Track 2: Escape

1.8K 25 5
                                    

Ang track na ito ay dinidedicate ko kay Humi ^_^

Dahil sa kanya kaya lalo akong na-inspire na ituloy ang pangarap kong sumulat ng voiceless ♪ fanfic na tatalakay sa lablayp ni papa Kevin

Nabasa ko lang naman kasi yung fanfic nya at kahit nadramahan ako, isa lang ang sinabi ko sa sarili ko

.

.

.

.

.

.

Ayokong magkatuluyan si Kevin at Denver!! >:D

Sa mga hindi pa nakakabasa ng fanfic nya check out the external link

-------------------------------------------------------

Track 2: Escape

 

[Kevin's POV]

Hindi ko maalis ang pagtitig ko sa kanya, ganun din sya sa'kin. Ang babaeng yon, hanggang ngayon ba sinusundan nya pa rin ako?

Imposible. Ang sabi nya titigilan na nya 'ko.

Habang palayo kami sa simbahan ay unti-unti syang nawawala sa paningin ko hanggang sa tumakbo na rin sya palayo.

Tahimik sa kotse nang maisipan ni Denver na buksan ang radyo. Sakto sa chorus ng isa sa mga kanta namin ang tumutugtog noon:

♪ I will never let you fall (let you fall)

I'll stand up with you forever…

I'll be there for you through it all (through it all)

Even if saving you sends me to heaven ♪

 

 

"Kahit hindi sa langit, kahit sa impyerno pa sasamahan kita. Mahal na mahal kita Kevin." Bumalik sa ala-ala ko ang mga binitiwan nyang salita bago kami magkahiwalay nung araw na yon.

Ang huling araw na ginamit ko sya para sandaling makalimutan si Momo at ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

-flashback-

Walang kamalay-malay si Momo na sinundan ko sya sa airport.

"Bye Momo, mami-miss kita." Sabi ko sa sarili ko habang nakatayo sa tabi ng kotse ko, pinagmamasdan ang pagpasok ni Momo sa airport. Ayokong sundan sya hanggang sa loob kasi baka mamaya pigilan ko pa sya kahit alam kong hindi naman sya magpapapigil. Sino nga ba naman ako para magpapigil sya sa'kin di ba? :'(

 

(Now playing: Take Me Away by Avril Lavigne, wala nang vid sa gilid kasi tinatamad ako maghanap)

♫ I cannot find a way to describe it 

It's there inside, all I do is hide 

I wish that it would just go away 

What would you do, you do, if you knew 

What would you do? ♫

Runaway: The Unreleased Tracks  (Voiceless ♪ FanFic)Where stories live. Discover now