Mendy's PoV
Masiyado nanamang tahimik
Wala nanaman akong halos mafeel
Saan kaya ako dadalhin ng sarili kong paa?
Nakakalungkot isipin na ang tanging nakakausap ko lang ay ang aking sarili
Kailan kaya ako makakakita ng isang taong makapagpabago ng aking buhay?
Kailan ko kaya mararamdaman na hindi ako nag-iisa?
Naglalakad ako sa isang mapunong lugar kung saan malayo na sa bahay namin. Sobrang tahimik dito at masarap ang simoy ng hangin at may napakagandang tanawin para sa akin. Dito ako napapadpad kapag niyayakap nanaman ako ng aking Mabutihing matalik na kaibigan na si kalungkutan. Dinalaw nanaman niya ako kanina kaya nandito nanaman ako. Mag isa, nag-iisa, walang kasama.
"Hahahahahahaha" Tumatawa nanaman ako sa mga naiisip ko. Nakakatawa naman kasing lagi nalang pumapasok sa isipan ko ang mga salitang pang walang kasama hanggang sa mag babago ng mabilisan ang ekpresyon sa mukha ko ng dahil sa marerealize ko nanamang mag isa nga talaga ako.
Labing limang taong gulang na ako ngunit ni isang kaibigan wala ako. Weird? Ne, very weird! Sino naman kasing maniniwala sa 15 years na paninirahan ko sa daigdaig na 'to ni isang kaibigan wala ako?
Ganito kasi yan. Dito sa lugar kung saan kami naninirahan masasabi kong kami ni Mama at ng katulong namin na si Ate Neri lang ang tao sa lugar na 'to, dahil never akong nakakita ng ibang tao sa buong buhay ko.
Si Mama at ate Neri ang tanging naging teacher sa buong buhay ko. Pero madalas self-study ang ginagawa ko dahil sa mga tanong ko na iniiwasan nila. Na nakakasakit ng damdamin dahil ni isa sa kanila walang handang sumagot.
Malaki ang aming bahay kung inyong titignan. Malayo palang inyo ng matatanaw ng dahil din sa maganda ang pagkagawa nito. Ang kaso nga lang tatatlo lang kaming nakatira dito. Masiyadong nakakalungot. Wala rin akong ideya kung ilang taon na 'tong bahay namin. Dahil kahit anong tanong ko kay mama tungkol sa bahay na tinitirahan namin at kung bakit dito sa walang katao tao kami natakatira hindi niya ako kinikibo. Ilang beses ko narin siyang tinanong kung kailan ako makakapunta sa "City" na nakapagbighani sa akin na nabasa ko sa isang Libro na nasa aking Librarya. Marami na akong nabasang magagandang lugar higit dito sa Paborito kong padparan.
Kakalakad ko napunta ako sa Punong hindi ko pa napupuntahan. Napahaba siguro ang lakad ko kakaisip sa mga bagay bagay.
Napakaganda ng puno. Naiiyak ako sa sobrang tuwa ng dahil may bago nanaman akong nasaksihan na sa libro ko lang nababasa.
Ang Enchanted Tree
"Ahhhhhhh takbooo!" sigaw ng lalaking hindi ko pa masiyadong maaninag ng malinaw ang kanyang mukha.
Natulala ako. Masaya? Masaya ba ko? Alam ko masaya ako pero bat naiiyak ako? Bakit? Siguro ito ang sabi sa libro na tears of joy.
"Sabing takbo!" sabay hablot niya sa braso ko at sabay na kaming tumatakbo
Hindi ba ako nananaginip? Totoo ba 'to? Walang halong biro? As in?
"Ok ka lang?" tanong niya sakin ng winiwave niya pa yung kamay niya sa mukha ko dahil malamang at feel ko rin na kanina pa ko nakatitig sa kaniya.
Hindi ko alam kung nasaan na kami pero nakikita kong kaming dalawa lang ang nandito sa cave? Cave ang tawag sa isang parang bahay na bato ngunit walang pinto 'diba? Basta yun na yun
Ang saya ko. Hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya dahil sa araw na ito. Araw na hindi ko makakalimutan. Naiiyak nanaman ako. Kanina pa tumutulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan dahil napakasaya ko.
Tinititigan ko ang mga matang tanging sa libro ko lamang nababasa. Mga mata niyang nagniningning. Ang ilong niyang mataas, ang labi niyang malacherry sa pula at ang Jaw line niya..... Ang katawang hindi gaano katikas ngunit may pakiramdam akong ngayon ko lang naramdaman. first time kong mag init. Ewan pero iba ang daloy ng dugo ko ngayon. Teka, parang----
"Hey are you okay?"
Parang nabasa ko na to eh.
"tinatanong kita, ok lang ba? Nasaktan ba kita sa pag kakahila ko sayo? Taga saan ka?"
Oo sa Psychology book. Science! Doon ko nabasa kaso bat parang ang labo sa isip ko?
"Hello!? Are you even with me? Are you on your mind?----"
"Sumama ka sa amin bata" Nagulat ako ng biglang may dalawang taong naka black suit na lalaki na kinuha si Ano. Wow! Hindi ko akalain na ito na ang pinakamasayang araw dahil sa mga taong ibang mukha nanaman akong nakita pero bakit? Bakit nila kukunin si Ano? Anong pangalan niya?
"Get your hands off" Matapang na sigaw ni Ano. Muntik na siyang makawala pero sadyang malakas ang dalawang may matipunong katawan
"Wait Sino kayo? Bitiwan niyo siya!" Sigaw ko sa kanila sabay hablot ko kay Ano pero agad din nilang hinablot ulit sa akin.
"Patawad ngunit kailangan namin siyang dakpin" paliwanag ng isa sa lalaking naka black suit
"Ano bang kailangan niyo! Gusto ko lang makita kung anong nasa loob ng lugar na ni isang tao walang nag tangkang pumasok! Ang tagal ko ng gustong makapasok dito tapos wala pang isang oras kukunin niyo agad ako? Anak ng teteng naman oh! Bat ang bilis niyong tumakbo?" Pag papaliwanag niya.
"Hindi mo alam kung anong gulo ang iyong pinasok bata" nakakatakot na pag kasabi ng isa sa naka black suit na may matipunong katawan
Pero ano!? May nag babantay sa bawat dulo ng malawak na lugar na to?
"Gusto ko pa siyang makausap! Ngayon palang nag balik sa normal ang aking pag iisip! Marami pa akong gustong itanong! Ano ba bitiwan niyo siya!" Pag yugyog ko sa kanila ngunit hindi ko sila kaya. Kaya parang hindi manlang sila nakagalaw sa kung saan sila nakapwesto.
Gusto ko pa siyang makausap!
"Patawad" Sabay nilang sabi ng naka black suit na may matipunong katawan. At humakbang na sila papalabas. Sinundan ko sila para pigilan. Ngunit, ngayon ko lang napag tanto na may kakaiba silang dala at ipinasok nila si Ano sa loob
"Teka anong pangalan mo!?" Sigaw ko sa kaniya ng dahil sa may tunog na biglang bumalot sa mga huni ng ibon at sa ibat iba pang uri ng tunog ng hayop sa paligid.
"DONG WOOK"
At tuluyan ng nakaalis ang bagay na kanilang sinakyan.
YOU ARE READING
Been Crazy
RandomHi, Im Mendy Mendy Mendoza Want to know my story? H'wag kang masiyadong seryoso haha okay..... Here we go~ Ako si Mendy Mendoza. Lumaki ako sa isang hindi masasabing Pamilya. Ewan ko lang sa inyo kung paano niyo tawagin ang isang ito dahil para sa...
