CHAPTER 1

12 2 0
                                    


KATAHIMIKAN ANG tanging namamayani sa paligid ng malawak na silid-aklatan kung saan naroroon ang ilang mga estudyanteng nais na magpalipas ng oras sa pagbabasa o pag-aaral ng kanilang mga leksyon. Tila isa iyong unipormeng kailangang isuot ng bawat estudyante o maski na guro na nais manatili sa loob... Subalit, para sa dalagang si Sheen, sa dalagang walang pakialam sa rules and regulation ng library, sa dalagang may katigasan ang ulo, at sa dalagang nangangailangan ng uno o dos na grado. . .silence is not a part of the solution for her to get a passing grade.

She needs to speak, she needs to move, she needs to strategize! And right now, the only thing she has in mind is to use her bewitching charm towards this four-eyed son of Mrs. Abueva— her chemistry teacher who made a habit of giving her a bad grade. Hindi sigurado ang dalaga kung mayroon bang kinikimkim na galit sa kaniya ang ginang gayung ilang beses na niyang nakakaladkad sa kahihiyan ang anak nito.

"Hey, big boy," maharot na bulong ni Sheen sa nasa kabilang dulo ng mesang si Resty. Lukot ang noo nito habang inaabala ang sarili sa makakapal na mga librong nakahilata sa mesa nila. Hindi siya pinansin ng binata kaya naman mas lumapit pa siya rito at mula sa silong ng mesa kung nasaan ang mga paa nila ay sinimplehan niyang muling idinikit ang kaniyang paa sa mahahaba nitong binte.

That made him froze and blushed all of a sudden. Halatang mas hindi na komportable ang binata ngayon kumpara kanina nang kauupo pa lamang ni Sheen sa harapan nito.

However, he still managed to keep his eyes on the book. Tila batid nito ang ginagawa ni Sheen at gaya ng dalaga'y hindi niya rin nais na magpa-talo sa kaharutan nito.

Sheen rolled her pretty and perfectly done eyes against this nerdy man in front of her. Kanina pa siya nito tinuturing na isang hangin at naaasar na siya! Hindi rin naman niya gustong magkaroon pa ng koneksyon kay Resty, hindi niya nais na muli itong gamitin para makakuha ng passing grade sa ina nito. Ngunit para makapasa at magtagumpay sa kaniyang mga pangarap ay handa niyang gawin ang lahat, kahit pa ang makipagharutan sa nerd na kaharap.

Call her desperate and she'll just wear the crown.

"Hey! Resty, baby," napaka-lambing na pagtawag niya rito. "Pansinin mo naman ako, please... Kanina mo pa ako ginagawang hangin dito, ah. Napapanis na ang beuty ko."

"Sheen, please... I'm studying," pagsusuplado nito nang hindi siya ginagawaran ng tingin. Mabilis nitong binawi ang kaniyang kamay nang subukan ni Sheen na hawakan iyon. "I said, stop it."

"Oh! Common. Mas maganda ba 'yang mga naka-sulat diyan kaysa sa akin? Mas sexy? Mas nakakapanlaway?" Maarte niyang hinawi ang blonde at kulot niyang buhok na naging daan para malingunan niya ang ilang lalaking studyante sa 'di kalayuang mesa na nanonood sa kanila ni Resty or maybe sa kaniya lang? Sa kagandahan niyang nag-uumapaw.

Mabilis na nagtago sa libro ang mga ito nang titigan sila pabalik ni Sheen. (Tsss, boys!)

"What do I have to give to get your eyes laid on me again like before," may pagdadrama niyang tanong dito. Nais na niyang kuwelyuhan ang binata para sulyapan siya nito, but with all the strands of patience she has in her body, she smiled sweeter this time. "What do you want me to do, baby?"

Resty couldn't take her pleads for sure. Just pull the right strings, bibigay rin ang nerd na'to!

"Wala kang dapat gawin," his voice remained dull.

"Resty naman, e." She bent closer to him, naiipit na nga ang imaginary boobs niya sa mesa para lang magawa niyang abutin ang nanginginig nitong kamay. "Talk to me, please. I thought you love me, why now?"

Dama niyang muli ay nais na bawiin ng binata ang kamay nito mula sa kaniya, but she gripped it so tight like she will not gonna free it anymore. Kung puwede nga lang iuwi para pam-black mail sa nerd na kaharap niya ay gagawin talaga ni Sheen. But she's not that sadist to do it.

TOSOF 2: Until The Last SunsetNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ