Final Track

2.3K 42 46
                                    

Pabati muna kay idol Denny

Congrats po kay Eya, sa Eyoss, sa DNP, sa That Girl 1 & 2, sa 10 Signatures at syempre SA 'YO, idol Dennysaur sa iyong pagkapanalo sa Watty Awards Philippines  ^________^ ikaw na talagaaaa!!!!! *sabog confetti*

Idol na idol kita, congrats din daw sabi ng nanay kong fan ng DNP (if you remember may fan ka sa FB na nagsabing pinabasa nya yung DNP sa mom at sis nya, ako yun mwahaha)

This final track is very much dedicated to YOU \(*u*)/

Yey! Final track na!!! I hope all of you would like the outcome of this short fanfic, nakornihan ako sa sinulat ko since ewan ko ba, ayaw itayp nung kamay ko yung talagang ending na gusto ko ehh, basta nakukulangan ako na ewan, so okay lang kung hindi nyo magustuhan, libre lait naman ehh wag nyo na lang iparinig/ ipabasa sa'kin joke

-----------------------------------------

Final Track

 

[Kevin's Voice]

Madilim na nang marating namin ni Denver ang club na dati'y madalas naming tugtugan noong panahong sikat na sikat pa kami. Inaamin ko, humina na rin naman ang Runaway sa nakalipas na apat na taon. Hindi na rin kasi naging ganun kaseryoso si Manager Luke sa pag-handle sa banda matapos masira ang SE. Umamin na rin naman sya sa'min na ginamit nya lang din kami para pabagsakin ang banda ni Sync.

Masakit pero kailangan naming tanggapin. Hanggang ngayon ay buo pa rin naman ang Runaway pero bihira na kaming mag-concert at gumawa ng mga kanta. Kahit papaano, okay na rin sa'min ang mga nangyari. Nakabalik kami sa simpleng pamumuhay. Nagsibalik din kami sa school kaya lalo kaming naging busy. Doon isinisi ng iba ang dahilan ng untiang pagkawala ng Runaway sa ere.

 

Runaway?

Siguro nga. At least nagagawa naming magpatuloy.

Pero ibang pagtakbo ang ginawa ko noon. Tumakas ako.

Hindi ko nagawang magpatuloy. Sinubukan kong tumakbo sa damdamin ko pero lalo lang akong hindi makaalis. Tinakbuhan ko rin ang isang taong nagmahal sa'kin dati.

Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya.

NI hindi ko maalalang nagpasalamat ako sa kanya sa huling pagkakataon.

 

 

Para bang masayang alaala na lang ang panahon ng kasikatan namin. Kumbaga sa mga photo albums at larawan, ang mga kanta naming minsanan pang nare-request sa radio, kinakanta sa videoke o ng mga tambay sa kanto ay isang magandang remembrance ng kasikatang minsang tinamasa namin.

Sa counter kami umupo. Umorder muna kami ng light drink at mani bilang pulutan.

Napakaraming alaala ang bumabalik sa utak ko. Maraming bagay ang naganap dito.

Dito kami madalas mag-gig. Dito rin kami minsan nagpa-practice. Dinala ko rin dati dito si Momo tapos dinedicate ko sa kanya yung isa naming kanta. Ang epal nga ni Denver after nung gig kasi halos ibuko na nya kay Momo yung feelings ko. Natatawa na lang ako pag naalala ko yun; natatawang nasasaktan. :\

Dito ko rin na-witness ang galit at selos ni Sync noong makita nya kaming magkasayaw ni Momo. Dito rin sa lugar na 'to pinakilala sa'min ni Manager Luke si Momo bilang panglimang miyembro ng banda.

Sobrang daming alaala. Parang may slideshow na nag-play sa utak ko, hindi ko na namalayang unti-unti nang napupuno ang dati naming teritoryo.

Tama. Dating teritoryo.

Runaway: The Unreleased Tracks  (Voiceless ♪ FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon