Salamat naman kahit na nag tatakaw ako ngayon, walang negative comment ang asawa ko. Kumakain lang din siya tulad ko.

Sa pag tapos naming kumain ng asawa ko...

Nag tawag ulit kami ng waiter para ibigay naman 'yung bayad namin. After naming mag bayad, lumabas din naman agad kami.

Dumiretso kaming dalawa ni Damon sa kotse, pagsakay namin sinimulan agad namin ang byahe pauwi. Ngayong nakakain na 'ko gusto ko namang matulog. Sana makarating na kami..

Nang makarating kami finally sa parking ng condominium. Bumaba na kami sa kotse, kinuha niya mula sa backseat 'yung bag. Bag ko lang dahil nadala naman na niya 'yung gamit niya noong umuwi siya.

Lumapit siya sa'kin at hinawakan agad ang kamay ko tsaka kami sabay na nag lakad papalapit ng Elevator. Sa pag sakay naman namin dito, feeling ko napagod ako sa byahe kaya isinandal ko ang ulo ko sa balikat ng asawa ko habang nakahawak bewang niya ang kamay ko.

Pag bukas ng elevator, bigla akong binuhat ng asawa ko na parang newly wed lang na ikinagulat ko.

"What are you doing?" I asked, giggling.

"Pagod ka na kasi kaya binubuhat lang kita."

"Baby, mabigat na 'ko."

"I'm aware of that, baby."

Loko 'to! Hindi manlang nangbola na kunti lang. Talaga ngang sinabi na mabigat ako.

Kung sabagay totoo naman.

Naka pasok kami ng Unit ng asawa ko na buhat-buhat niya lang ako at ganun din ang bag ko. Grabe, ang lakas niya.

Diniretso niya kaming dalawa sa kwarto namin. Una niyang binitawan ang bag, sunod naman inihiga niya 'ko sa kama tsaka siya puma-ibabaw sa'kin. Hinalikan niya lang ako ng smack sa labi tsaka siya humiga sa tabi ko.

"Welcome home, baby." He said.

"Mmm." I just hummed, smiling.

"Sinong mauunang mag shower?" He asked.

"Ako na muna." Hinakbangan ko siya sa pag bangon ko ng kama. Kinuha ko 'yung towel na naka sabit sa tabi ng pinto tsaka ako pumasok ng bathroom.

After ko namang mag shower, lumabas ako ng bathroom ng naka tapis lang ng tuwalya ang katawan.

Nakita ko lang 'yung asawa ko na nakahiga pa din sa kama na tila ang lalim ng iniisip.

"Ikaw naman." I told him kaya napunta sa'kin ang atensyon niya.

Bumangon na siya ng kama habang ako naman humarap sa closet para naman mag hanap ng pang bihis. Ang kinaganda lang siguro ng paguwi ni Damon nang maaga dito, malinis ang Unit.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Damon sa bewang ko at humalik pa muna sa balikat ko bago siya tuluyang pumasok ng bathroom.

Sinimulan ko na ang mag bihis ng t-shirt niya at short. After kong gawin 'yun, umupo ako sa harap ng salamin habang pinupunasan ang basa kong buhok.

Sinaksak ko naman ang blower para mas mabilis matuyo ang buhok ko.

Sa pagtapos kong mag blower, saktong labas naman ng asawa ko sa bathroom.

Nag lakad naman ako papalapit ng kama. Humiga ako habang pinagmamasdan naman ang asawa ko sa pagpupunas niya ng buhok niya.

Nang matapos naman siya. Tinabihan din naman agad niya ako. Hinawakn niya 'yung kamay ko at pinayakap sa kanya. Pinagamit naman niya ang braso para gawin kong unan.

"Gusto mo ng bedtime story, Mrs. Lawrence?" He asked making me giggle.

"'Yung love story lang naman natin ang iku-kwento mo eh."

"No. Iba 'to."

"Really?"

"Yup!"

"Okay, let me hear it." Ipinikit ko ang mga mata ko para simulan ng makinig.

"May isang gwapong lalake, kasal na siya at mahal na mahal niya ang asawa niya. Sa sobrang pagmamahal niya dito, nagiging seloso siya. Sobrang, seloso siya. Hindi niya magawang pigilan ang pag seselos niya, sinusubukan niya pero hindi talaga niya kaya. Hanggang isang gabi 'yung pagseselos niya umabot sa sukdulan dahil hindi niya kasama ang asawa niya. Magkalayo sila. Ang asawa niya nasa bahay ng magulang niya at kasalukuyang nasa Alumni nila. Habang 'yung lalake naman, nasa bahay nilang dalawa at iniisip ang asawa niya. Tinawagan niya 'to at dun nalaman ng lalake na nandun pala ang ex. ng asawa niya. Kasama niya ngayon sa Alumni nila. Hindi niya napigilan ang selos niya at inaway niya 'to. Hindi 'yun nagustuhan ng asawa niya kaya nagka sagutan sila. Pinilit ng lalake na pauwiin siya pero hindi ito pumayag. Sinabi nalang ng lalake na pupuntahan siya nito, kaso hindi din siya pumayag dahil nagaalala siya at gabi na rin 'yun. Hindi napigilan ng lalake na magalit kaya pinatayan nalang niya ang tawag. Umalis siya ng bahay at nang punong-puno ng pagseselos sa dibdib niya. Na i-imagine kasi niya ang asawa niya na kausap ang ex. niya at hindi niya matanggap 'yun. Gusto niya 'tong puntahan kaso pinag bawalan siya ng asawa niya kaya ang naisip nalang niya ay... pumunta ng Club."

I slowly open my eyes and looked up at him. Nakita ko siyang naka pikit lang ang mga mata niya habang tila iniisip ang ginawa niya noong Alumni night ko.

Yah! Alam kong kami ang tinutukoy niya, obvious naman eh.

"Uminum siya sa Club dahil sa sobrang galit at may nakita siyang isang dating kakilala. Babae ang dati niyang kakilala. Nagkainuman sila ng kunti at nagka kwentuhan. Nabanggit niya sa babae ang tungkol sa pagseselos niya. Sinubukan ng babae na i-comfort siya. Niyaya niya 'tong sumayaw sa dance floor. Pumayag 'yung lalake kahit medyo nag he-hesitate. Sa gitna ng pag sasayaw nilang dalawa at pag e-enjoy, bigla siyang hinalikan ng babae. At sa sobrang ka-gaguhan ng lalake, nag repond siya. Huli na ng ma-realize ng lalake na, niloloko na niya ang asawa niya. Dali-dali niyang iniwan 'yung babae sa dance floor at lumabas ng Club. Sumakay siya sa kotse niya at nag maneho. Nag maneho lang siya ng nag maneho na puro mura sa sarili ang sinasabi at habang iniisip kung anong magiging reaksyon ng asawa niya kapag nalaman niya 'yun. Hanggang 'yung pag mamaneho niya, dinala siya kung nasaan ang asawa niya-"

"Tama na!" Pagpuputol ko. Umupo ako mula sa pagkaka-cuddle ko sa kanya. Humawak ako sa dibdib ko naramdaman ko ang matinding kirot sa puso ko at pag tulo ng luha ko.

"Si Lexi ba 'yung babaeng 'yun?" Tanong ko.

"Oo."

Damn it!! Kaya ba hindi makatingin sa mata ng asawa ko ang babaeng 'yun kanina nung makasalubong namin siya? Dahil hinalikan niya 'yung asawa ko?!! Ang lakas ng loob niyang kausapin pa 'ko!

"Bakit mo ginawa 'yun?"

"I'm sorry, baby."

Umalis ako ng kama ng at humarap sa kanya ng may luha sa mga mata ko.

"Sorry? Tingin mo ba lahat, madadaan sa sorry mo?! Napaka gago nitong ginawa mo! Dahil lang sa pag seselos mo naisip mong mag cheat? Paano kung mag selos ka ulit? Uulitin mo ang pang chi-cheat sa'kin?"

He shakes his head. "No! Hindi na mauulit 'yun, baby."

"Hindi ako naniniwala!"

Nag lakad ako papalapit sa closet, kumuha ako ng damit. Kumuha din ako ng bag para dito ilagay ang gamit ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"Sa Apartment na muna 'ko!"

Narinig ko ang pag hakbang niya papalapit sa'kin tsaka niya inagaw 'yung bag sa'kin.

"No! I won't allow that! Let's fix this 'wag kang umalis."

Inagaw ko pabalik ang bag. "Aalis pa din ako!"

Tinalikuran ko na siya, kumuha ako ng sandals at sinuot 'to tsaka ako nag lakad palabas ng kwarto pero bago ko pa magawa 'yun, pinigilan niya 'ko sa pamamagitan ng pag hawak sa braso ko.

"Baby, please pag usapan muna natin 'to." He begged.

Hinila ko lang ang braso kong hawak niya tsaka nag patuloy na mag lakad paalis ng Unit.

--

Keep voting. ☆

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Onde histórias criam vida. Descubra agora