Chapter 1

2.7K 53 4
                                    

" Ano?!!.. okay na ba yan?!!" inis  na tanong ko kay Jayson na inaayos ang Van namin na nasira sa kalagitnaan ng daan.

Plano naming pumunta ng resort na di pa pamilyar sa aming pandinig pero balita ko maganda daw doon.

Umiling  lang si Jayson at pinagpatuloy ang ginagawa kaya mas  lalong  lumaki  ang butas ng ilong  ko.

"Easy lang Jane...Makakapunta tayo sa resort na yan kaya dapat keep...calm...ok?" Sabi ni Rea  kaya inirapan  ko sya.

Keep calm?!...eh.. di  nga namin alam kung anong Lugar tong napuntahan  namin at gumagabi  na tapos uulan pa!.

The Fvck?! sinabi  ko na kasing  eh-check nila ang sasakyan bago pumunta.Sobra kasing excited kaya ito Kami ngayon.
Sa gitna ng madilim na daan.

"Siguro pumasok mo na tayo sa loob ng Van dahil uulan na baka mabasa pa tayo at bukas nalang natin ito aayusin" Suggestion  ni Jhon kaya tumungo nalang Kami.

Papasok  na sana ako ng mahagilap ng paningin ko ang taong nakatalikod  sa di kalayuan.

Pilit kung  inaaninag ang taong ito pero masyadong ding madilim.

Nabigla nalang ako ng kalabitin ako ni Jayson kaya nabaling  sa kanya ang atensyon ko.

"Hey! Are you okay?" Tanong nya pero di ko sya pinansin  at tinignan ulit yong tao pero paglingon ko ay wala na,balak ko sanang tanungin yong taong yon kung anong pangalan nitong lugar nato kaso nasayang ang pagkakataon.

Tinignan ko si jayson ng masama kaya napakamot nalang sya ng batok at pumasok na ng Van.Galit parin ako sa kanya,Di sana nan doon  na Kami at nagsasaya na.

Bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan at giniginaw na din kami dahil hindi Kami nagdala ng kumot at balita narin namin na all set na Ang resort na yon.

Pero pakiramdam ko na parang may nagmamasid sa amin or......

I'm just hallucinating!...Pumikit nalang ako hanggang Dalawin na ng Antok.

(Sa di kalayuan)

"Ano?...ilan sila sa loob ng Van?"Tanong ng di gaanong katanda na lalaki  na may hawak na baril.

"Mga....Apat boss!....Dalawang lalaki at dalawa ring babae...." sagot nito kaya napatango ang lalaking tinatawag nilang boss.

"Just watch them!"utos nito sa mga tauhan  at tumungo naman  silang  lahat.



To be continued........

🚫J

sorry for the typos and wrong grammar!

The Land Of The Dead:RISE OF THE DEAD  (COMPLETED/ UNDER EDITATIONAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon