Habang naghahanap, naisip ko na naman kung gaano ka-cliche itong ginagawa ko─not to mention na Romeo ang name niya at Juliet naman ang akin. It's funny thinking about it. Hindi ko maiwasang mapailing sa naisip habang napapangiti.

"Please accept my confession."

I stop midway when I heard a familiar voice. Boses 'yon ni Romeo at nanggagaling 'yon sa likod ng isang building. Hindi gaanong rinig ang music na nagmumula sa hall sa part na ito. Napangiti ako ng malaki. Dahan-dahan akong naglakad palapit kahit na excited na akong malapitan siya.

"Romeo."

I almost stop on my track when I heard another voice. Nagtago ako sa may likuran ng malaking puno hindi kalayuan sa kanila. Kitang-kita ko si Romeo—at may kasama siyang babae. Magkayakap sila. Yung yakap na minsan ko ring hiniling na maranasan sa kanya.

Bumibilis ang tibok ng puso ko. I touch my chest and breathed slowly. Nervous. I'm nervous na baka tama ang hinala ko sa mga nangyayari.

"I love you, Romeo."

"I love you, too."

I bit my lower lip. At tama nga. They justified my hunch. Okay na 'yong narinig ko, eh. Dinagdagan pa. After that confession, they sealed it with a kiss like what usually happens in a fairytale or any other romantic story. That kiss is the most passionate kiss I have ever seen.

Unti-unting bumagal ang tibok ng puso ko hanggang sa halos wala na akong maramdaman. It's a heavy feeling like the gravity is pulling my heart down and it hurts. Can it be possible? Ganito pala kasakit ma-brokenhearted. Kahit ready ka sa pain, iba pa rin yung impact. Alam mo iyon, para kang binagsakan ng hollow blocks sa ulo sa sobrang sakit.

I want to turn my back and go but I can't. Ang hirap naman nito. Parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Ano bang laban ko? They love each other. I'll just be a hindrance and I don't want that. Kahit gusto ko lang siya, masakit pa rin. Ang lapit na kaya, konting abante na lang, oh, mai-in love na ako.

Can I say that love is also a matter of time?

I am breathing heavily. I can feel  my eyes watering. Damn, I have to stop it but how? I don't want anyone to see me like this. I'm brave, and I know my place. I should resist the idea of crying. Biglang may nagtakip ng mga mata ko nang akmang tutulo na ang luha ko. Natigilan ako. Ang lambot ng kamay. That's what I noticed. I bit my lower lip, I was seen!

"Tanga ka rin, 'no." wika nitong nagtakip sa mga mata ko. Medyo maangas ang pananalita nito pero may lambing. I frown when I realized that it's a girl. "Masakit na nga, tinitingnan mo pa."

Inalis na niya ang kamay sa mata ko and she pull me away instead—away from that scene that is breaking my heart. She never let go of my hand. I don't know why but I just found myself running away with her. I don't even have any ounce of hesitation, it's like her presence is so enough to make me follow her. It take us a while bago makarating sa isang kubo na property pa rin ng school.

I'm panting a bit. Medyo may kahirapan din naman kasing tumakbo ng naka-gown. Pumasok na kami sa loob at umupo. Katabi ko lang siya pero hindi ito nagsasalita. She looks arrogant despite the sweet face.

"Thanks for saving me there." I smile a bit.

Tinaasan naman niya ako ng kilay na ikinatigil ko. Ang amo ng mukha niya kanina, biglang naging masungit.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now