Chapter 38 - Hades and Persephone (Part 1)

Beginne am Anfang
                                    

"P-paumanhin." tanging nasabi ni Persephone.

"Wala kang dapat ikabahala, sanay na ako at wala akong dalang gulo. Nasabi lamang ni Ares na kung gusto ko daw tumakas sa malungkot kong kaharian dito daw ako pumunta sa iyong isla dahil napaka ganda daw dito, at totoo nga ang kanyang sinabi. Pwede ba dumito muna ako?" sabi niya saka umupo habang nakapalibot sa katawan niya ang mga bulaklak.

"W-walang problema." sabi ni Persephone. Nakita ko namang nginitian ulit siya ni Hades.

"Maraming salamat, pwede mo ba akong samahan umupo dito? Napaka bango ng mga bulaklak at ang gaganda pa ng mga kulay nito." sabi ni Hades habang hinahawakan ang mga bulaklak na para bang mga porselana ito at madaling mabasag.

Sumunod naman si Persephone at dahan-dahang umupo sa tabi ni Hades.

"Ikaw lang ba ang gumawa ng isla nato?" tanong ni Hades habang nakatingin sa kapaligiran.

"Oo. Ayokong tumira sa Olympus, dahil wala silang ginawa kundi ang mag palakasan ng kapangyarihan. Nakakasawa. Mas gusto ko tahimik at magagawa ko lahat ng gusto ko. Medyo malungkot lamang dahil ako lang mag isang naka tira dito." kwento ni Persephone.

"Tama ka. Nakakasawa puro kapangyarihan nalang ang kanilang bukang bibig. At dahil sa kapangyarihang din yun pinatapon ako ng mga kapatid ko sa underworld para pamunuan at di na manirahan sa Olympus. Akala nila tatapatan ko ang mga kapangyarihan nila at tatalunin, at isa ang ina mong si Demeter at umayon na ipatapon ako. Pero wala na sakin yun, sa totoo nga maganda na din yun, kahit papaano nakilala ko ang mga may ayaw sakin, kahit mismong mga kapatid ko ayaw sakin." malungkot na kwento ni Hades.

RVP 2: The Daughter's Prophecy (On Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt