes, ma'am!"

Isa-isa ko silang binatukan na nireklamo nila. Iilag pa nga sana si Yanyan ang kaso naabot ko agad siya. Ayon, dobleng batok natanggap niya.

"Aray naman! Bakit sa'kin madami!" Reklamo niya.

"Wala kang pake." Pabalang na sagot ko. Umismid lang siya at sumimangot.

"I never thought na may tinatago kang ka-sweet-an sa katawan, Cindy, ah. Ayie, inlab na inlab lang!" Pang-aasar sakin ni Dianne na may kasama pang sundot sa tagiliran ko. "Ayiee, tao na siya!"

Tinapik ko yung kamay niya at inirapan siya. Parang timang, eh. "Tumigil ka nga! Sasapakin kita, eh."

"Joke lang." Nag-peace sign ang babaeng gawa sa joke. "So kailan tayo magsisimula?"

Ngumiti ako ng matamis na matamis na mukhang ikinatakot nila.

"Now na."

--

Juliet's

"Juliet!"

I flinch. Bahagyang nilayo ko ang phone sa tainga. I rub my eyes sleepily and yawn. I look at the time, quarter to midnight na. "Why are you calling in the middle of the night? And please, tone down your voice."

"Oops, sorry," She giggles childishly. "Nandito ako sa tapat ng bahay mo. Labas ka, bilis."

Biglang nagising ang diwa ko sa sinabi niya. "What? Dianne, alam mo ba kung anong oras na? Umuwi ka na."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now