"Makatulak naman 'to!" sigaw ko.

"Huwag kang lalapit ng gano'n kay Yanyan!" possessive na pagkakasabi niya.

"Eh, bakit ba? Pinsan ko naman siya, ah?"

"Kahit na!"

Bakit kasi ayaw pang umamin nitong babaeng 'to?

"Akala mo siguro, iki-kiss ko siya, ano?"

"Oo─hindi!" Rinig ko ang mabilis na pagsinghap niya. Pinandilatan niya ako ng mata. "Syempre hindi!"

"Mukha mo, 'oy! Huli ka na, magde-deny pa. Tingin mo ba, hahalikan ko 'yang slow na babaeng 'yan? Incest ka, 'te!"

Sumimangot at inirapan ako ni Yanyan habang namumula naman si Ate Steff. "Eh, kasi─"

"See? You are jealous. Don't dare to deny it because you are very much obvious." seryosong sabi ko. Para naman silang sira na napanganga sa akin kaya turn ko naman na ngayon para magtaas ng kilay. "What?"

"Iba talaga kapag seryoso ka na, ano, umiinglish." sabi ni Ate.

"Kaya nga, spokening dollar, 'di ko ma-rits! You are so...nosebleeding, pinsan!" dagdag naman ni Yanyan.

Naiinis na binatukan ko sila parehas. "'Di ninyo talaga sineseryoso yung mga sinasabi ko sa inyo, ano?"

"Sineseryoso naman kaso─"

"Kaso ano?"

"Ang creepy kasi pag seryoso ka, nakakagusbamps─"

"Spell goosebumps?" putol ko sa sasabihin niya.

"Uh, g-u-letse." Mukhang napikon na ang babaeng slow. "Oh, siya! Nakakapanindig balahibo na lang!"

Natawa naman si Ate Steff. Pati ako natawa na rin. Siguro, nagkahawa-hawa na kaya lahat kami ay tumawa na lang ng tumawa.

"Alam ninyo, para tayong mga tanga─"

"Kayo lang yung mga tanga, hindi ako." pagko-correct ko na ikina-poker face nila.

"Sana kahit minsan man lang, matuto kang makisakay, 'no?" sabi ni Ate.

"Bakit na naman ba?"

"Wala!" sabay nilang sagot. Inirapan ko lang sila. Para kasing mga sira.

"Ay, oo nga pala." tumingin si Yanyan kay Ate Steff at niyugyog ito. "Steff, ayang kapatid mo, hindi pumasok kahapon."

Tinitigan ko nang masama si Yanyan, "Napakasumbungera mo na talaga Yanyan, 'no? Humanda ka sa─aray!" Nasapo ko ang ulo ko na binatukan ni Ate Steff. Tiningnan ko siya nang masama. "Ano bang problema mo?"

"Mananakot ka na naman! Ikaw talaga!" Pinanlakihan niya ako ng mata. "At bakit hindi ka pumasok kahapon?"

"Excuse me, tinototoo ko yung pananakot ko. " Tinitigan nang masama si Yanyan na nagtatago sa likuran ni Ate. Para namang kinilig itong kapatid ko at nakipag-holding hands pa sa kanya. Nangt-take advantage, ew! "At saka...basta! Pumasok ako."

"Mukha mo, 'oy! Pumasok pero wala sa klasrum? Tapos ni anino mo, hindi man lang namin nakita! Alam mo bang nalungkot si Juliet kahapon?"

"Eh, ano ngayon? At saka, ba't ba siya napasok sa usapan? Wala akong pakialam sa kanya kung malungkot man siya!"

Pero deep inside, parang nakakaramdam ako ng lungkot. Pero slight lang naman. Ay, ewan, hindi ko na ma-gets yung sarili ko. At saka, ayoko naman sabihin sa dalawang 'to kung bakit hindi ako pumasok. Baka pagtawanan ako ng mga 'to kapag nalaman nilang nakatulog ako sa roof deck ng school building. Letse! Kung bakit naman kasi hanggang sa isip ginugulo ako ni Juliet!

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora