"Oh?" patanong na sagot ko.

"Mine..."

"Ano nga?" Pasaway 'tong babaeng 'to, sagana sa mine, eh. Hindi nauubusan.

"Cindy..."

Hindi na lang ako sumagot. Abnormal naman kasi, eh. Napapagod lang ako kakasagot tapos wala namang sinasabi. Shunga lang?

"Yung Ate mo, may gusto ba siya do'n sa pinsan ninyo?" random na tanong niya.

"Sabi na, eh, gising ka na talaga kanina pa!" Hinila-hila ko yung buhok niya sa gigil. Kaya pala parang ang ganda pa rin niya kahit tulog! 'Di man lang natulo yung laway o kaya nakanganga 'pag tulog o kaya humihilik or kahit teeth grinding man lang! Aray lang siya ng aray pero hindi ko siya tinitigilan. Kinukurot ko na nga rin yung braso niya at tagiliran niya.

"Ouch! Stop it! Ang sakit!" daing niya. Tumayo na siya at automatic na nakaalis siya ten feet ang layo sa'kin.

Umismid ako at umirap. Bwisit. "Dapat lang sa'yo yan, 'oy!"

"Sorry na. Ang sarap mo kasing yakapin." Ay, ang ganda ng reason mo, teh! Push natin 'yan, bwisit!

"Whatever. Ano nga ulit yung tanong mo?" pag-iiba ko ng usapan. Tinatamad na rin akong awayin siya alo na at super serious na ng face niya. Baka mamaya ipa-shoot to kill na ako nito.

"Gusto ng sis mo yung pinsan ninyo? Si Yanyan?" pag-uulit niya sa tanong kanina.

Napakamot ako sa ulo ko. Ang sakit naman kasi sa hair ng tanong niya. Ano ba naman kasing pakialam niya ro'n? Like, duh, hindi naman nakakayaman yung malalaman niya. "Uh, oo? Gising ka kanina, 'di ba? So, malamang narinig mo yung landian nila."

"But they're cousin—"

"Hindi."

"What?"

"Tagalog, please."

"Ano?" translate niya. Natawa naman ako pero mga two seconds lang.

"Good." Ngumisi ako. "Hindi sila magpinsan. Stepsister ko 'yon si Ate Steff, so basically, hindi sila magkadugo."

"How come that she fell to your cousin?" Lumapit na ulit siya at naupo na sa tabi ko. Hinayaan ko na lang, basta 'wag siyang lalapit sa'kin ng sobra.

"Edi tanungin mo sila! Malay ko ba kung ano ang love story nang dalawang ugok na 'yon. Basta ang alam ko, inlababo si Ate sa slow kong pinsan, period!" Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na magtatanong ng gano'ng bagay, eh, hinihintay ko na lang na sila mismo ang mag-open sa'kin ng kanilang mga saloobin─wow, saloobin! Big word! Ang deep ko, shit! Tagalog galore pa nga!

Napailing na lang ako nang makita kong ngumingiti siya. Yung ngiti na may halong kilig. Ka-abnormal-an na naman siguro ang naiisip nito.

"Don't you think that's sweet?" tanong niya. Sinabayan niya pa iyon ng hagikhik. Ay, nakow! Sabi na nga ba at iba ang tumatakbo sa isip nito, eh.

"Ano na naman ang sweet do'n?"

"The whole thing!" Sagot niya na para bang mage-gets ko siya. "The main point is...your sister fell in love with your cousin despite of the society's point of view. Biruin mo, they are both girls at kahit saang angle mo tingnan, magpinsan pa rin sila."

Tinitigan ko lang siya ng matagal. Nag-cross arms ako. Parang inulit niya lang yung mga sinabi ko, eh! Dinagdagan niya lang ng English. Mukhang na-gets naman niya ang naging reaction ko kaya napa-face palm na lang siya.

"What I mean is...they made me realize something."

Huminto siya at tinitigan lang ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Okay. So, kailangan ko talagang magtanong? Ayaw na lang diretsuhin para tapos kaagad ang usapan. Tumangu-tango naman siya na mukhang nage-gets yung nasa isip ko dahil na rin sa facial expression ko. Inismiran ko siya.

"Fine...Anong na-realized mo?"

"All is fair in love and war."

"Hindi ko na-gets." Napa-poker face ako.

Naging seryoso ang expression niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "I've decided to do something na alam kong never kong pagsisisihan."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa soft, delicate hands ko. "Kapag may iri-reveal kailangan may pahawak-hawak pa sa kamay? Koreanovela lang? JDrama? Ano 'to, Maalala Mo Kaya? Magpakailanman? Tsansing pa, eh!"

Nag-pout naman siya at naglungkut-lungkutan. "I thought that would work."

"Akala mo lang 'yon." Ito na naman. Hindi talaga ako tatagal sa kanya nang hindi siya tinatarayan. Ako ba yung panira ng moment o siya? Nakakaloka.

"Anyways, back on our topic..."

Ewan ko ba pero...nai-intimidate talaga ako kapag seryoso si Juliet. Parang babarilin ka kapag gumalaw ka. Kainis! Siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito! Dapat ako yung may intimidating aura, eh, hindi siya! Ako kaya yung maganda, duh!

"Cindy."

"A-ano?" pasigaw na tanong ko. Sa nagulat ako, eh! Napatulala na kasi ako sa kawalan. Pisti, nababaliw na yata talaga ako.

"This is my first time to ask this since boys always do the move naturally, but as you can see...I'm a beautiful girl."

Muntik na akong matawa. Wow, lakas maka-I'm a beautiful girl ng babaitang 'to! Pasalamat siya at maganda nga talaga siya kasi kung si Yanyan siguro ang nagsabi no'n, nako, nabutas ko na ulo no'n.

"Pwede bang mag-Tagalog ka? Anong akala mo, hindi ako dinudugo sa'yo? Moderate English, please!" singit ko.

"Stop ruining the moment, Mine." request niya.

"Edi mag-Tagalog ka na," request ko rin.

"Okay, fine." Napa-face palm na naman siya habang napapailing. Maya-maya lang ay tumikhim siya, huminga ng malalim, at dinilaan ang ibabang labi. "Cindy...pwedeng manligaw?"

Speechless. Jaw dropped. Nganga. What the hell...

"Late na, oh, uwi ka na, sige na, salamat sa pang-aabala!" Pinatayo ko siya at hinila hanggang sa pintuan namin. Hindi na siya nakapag-react nang binuksan ko na ang pinto at walang kemeng pinalabas siya.

Sinara ko na kaagad yung pinto. Parang na-drain lahat ng energy ko dahil lang sa taong niya kaya nanlalambot na pumasok ako sa kwarto at sumalampak na lang sa kama. Humarap ako at tumulala sa kisame. Nakakaasar!

Huminga ako nang malalim. Kinapa ko ang chest ko. Lintek naman, Cindy, oh! Anong problema mo? Bakit ang lakas-lakas ng tibok ng puso mo? "Ang gaga mo talaga, Cindy, ikaw dapat yung pinupukpok ng martilyo sa ulo, eh."

Frustrated na napatili ako ng pigil. Abnormal na yata ako, baliw, psycho─lahat na!

Marami nang dumaang manliligaw sa'kin tapos dahil lang sa sinabi ng babaeng 'yon, nababaliw na kaagad ako? Shete naman, oh. Babae lang 'yon, Cindy─oh, well, magandang babae─pero kahit na!

Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang tanong niya. Gusto niya akong ligawan. My gosh. Para akong tanga! Ayoko na! Oh, my gosh, ano ba 'to, Cindy. Kakakilala mo lang sa tao! Ang ganda-ganda ko kaya hindi pwedeng sa mental lang ang bagsak ko. No effin' way!

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon