•*•*•*•*•*

Nandito ang ibang tauhan ni Henricka na hindi niya pa din kilala dahil sa hindi pa sinasabi ni Nebby kay Henricka ang tungkol sa org na namana nito.

Nandito din sila Nebby at Carilo para tumulong sa pag-iimbestiga para ma-protektahan ang boss nila.

Ini-imbestigahan na nila ang tungkol sa issue at ina-alam na kung saan o kanino nanggaling ang usapan na 'yon.

"Nebs, mayro'n akong nakita sa isang CCTV kaso, walang volume kaya hindi natin alam kung ano ang pinag-uusapan nila," saad ni Carilo.

"Ano 'yan?" tanong ni Nebby. Lumapit si Nebby sa kaniya at pinanood ang video na pinakita ni Carilo sa kaniya.

Sa video, mayro'ng dalawang tao ang nandoon at ang isa sa kanila ay isang empleyado sa kompanya ng mga San Marquez.

Habang ang isa naman ay hindi nila kilala dahil sa hindi ito pamilyar para sa kanila. Kaya naman agad napatingin sa lahat si Nebby.

"Imbestigahan niyo ang babaeng ipapakita sa inyo ni Carilo. Alamin ang lahat tungkol sa kaniya at siguraduhin na walang kulang 'yan," utos ni Nebby.

"Sige, Nebs. Saglit lang," saad ng lahat. Binigay na ni Carilo ang litrato ng dalawang babae sa mga kasamahan at agad nilang inimbestigahan 'yon.

Kinuha naman ni Nebby ang cellphone niya para matagawan si Vaughn at masabihan ito tungkol sa nangyayari ngayon.

•*•*•*•*•*

Nakabalik na ang lahat ng empleyado sa kani-kanilang mga departamento ng tahumik at kabado dahil sa issue ngayon.

Pagka-upo sa mga upuan nila ay agad nilang inumpisahan ang mga trabaho at pinilit na mag-concentrate dahil sa nangyayri ngayon.

Dito sa pinaka-dulong parte ng accounting department ay may isang babae na medyo kinakabahan dahil i-imbestigahan na ni Herald kung kanino unang nanggaling ang usapan na 'yon.

'Hindi ko alam na heredera pala ang babaeng 'yon... Hindi kasi halata sa kaniya,' komento ng babae sa isip niya.

'Sana naman ay wala akong naiwang ebidensya para hindi ako mawalan ng trabaho. Nagawa ko lang naman 'yon dahil sa kinukuha niya ang atensyon ng lalaking gusto ko,' komento niya pa sa isip.

Huminga siya ng malalim at sinimulan na niya ang trababo niya habang iniisip pa din ang mga p'wedeng mangyari ngayon.

HENRICKA

Pagkabalik ni Herald sa loob ng opisina ay agad akong napatingin sa kaniya. Nahalata ko din na medyo naiinis siya ngayon.

"Herald, kalma lang," sabi ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at niyakap siya.

Sa mga nakaraang araw ay gusto ko na lagi siyang masaya at ayokong nalulungkot siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kaniya pero...

'Ganito ako sa tuwing may gusto ako sa isang tao.' Naalala ko na naman ang tungkol dati sa dati kong kasintahan.

"I told them the truth now - about you being the heiress of your relatives's businesses and everything," bulong niya sa 'kin.

"Sa tingin mo ba ay titigil 'yon ngayon?" tanong ko.

"Yeah. At least, they know the reason why we're always together. I didn't told them about our relationship because it feels like it will just add more fuel to the fire if I said that," paliwnag niya.

"That's why, the only thing that I said was about you being my trainee and also, being the heiress of your relatives," dugtong niya pa.

"Okay. Naiintindihan ko. Thank you, Herald." Niyakap ko siya ng mas mahigpit kaysa kanina.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ