Chapter 27: The Ghost Of The Past

Começar do início
                                    

"Kuya, balikat lang po ang kita at hindi ang aking kaluluwa. At sa bar po kami tutugtog kaya hindi pwede na pang-manang ang damit ko. Kasama din si Mike kaya may bantay ako."

I heard him sigh. Then he grabbed my hands and kissed the top of right hand. Ganyan ka-sweet sa'kin si Kuya, sa akin lang kasi yung ganyan kasi si Mike sinusuntok niya haha, and that's my clue na tanggap niya ang explanation ko.

"Be careful okay?"

"Always Kuya. You taught me some pretty awesome moves so siyempre kaya ko ang sarili ko." Pagkasabi nun, I kissed the top of his head. Ganyan din ako ka-sweet sa kanya, sa kanya din lang haha. 

"Langgamin kayo diyan.." singit ni Mike na ngayon ay nakatayo na pala sa may pintuan at nakapamey-awang pa.

"Wala kang pakialam!" sabay pa kami ni Kuya na sinabi yun.

Kaya na lang halos malukot na ang mukha ni Mike sa pagkakasimangot. "Kapatid ko ba talaga kayo? Sabihin niyo nga AMPON BA AKO?!"

Pinagtawanan lang namin siya ni Kuya. Matapos nun ay nagpahatid na kami kay Kuya Ronald sa gig namin, driver siya ni Kuya Fritz. Dapat nga si Kuya ang maghahatid sa'min kaso may operation daw siya kaya si Kuya Ronald na lang. 

Pagdating namin sa lugar nagtuloy na ako sa backstage samantalang si Mike ay naiwan sa may bar. Kakaupo niya pa nga lang sa stool kalandian niya na kaagad yung bartender na babae. Tch! 

"Baby..."

Lumingon ako at automatic na ngumiti. Sinalubong niya ako ng yakap na sinuklian ko naman.

"I missed you..."

Napatawa ako. He's so sweet. "Grabe ka. Nagkita naman tayo kahapon ah..."

"But I still missed you. Gusto ko lagi kitang kasama. Gusto na nga kitang mapakasalan."

Napatawa na naman ako. "We're still under-age Nick. But I missed you too..."

Aktong hahalikan niya na ako but I averted my face kaya sa pisngi niya ako nahalikan. 

"Baby naman. Hindi pa din pwede?"

Umiling ako habang naka-ubob ang mukha sa balikat niya. Four inches lang kasi ang tangkad niya sa'kin tapos naka-heels pa ako ngayon. "Sorry baby... please understand. Hindi pa tayo official..."

"Because you're older brother still doesn't know about us?"

Tumango ako. "Sorry baby... hindi ko pa din nasasabi sa kanya. Natatakot kasi akong magalit siya sa'kin...."

"Then ako ang magsasabi sa kanya..."

"GUYS MALAPIT NA MAG-START KAYA BAKA PWEDE NA KAYONG MAGHIWALAY DIYAN?! DAMI NG LANGGAM!!" sigaw sa'min ni Troy, ang drummer ng band namin, ang Unknown St. Ang weird di'ba?  Exordium dati ang pangalan ng banda nila pero nung makasama na ako pinalitan nila ng Unknown St. kasi dun sa isang hindi namin alam na street sa may campus kami nagkakilala. 

Nakatambay sila dun at ako naman ay para daw inihulog ng langit sa tapat nila. Kapag naaalala ko kung paano kami nagkakilala natatawa talaga ako. 

"Anong nakakatawa?" tanong ni Nick. Natatawa ko pa ding sinabi sa kanya kung bakit. Napatawa din siya. "Paano ba naman kasi bigla ka na lang nalaglag sa harap namin. Naka-white ka pa na dress. Kaya akala namin na may nalaglag na anghel."

"Tumakas nga kasi ako dun sa boring na recital, eh naka-lock yung gate kaya lumiban ako ng bakod."

"Astig talaga ng girlfriend ko. And I also remember that you we're wearing pink panties that day..."

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Onde histórias criam vida. Descubra agora