Pag dating namin ni Joanne sa office back to work agad ako. Gusto kong magpaka subsob sa trabaho para makabawas ulit sa pagiisip.

"Amber," Tawag sa'kin ni Joanne. Tumingin lang ako sa direksyon niya at nakita kong bitbit na niya 'yung bag niya.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya.

Uwian na pala?

"Mag o-O.T pa 'ko, mauna ka na."

"Kung hindi ko alam na nag away kayo ng asawa mo, iisipin kong bumabawi ka sa trabaho."

I chuckled. "'Yun nalang ang isipin mo."

She smiles. "Okay. Mauna na 'ko!"

"Okay."

Binalik ko nalang ulit ang tingin ko dito sa computer ko. Hanggang sa matapos ako ang ikatlong file na binigay ni Mrs. Flores sa'kin. Tumingin ako sa oras mula sa computer ko at naka isang oras na O.T ako.

I decided na mag out na. Tinabi ko nalang muna 'yung folders ko at pinatay 'yung computer tsaka ako lumabas ng office. Dumiretso ako sa kotse ko pero bago pa man ako tuluyang makalapit nakita ko dun si Damon na nakasandal na tila hinihintay lang ako.

Biglang kumirot na naman 'yung puso ko nang makita siya.

Masakit pa din kapag nakikita ko siya at 'yung kalokohan niya agad ang pumapasok sa isip ko.

Napatingin siya sa direksyon ko nang mapansin ako. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa kotse ko tsaka naman ako humakbang papalapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"I came to see you."

"Nakita mo na 'ko, makakaalis ka na." Hinawi ko siya sa daan ko dahil nakaharang siya.

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko nang isasara ko na 'to bigla namang pinigilan ni Damon 'yun.

"Pwede ba 'kong sumabay? Hindi ko dala ang kotse ko dahil coding, tapos mukhang mahirap pang sumakay. Ayos lang ba?"

Oo nga pala, coding siya. So, nag taxi lang pala siya sa pagpasok niya dahil wala ako.

"Sige na. Sumakay ka na!" Utos ko.

Ngumiti ng sobrang laki ang mokong. "Salamat baby. Hindi mo talaga ako kayang tiisin."

"Manahimik ka! Bago pa magbago ang isip ko!" Sinarado ko na tuluyan ang pinto ng kotse tsaka ko ini-start ang makina. Tsaka naman niya binuksan ang pinto sa passenger seat at sumakay.

Sa pagsakay niya sinimulan ko agad ang byahe.

"Baby," Tawag niya sa'kin habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Binuksan ko nalang ang radio sa kotse ko para ipaalam sa kanya na ayaw ko siyang kausapin.

Hindi naman siya nagsalita na pero may inabot siya sa'kin. Nang tignan ko 'yun, cellphone ko ang nakita ko.

"Bakit dala mo 'yan? Chini-check mo ba kung mag te-text sa'kin si Ian?" Tanong ko.

"No! Dinala ko 'to para ibigay sa'yo."

Kinuha ko nalang 'yun at nilagay sa bag ko tsaka ako nag focus sa pag mamaneho ko. Hanggang sa 'yung pag mamaneho ko ay makarating sa Unit. Diniretso ko 'to sa parking, pag park ko pinatay ko agad 'yung makina.

"Kukuha lang ako ng ibang gamit bago umuwi." I inform him. Baka kasi iba isipin niya sa paghinto ko dito eh.

"Okay." Matipid niyang sabi.

Sabay na kaming bumaba sa kotse ko. Sabay din kaming nag lakad papuntang elevator. Pero kung noon clingy ako sa kanya kahit nasa elevator lang kami ngayon isang tao na ang pagitan ng layo namin.

"Baby," Tawag niya nang makasakay kami ng elevator. 

"Alam kong galit ka pero ayos lang bang umuwi ka na sa Unit natin? Kung ayaw mo pa muna akong makatabi sa sala nalang muna ako matutulog. Kung ayaw mo din akong kausapin ayos lang, hindi ako magsasalita hangga't hindi mo 'ko kinakausap. Ang gusto ko lang makita at makasama ka, please?"

"Pagiisipan ko."

Nang mag bukas ng elevator ako na ang na unang lumabas. Dahil may susi naman ako kaya ako na ang nag bukas ng pinto.

Dumiretso ako sa kwarto namin, sinimulan ko agad ang i-empake ang iba kong gamit.

"Nasasaktan akong nakikita kang nag e-empake." Dinig sabi niya mula sa likod.

"Nasasaktan din ako sa ginagawa ko."

"'Wag ka na kasing umalis."

"Madali sabihin 'yan pero anong gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko?"

"Hindi ko alam. Siguro mababaliw ako."

"'Yan ang eksaktong nararamdaman ko."

Dagdagan mo pa ng ex. na may feelings pa sa'kin. Sobrang sakit na sa ulo nun!

Natapos na ako sa pag e-empake ko at tingin ko naman ay kumpleto na 'yung kailangan ko.

"Masyado naman atang madami 'yang bitbit mo." Kumento niya.

Hindi nalang ako umimik at humarap nalang sa kanya nang bitbit na ang gamit ko.

Nag simula na akong mag lakad pero nahinto din agad dahil nakaharang siya sa pinto.

"Aalis na 'ko! Alis dyan!"

"Hindi na ba talaga kita mapipigil?"

"Hindi na!"

"Paano kung pigilan pa din kita?"

Ayoko nang hintayin 'yun.

"Alis na dyan!!"

Finally umalis din siya sa daan kaya nasimulan ko ulit ang mag lakad pero, napahinto ulit ako dahil sa pagyakap niya sa'kin mula sa likod ko.

"Erase it." He murmured.

"What?"

"Her kiss. Erase it. Kiss me."

Erase that bitch's kiss?

Hmm. Good idea!

Nilapag ko 'yung bag ko. Humarap ako sa kanya tinulak ko siya hanggang sa mapasandal siya sa pader. Hinawakan ko siya sa kwelyo niya, hinila ko ito para magkalapit ang mukha namin tsaka ko siya hinalikan sa labi niya.

I kissed him, aggressively. He respond, hugging my waist. Our tongue intertwined, salaciously.

I break the kiss, breathlessly. I stared at his eyes. Maliban sa nakikita kong bitin siya, nakikita ko ang pagka-miss niya sa'kin.

"Nothing's change. I'm still mad at you." I turn around and grabbed my bag again then sinimulan ko na ang mag lakad palabas ng Unit.

--

WATTPAD PRESENTS UPDATE:

Hi babies, baka ma-delayed ipalabas ang Episode ng I'm making out with the playboy at school sa Wattpad Presents. Hindi na muna ako mag bibigay ng date, tignan nalang natin sa page ng Wattpad Presents kung kailan talaga. Hahaha. Pasensya na po akala ko din kasi talaga sa May 27 na, 'yun kasi ang text ng producer sa'kin. Hahaha. Anyways hahaba pa kunti ang pag hihintay natin. Abang-abang lang babies. 😘

Making Out With My Playboy Husband (Book2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें