Chapter 17

548 23 0
                                    

Nakatingin lang ako sa ibaba at kitang kita ko ang mga bahay na parang napakaliit sa aming mga mata. Napaka ganda nitong pagmasdan at isama mo pa ang napakalakas na hangin na humahampas sa mukha mo.

Mula sa magandang tanawin sa baba, hanggang sa unti unti na naiiba. Kung nasa itaas ka ay iisipin mo na pinturang pula lang ang lugar na ito pero ang totoo ay isa itong Lugar kung saan na nababahidan ng dugo at makikita mo ang mga Zombie na gutom na gutom sa laman.

Hindi na Zombie na kakainin lang ay ang utak mo na madalas mong napapanood sa TV pero ang totoo ay pati laman at buto na halos walang matira kahit hibla ng buhok. Ang ilan ay di nila mauubos kaya nagiging Zombie ito.

Nandito na talaga Kami.................................. Ang tinatawag nilang THE LAND OF THE DEAD. Bagay talaga ang pangalan na ito sa lugar nayon.

"Mag Handa na kayo!!...bababa na tayo!.." sigaw ni Zedrick pagkalapag ng helicopter sa itaas ng lumang building. Kinasa mo na namin ang baril pagkatapos ay bumaba na Kami. Nanunuot sa ilong naming lahat ang napakabahong amoy kaya di namin mapigilian mapatakip sa ilong.

"Pwe! Ang baho naman!!...What a warm welcome!!..." rinig kong reklamo ni Rea. Wala akong gana maki reklamo ngayon dahil ang nasa isip ko ay pagkuha sa Cure.

"Nandito tayo sa Building A , 6 red line sa map...kaya bumaba na tayo!" Sabi ni Zedrick dahil sya ang naka assign sa Mapa.

Nakita ko naman ang babaeng malandi na umakla sa braso nya at hinayaan lang nya iyon. Tsk!.

Bumaba na kami at unang bumungad saamin ang gumagapang na Zombie. Agad naman naming itong pinaulanan ng bala. Pero sadya talagang mabilis silang gumapang kaya naman may nakagat rin sila. Pasamat parin kami dahil effective ang armour na sout namin.

"Sa susunod...Magingat na kayo dahil hindi parati matibay ang armour natin. Meron parin itong limitasyon kapag palagi kang papakagat. Dahil mabubutas ito..." paalala ni Zedrick sa kasamahan namin na nakagat.

Naglakad uli Kami hanggang sa narating namin ang pinto palabas sa Building na ito.

Sinira nila ito at sabay takbo palabas. kita ko ang mga dugong nagkalat pati narin ang mga gutom na gutom na Zombie.

May papalapit sa akin na Zombie kaya agad ko itong tinamaan sa ulo kaya sabog. Nakangisi akong hinipan ang dulo ng baril dahil makakawarm up uli ako pero ang kaibahan lang ay Zombie ang kalaban ko hindi gangsters. Well....lets the show bigen.

Tumakbo ako at kumuha ng force sa lupa tapos tumalon ng pagkataas sabay pinagtatamaan ang mga Zombie sa ulo.

"ewwe.... get away from me!!..." napalingon naman ako kay malandi na iwas ng iwas sa Zombie. Napairap naman ako sa hangin dahil di nya ginagamit ang baril nya. Ano yon pang display!

"Babe!...Help me!!..." hinging tulong nya kay Zedrick pero di narinig nito dahil busy ito sa pag patay ng ilan.

Napangiti naman ako at sumandal sa pader staka pinanood ang kaartehan nya.

Ng nakagat sya sa braso ay sobrang tili nya kaya napatawa ako sa mukha nya. Labag man sa kataohan ko ay tutulongan ko na lang sya.

Agad akong tumakbo at hinanda ang dalawang kutsilyo at umikot na sumugod sa mga Zombie.

Lahat sa kanila ay may laslas sa leeg ang natamo at nilagay ko na sa magkabilang pocket sa bewang ang kutsilyo. Ngisihan ko naman ang malandi na nakanganga na nakatingin sa akin.





Vote and Comment dude! 😎

*Ms. J 🤓

rockitty143⚽

The Land Of The Dead:RISE OF THE DEAD  (COMPLETED/ UNDER EDITATIONAL)Där berättelser lever. Upptäck nu