Umuulan.
Isang senyales na may nalulungkot na naman.
Maraming maging pwedeng dahilan kung bakit may nalulungkot sa ngayon.
Isa ba ako sa kanila? Kasama ba ako na nalulungkot din tulad nila? Siguro ganun nga.
Siguro nalulungkot nga ako ngayon pero di ito makita sa aking mukha at parang wala akong nararamdaman.
Kahit nababasa na ay patuloy parin ang paglalakad ko sa tabi ng dagat. Napakalungkot at nakakatakot ang binibigay nitong tanawin. Nakatingin lang ako sa dagat na para bang nakikipag away sa ulan na tila bigla ring lumakas ang alon nito. Halos wala din akong makita di lang dahil sa ulan at may namumuong hamog, dahil nakikipagsabayan din ang mga luha ko na galing sa mga mata kong kanina pa nagpipigil.
Ha? Bakit naman bigla akong naiyak? Wala naman akong nararamdaman? Naging manhid na ba ako? Manhid na ba ako dahil parang paulit ulit ko na itong naranasan? Paulit ulit ko na nga itong nararanasan. Tama. Paulit ulit na nga pero bakit ako umiiyak? Bakit parang may sariling kontrol na 'tong mga luha ko?
Wala akong maalala. Wala akong maalala ni isa. May kung ano sa aking sarili na di ko maipaliwanag. Siguro yun yung rason kung bakit bigla bigla nalang tumulo ang mga luha ko.
Napapikit nalang ako at naupo na lamang habang tanging ingay ng ulan at alon na lang ang aking naririnig. Sumasabay na rin ang hangin dito ngunit hindi man lang ako nilalamig.
Nakapa ko sa aking hintuturo ang isang bagay na nagp-protekta sa akin at nagpapa alala ng mga nangyari na di ko mahanap sa aking isipan. Gagawin ko ba 'to? Ibabalik ko bang muli ang aking alaala kahit alam ko sa aking sarili na magbibigay na naman ito ng sakit at saya ng nakaraan? Ngunit kailangan ko itong gawin dahil umaasa akong di lang naman puro sakit ang dala nito at may maganda din itong maidudulot. Napa hinga ako ng malalim at inihanda ang aking sarili. Dahan dahan ko nang iniangat ang kanan kong kamay kung nasaan ang singsing at hinalikan na ito.
Bumalik lahat lahat sa aking isipan nang napakabilis at napatayo ako bigla. Napatingin ako sa di kalayuan at di ko namalayang tumatakbo na pala ako. Isa na naman itong simula ng kabanata ng buhay ko.
-REAL_ukc
