Chapter 47: Revelation

9.7K 320 26
                                    

Omo! Revelation na kaya ibig sabihin niyan malapit na ang ending! Ang sad naman >_<

****

Ash's POV

Isang linggo na simula ng mangyari yung aksidente pero hindi pa rin siya nagigising. Nakabisita na din dito si Lolo pero madalas na si Zach yung nakabantay kay Aya at ngayon pinakain muna namin si Zach kaya ako muna ang bantay

Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan yung likod nun. Gumising ka na kambal. Miss ka na ni Kuya. Hindi ka ba napapagod humiga diyan? Saka malapit na birthday natin kaya dapat gumising ka na kasi ikaw lang yung makakasagot sa mga tanong

"Gising na kambal" bulong ko dito

Tumayo na ako at umupo sa sofa sakto din na dumating si Zach. Umupo siya sa dati niyang pwesto sa upuan sa tabi ng kama ni Aya habang hawak yung kamay niya

Wala yung iba dahil may pasok tanging makulit lang kami ni Zach at hindi pumasok para bantayan si Aya lalo na at wala siyang bantay maliban sa bodyguards sa labas. Siya nga pala alam na namin nila Lolo na alam na ni Zach ang tungkol sa katauhan ni Aya at nagulat pa siya ng malamang kakambal ako ng girlfriend niya

"Aya gumising ka na. Marami kaming naghihintay sayo" dinig kong sabi niya dito at nagulat kami ng biglang gumalaw yung daliri niya

Unti unti namang minulat ni Aya yung mata niya. Gising ka na kakambal ko. Mabilis akong lumabas at inutusan yung bantay sa labas na tawagin yung doktor

Pagdating ng doktor ay sinuri niya muna ito

"Maayos naman ang lagay niya at kailangan niya lang manatili ng tatlo pang araw para sa ibang test" sabi nung doktor bago lumabas

Lumapit naman ako kay Aya at hinawakan yung kamay niya

"Kamusta ka? Namiss kita kambal" sabi ko sakanya at sinuklian niya lang ako ng ngiti

~#~

Aya's POV

"Kumain ka pa" sabi ni Zach at nilagyan ng hiniwang apple yung plato ko

Kinain ko nalang yun at hindi maiwasang mapatitig sakanya habang patuloy na nahihiwa ng apple

Kahapon lang ako nagising at bukas na ako madidischarge. Wala pa ring pinagbago yung mukha niya actually mas gumwapo siya

"Baka matunaw ako kakatitig mo" sabi niya at nilagay yung mga nahiwa niyang apple sa plato ko

"Ang gwapo mo kasi" pang-aasar ko sakanya

Kumunot ang noo nito bago nagsalita

"Matagal ko ng alam yan"

"Hangin mo"

~*~

Mabilis lumipas ang oras at discharged na ako. Kasalukuyan akong nakatanaw sa labas ng bintana habang nagdridrive si Zach. Nag-insists siya na siya nalang yung maghahatid sakin sa mansyon na hindi naman tinanggihan nila Lolo

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mansyon. Pagpasok ko palang ay sinalubong na ako ng mga nakahilerang butlers at maids

"Welcome back, young lady" sabay sabay nilang bati

Nginitian ko lang sila at dire-diretsong naglakad hanggang sa sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Lolo

"I miss you Apo"

"I miss you too"

Pagkakalas niya ay niyakap naman ako ni Kuya Aaron at Kuya

"Kumain na tayo. Hinanda namin lahat ng paborito mo" sabi ni Lolo at pumunta na kami sa dining area

Masaya kaming kumain hanggang sa buksan ni Lolo ang isang topic

"Malapit na ang birthday niyo. Nakakaalala ka na ba apo?" tanong ni Lolo

Nginitian ko siya ng matamis bago tumango

~*~

Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng human sized mirror dito sa kwarto ko habang nakatingin sa repleksyon ko

Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ang kaarawan naming kambal

Naka off shoulder ako na blue dress na hanggang talampakan ang haba at medyo mahaba yung sa likuran. Plain lang siya pero maganda then may design na bulaklak yung manggas niya. Kinulot yung dulo ng buhok ko at nilagyan ng white flower crown yung ulo ko. Nakasuot naman ako ng 3inches white heels. Nakalight make-up lang ako

Hindi ko sinuot yung glasses ko at sa halip ay nag contact lense nalang ako. Hindi ako makapaniwala na ako yung babaeng nakikita ko ngayon

Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok doon at nakita ko yung kambal ko na pumasok

Nakasuot siya ng blue polo at itim na slocks at may ribbon siya

"You look gorgeous" nakangiting puri niya sakin

"You look handsome" ganting puri ko sakanya

Napatawa naman kaming dalawa bago niya ako inaya na lumabas. Nakahawak ako sa braso niya habang naglalakad kami papunta sa staircase pababa

Nandito kami sa pinaka-main mansion ng Alcantara mas malaki ito kaysa sa mansion na tinutuluyan namin dati at hawig sa mansion namin sa Japan

Nung nasa pinakataas na kami ng hagdan at nagsalita yung parang emcee

"Let's give a round of applause for the lost twin of the Alcantara Family. The birthday boy and girl. Let us all welcome Ashton Zion and Ayako Zein Alcantara!" mahabang introduction niya

Kasabay non ang dahan dahan naming paglalakad pababa habang nakangiti

Kita ko ang gulat sa mukha nilang lahat. Hindi nila inaasahan na kami ang nawawalang kambal na Alcantara at buhay kami

Imbitado ang mga business partner ng pamilya namin, mga kaibigan namin at yung mga kaklase at ilang schoolmate namin

Ngayon nakikita nila yung babaeng binubully nila noon ay isang heiress pala

Pagdating namin sa baba ay sinalubong kami ni Lolo at Kuya Aaron ng yakap. Bago pala kami bumaba ay nakapagspeech na sila tungkol sa mga nangyari sa amin dati

Umupo kami ni Kuya sa table nila Zach. Pagkaupo ko ay agad na hinawakan ni Zach ang kamay ko at pinisil

"Hi gorgeous"

"Hi handsome"

"OMG I can't believe it! Best friend bakit hindi mo sinabi sakin?" sabi ni Hails

Nakangiti siya pero kita ko na medyo naluluha siya

Nginitian ko lang siya dahil naalala ko yung nangyari dati. Hindi ko pa kasi siya nakausap noong nasa ospital pa kami

"Ash hindi mo manlang sinabi samin" nagtatampong sabi ni Josh at kunwaring sinuntok yung braso ni Kuya

"Edi hindi na surprise" sagot ni Kuya

Napatawa naman kaming lahat

"Pero seryoso hindi talaga ako nakapaniwala" sabi ni Josh

Nakita kong hindi na umimik si Hails pagkatapos niyang magsalita kanina. Naalala mo ba?

Malungkot akong napangiti habang nakatingin sakanya at ng mapansin ko na titingin siya sakin ay tumingin ako sa mga kasama ko at nakisama sa usapan nila

Alam kong may dahilan ka kung bakit mo nagawa yun. At iyon ang aalamin ko

*****

Thanks for reading!!!

Pasensya na feeling ko ang panget ng chapter na ito

Nerd to PrincessWhere stories live. Discover now