MARCH 4, 2024
[ ALEX ]
Nasa grocery ako ngayon. Inutusan kasi ako ni mama mag-grocery. Ewan ko bat ako sumunod, di naman ako nag-gaganto dati -_- tapos di pa ako marunong mamili nang maayos -_-
Pero may kilala ako na sanay na sa ganito...
And as if on cue, nakita ko siya.
Nagg-grocery din siya.
Nakatayo siya sa aisle na asa tapat ko. Tumitingin ng cheese. Nakasuot siya ng kulay gray na t-shirt, at itim na shorts. I scanned her body, paying attention to the smallest details. Remembering how I used to touch, and hold her. And honestly, nothing has changed. Oh and, yes. Her. Masama ba? She still has a slim figure. Flat padin pwet niya. Pero yung harap... Ah, eh... ayokong sabihin na malaki kasi diba bat ko naman sasabihin yon sa isip ko para namang binabastos ko siya... pero basta hindi flat ^_^'
Wew, Alex Rivera. Ngayon ka pa nag-isip nangp ganyan. Kanina mo pa chine-check out yung katawan niya.
Ba't ba? Nakita ko na yun eh...
And then that thought... That thought broke my heart.
Who else has seen your body, and soul now, angel?
Naglalakad na ako ngayon. Naglalakad patungo kung asan siya...
Shempre papansin ako, dun din ako sa may mga cheese. Kumuha ako ng isa and sinadya ko na mahulog yun para makuha ang atensyon niya. And I didn't fail.
Kita ko sa mukha niya na gulat siyang makita ako. It's been 4 years since I last saw her. And 6 years since our break up.
"Hi" she simply greeted and smiled at me. Hi, I'm sorry. Gusto ko sana sabihin.
Nginitian ko rin siya.
"Bukod sa Eden, ano pa bang masarap na cheese? Magluluto kasi si Mama ng butter-cheese garlic shrimp." tanong ko.
JOKE LANG YUN. DI AKO GANUN KAHILIG SA HIPON. AT SINIGANG ANG NILULUTO NI MAMA.
"Lahat naman ng cheese masarap, Alex. Pero mag-Quickmelt ka na lang. Yan lagi namin ginagamit pag magluluto ng hipon eh." sagot niya.
Kinuha ko naman yun at nilagay sa cart ko.
"Sige, una na ko ah? Ingat ka" she said. No hint of emotion. Tapos tumalikod na siya. Wala man lang "it was nice seeing you, namiss kita"?
"Uh, Brie! Gusto mo mag-lunch samin?" I asked her. Di ko rin alam bakit. Nabigla ako.
She simply smiled, and said, "Allergic ako sa hipon. Pero thanks for the invitation."
Oo nga pala, allergic siyaaa!!! At sinabi kong hipon yung ulam namin kahit hindi, kahit yung ulam namin is ung paborito nyaaaa!!!
Pagdating ko sa bahay, nilapag ko na yung mga pinamili ko at dumiretso sa kusina para tumulong kay Mama magluto. Himala? Hindi. Natuto na lang talaga ako.
"Lex, bantayan mo yang sinaing, at ulam ah? Pahinga na muna ako." sabi sakin ni Mama.
Tumango naman ako. Umupo ako, at saka nilabas ang phone ko.
No New Messages.
Ano bang ineexpect ko? Itetext niya ako? Eh nagpalit na siya ng number. At siguro di naman niya alam na after 6 years, ito parin number ko diba?
Nag-online ako sa Facebook at agad kong sinearch ang pangalan niya.
Gabrielle Roldan
Oo nga pala, di na kami friends dito since we broke up..
Viniew ko yung profile pictures niya..
Yung current profile picture niya, nakatalikod siya, at nasa gitna siya ng Calle Crisologo.
Yung sunod naman, nakatalikod ulit siya, and kita yung Chocolate Hills ng Bohol.
Yung sunod naman, nakatalikod ulit siya, and this time, nasa Boracay siya.
Sunod, nakatalikod ulit, this time, sa Palawan.
Halos lahat na ng profile picture niya, nakatalikod siya. And puro sa tourist spots dito sa Pilipinas.
Mukhang natupad na niya ang pangarap niya na magtravel sa Pilipinas.
Pangarap na sabi niya, gusto niyang tuparin lalo na kung kasama ako.
Out of her 30 profile pictures, 21 iyong nakatalikod siya. Kasi after nung first ever profile picture niya na nakatalikod (which was in Sagada), is yung selfie niya nung 4th year pa kami. Yun yung selfie niya after niyang ayusan sarili niya para sa picture taking ng yearbook at ng grad. It's either 6 years nang ganun profile picture niya, o niremove niya yun. And yun lang yung selfie niya na profile picture. Siguro hinide niya yung iba.
Pinindot ko yung Add Friend. Bahala na.
Lumundag yung puso ko.
Kasi wala pang ilang minuto...
"Gabrielle Roldan accepted your friend request."
Today, I saw her at the aisle. The damned grocery aisle.
[ runawaywendy, 2018 ]
VOUS LISEZ
We Broke Up (taglish) (GxG) [EDITED]
NouvellesWe broke up. We broke up 6 years ago, right? Yet here we both are, lying on the hood of your car, looking up the stars, while listening to A Rocket to the Moon. And everything feels like the first time. Like everything is how it was all meant to be...
![We Broke Up (taglish) (GxG) [EDITED]](https://img.wattpad.com/cover/109956896-64-k862232.jpg)